CHAPTER 5

3406 Words
At the Cafeteria, Bea and Carla were having lunch. Hindi nakalimutan ni Carla na kulitin si Bea. “So ano na nga, girl? Kina Papa Darwin ka na naman natulog kagabi?” Habang sumusubo ng pagkain ay hindi matigil sa pagdaldal si Carla. Si Bea naman ay parang naghahanap ng excuse na hindi makapagsalita kaya napapadami sa pagsubo. Finally, Bea decided to just tell a lie, sasabihin niya na kay Darwin nga siya natulog. Akmang bubuka na ang bibig ni Bea nang naramdaman nila na tumayo sa tapat ng mesa nila si Liam. Sabay na sabay na napatingala ang dalawa at napatingin sa mukha ng boss nila. Nakita nila na may dinukot si Liam sa bulsa nito at iniabot kay Bea. “You forgot this yesterday, nakuha ko sa ilalim ng unan ko. Is this yours?” Sabay inabot ang isang hair accessory.  Nanlaki ang mata ni Bea. Mas lalo namang nanlaki ang mata ni Carla sabay takip pa sa bibig. Mabilis na kinuha ni Bea ang nasa kamay ni Liam. “Naku, thanks, sir. Kaya pala wala sa bulsa ng blazer ko, naiwan ko po pala. I’m sorry kung na-hassle po kayo.” Hiyang hiya si Bea at napayuko. Umalis na din naman agad si Liam at naglakad na papalayo. “Ano yaaaan?” Medyo napalakas pa ang boses ni Carla sa excitement. “So, alam ko na…kay Sir ka nanggaling kagabi!” “Oops, hinaan mo naman ang boses mo, Bes.” Nang sabihin ito ni Bea ay may iilan nang tao ang nakatingin sa kanila. Hiyang hiya si Bea at agad na nagpaliwanag kay Carla. “Bes, huwag ka naman maingay. Oo na sige, galing ako sa condo ni Sir kagabi. Pero umuwi din ako, hindi mo lang napansin kasi natutulog ka na sa kuwarto mo.” “Are you sure? I turned in late last night. Halos 12 midnight na.” Paniniguro ni Carla na duda pa din kay Bea. “Ok, fine, fine. Nakatulog kasi ako sa condo ni Sir at gabi na ako nagising. Kaya ayun, madaling araw na ako nakarating sa apartment natin.” At bago pa bumuka ang bibig ni Carla ay inunahan na siya ni Bea. “At mali ang iniisip mo. Nagku-cover ako ng daily activities ni Sir para sa feature story. Sumama ang pakiramdam ko kaya pinagpahinga muna niya ako sa room niya. Kaya lang nakatulog ako nang mahaba, hindi niya ako ginising.” “What? So tabi kayong natulog kung di ka na niya ginising?” Nanlalaki pa din ang mata ni Carla na punong puno ng excitement. “Hindi, ano ka ba. Umalis si Sir Liam at gabing gabi na din siya nakabalik. Parang galing ata sa bar, lasing nung umuwi. Ako naman pauwi na din at palabas na ng unit niya.” Saktong nasabi ito ni Bea ay biglang bumalik si Liam at di pa pala nakakalayo, nagbalik lang dahil may naalalang sabihin kay Bea. Narinig pa niya ang huling sinabi ni Bea na lasing siya nang umuwi kagabi. Napaisip si Liam pero hindi na tinanong si Bea tungkol dito. “Oh, sir! Bumalik po kayo.” Muling binati ni Carla si Liam pagkakita dito. Yumukod lang si Bea. “Ah, yes, I remember that I have to go somewhere tonight, aalis ako nang maaga. Bea, you mentioned earlier that you’re doing the draft today. Please don’t leave it on my table. Just email it to me so I can check at home.” Yun lang at umalis na uli si Liam. Ni hindi na hinintay na makasagot si Bea. HABANG NAGMAMANEHO ng sasakyan si Liam ay inisip niyang mabuti ang sinabi ni Bea. Lasing siya. Nakita siya ni Bea. Kung ganun, si Bea ang sumalubong sa akin kagabi. At siya din ang nagdala sa akin sa kuwarto ko. At siya din…Biglang napa-preno si Liam nang madiin. Sunod sunod na busina ang narinig niya sa likuran niya. Itinaas niya ang kamay bilang paghingi ng paumanhin at muling pinaandar ang kotse. Bakit kaya hindi niya pinaalala sa akin kanina? Nahiya ba siya na nagkahalikan kami kagabi? Napapangiti si Liam dahil may kaunti pa siyang naaalala sa nangyari kagabi. Nahatak niya ang magandang babaeng iyon na nakahawak sa bewang niya. Pagdagan sa kanya, nakaramdam siya ng kakaibang init kaya hinalikan niya agad ito. Masarap humalik si Bea... Iba ang hatid ng init ng dila niya. Pero bakit wala na akong maalala pagkatapos nun? SI BEA NAMAN habang ginagawa ang draft ng story niya ay nagngingitngit pa din kay Liam. Nakita niya ang hair accessory ko, ni hindi man lang ba niya naalala na ako yung babae kagabi? Ganun ganun na lang ba iyon? Pero bigla din naman siyang napatigil sa pag-iisip. Bakit Bea, ano ba ang gusto mong mangyari? Panagutan ka dahil sa simpleng halik? “Hay naku, tama na nga Bea, focus, focus ka girl. Magtrabaho ka.” Malakas na pagkakasabi ni Bea, kausap ang sarili. Si Carla naman ay nangungulit uli at nasa tabi niya. “Sinasabi ko na nga ba…focus talaga ang kailangan mo. Hindi ka makapag-focus ano?” Parang nang-aasar pa ito kay Bea. Si Bea naman ay naningkit ang mga mata at sinenyasan si Carla na umalis. “Ayoko ngang umalis. Coffee break na no. Aaayain nga kitang magkape sa coffee shop sa ibaba, eh.” Hindi natinag si Carla sa kinatatayuan niya. Walang nagawa si Bea at pinagbigyan si Carla. Kinuha ang wallet at tumayo. Habang nagkakape na sila sa coffee shop, curious na nagtanong si Carla. “Wala bang girlfriend si Sir Liam?” Muntik nang masamid si Bea. Hindi kasi niya pwedeng sabihin kahit kanino ang tungkol sa  lovelife ni Liam. “Wala. Single siya.” Tipid na sagot ni Bea na hirap magsinungaling. “OMG, talaga? Yang guwapo niyang iyon wala siyang girlfriend? Wala ka bang nakitang babae na inuwi niya sa condo niya? Di ba nakailang punta ka na din doon?” Makulit talaga si Carla at ayaw tigilan si Bea. “Wala nga.” Deretsong sagot ni Bea. “Shocks…sure na talaga ako. Naku siguradong sigurado.” May pagtaas taas pa ng kamay si Carla sa hangin. “Na ano?” Takang taka naman si Bea. “Beki si Sir!” Walang kakurap kurap na sambit ni Carla. “Huy! Ano ka ba Carla! Hinaan mo nga yang boses mo. Tsaka hindi bakla si Sir ano.” Pagtatanggol niya kay Liam. “At bakit mo naman nasabi? May nangyari ba sa inyo?” Sadyang nanunukso talaga si Carla. “Hay nako, Carla. Walang nangyari sa amin, basta hindi siya bakla.” Ano nga kaya kung may nangyari sa amin? Matatanggihan ko kaya si Sir? Hahayaan ko kaya siya na angkinin ako? Sumagi sa isip ni Bea ang mga halik ni Liam ng nagdaang gabi. Pati ang malakas na pagkakahapit nito sa likod niya. Parang malinaw na malinaw pa sa pakiramdam ni Bea ang mainit at matigas na bagay na tumukod sa hita niya. Hmm…mukhang daks si Sir. Ang sarap siguro nun. Tsaka mukhang hot na hot na talaga siya kagabi. Kung saan saan na dinala si Bea ng imagination niya at hindi niya napansin na kinakaway na ni Carla sa harap ng mukha niya ang kamay nito. “Huy, anong nangyari sa yo? Sipsip ka ng sipsip dyan sa frappe mo wala nang laman, puro yelo na lang girl, baka kabagan ka!” Natawa pa nang malakas si Carla pagkasabi nito. Tinignan naman ni Bea ang hawak na baso at totoo nga, wala na itong laman. Pero sa isip ni Bea ay hindi straw ang sinisipsip niya. Iba at mas masarap. Kakainis naman si Carla, istorbo. Napaismid si Bea nang bahagya. “May kaaway ka ba? Sino ba yang iniisip mo? Resbakan natin. Inaway ka ba ng boyfriend mo? Awayin ko yang si Darwin!” Matapang si Carla pag dating kay Bea. Totoong kaibigan na handang protektahan si Bea. Natawa na lang si Bea at hinawakan sa kamay si Carla. “Bes, salamat sa pag-intindi mo sa kin ha. Sa lahat ng mga kapraningan ko, lagi kang nandiyan. Wag kang mag-alala, wala akong kaaway. Pero pag meron, ikaw ang unang makakaalam.” “Ang totoo niyan, bes, kaya kita niyaya dito sa coffee shop, may gusto talaga sana akong itanong sa ‘yo e, nung isang araw pa.” “Oh, ano ba yun? Bakit biglang seryoso ka?” Parang kinabahan si Bea sa tono ng boses ni Carla. “Okay ba kayo ni Darwin? Hindi pa ba siya nagbabago sa yo?” Tanong ni Carla na parang may gustong malaman. “Ok na ok kami, ano ba namang tanong yan? Kelan nga lang di ba magkasama pa kami sa condo niya?” Sagot ni Bea pero may kaunting kaba na naramdaman. Ok nga ba kami? Bakit ngayong nagtanong si Carla, parang may problema nga kami. Noon lang nangyari na hindi siya naligayahan sa pagsi-s*x namin. “Oh, malalim ang iniisip mo. May problema kayo no? Don’t deny it, friend mo ako.” “Pero bakit mo naman natanong kung ok kami?” Si Bea naman ang nag-usisa kay Carla. “Ang totoo nakita ko kasi si Darwin like 2 weeks ago. Parang sweet sa kasama niya. Pero grupo naman sila na kumakain sa restaurant. Hindi nila ako napansin. Pero kitang kita ko na yung kamay ni Darwin ay nasa likod ng sandalan ng katabi niyang babae at parang close sila.” Mahabang paliwanag ni Carla. “Sus, yun lang naman pala. Wala yun, bes. Ganun lang talaga si Darwin. Friendly lang yun. Wala naman kaming problema at malamang close talaga siya sa mga officemates niya.” Pakiramdam ni Bea ay mas sarili niya ang kinukumbinsi niya. Pero tingin naman niya, si Carla ay nakumbinsi na din niya. Nang makabalik na sila sa opisina, biglang nataranta si Bea dahil dalawang oras na lang ay uwian na. Wala pa siyang nasisimulan sa draft niya. Agad na tumawag si Bea sa HR at nag-file ng OT. Pagkatapos ay tinext niya si Darwin at nagpasundo dito dahil tiyak na gagabihin siya. Tahimik nang hinarap ni Bea ang trabaho niya. Naglagay siya ng earphones at nakinig ng music habang nagsusulat para walang distraction. Sa dami na ng nagawa niya ay hindi man lang niya namalayan na alas otso na pala ng gabi. Pero kailangan pa niya ng kaunting polishing sa article. Pag tingin niya sa cellphone niya ay wala man lang text from Darwin. Ang sabi niya ay 8pm siya sunduin. Siguro na-traffic lang si Babe. Hinarap muli ni Bea ang computer. Tuloy tuloy sa ginagawa hanggang sa makapag-email na sa boss niya. Napahikab siya at inaantok na. Saglit na yumuko sa lamesa si Bea para maipahinga ang mga mata. Hindi namalayan ni Bea na dumating pala si Liam. Bumalik ito sa opisina dahil may nakalimutang mahalagang dokumento. Crucial ang submission the following day kaya pinilit niyang bumalik sa office para makuha ito at sa bahay na basahin. Pero napansin niya na may ilaw pa sa cubicle ni Bea. Lumapit siya at dahan dahang sumilip dito. Nakayuko sa desk si Bea at mukhang natutulog na. Tsk, late na, dapat umuwi na lang siya kung inaantok na. Lalapitan na sana ni Liam para gisingin pero biglang tumunog ang cellphone ni Bea at nagising ito. “Hello, Babe. Hmm…” Nakinig si Liam kay Bea. At di sinasadyang narinig din niya ang pinag-usapan nila. “Ganun ba. Pero late na Babe, sana nasabihan mo ako nang maaga na hindi mo ako masusundo. Bihira kasi dumaan ang taxi dito sa building namin kapag ganitong late na.” Parang may himig tampo sa boses ni Bea. Mayamaya ay nagpaalam na ito sa kausap. “Ehem.” Tumikhim si Liam para marinig ni Bea. Gulat na gulat naman si Bea at biglang napatayo sa upuan. “Sir! Ano pong ginagawa niyo dito?” “May nakalimutan lang ako, binalikan ko. I was about to leave pero napansin ko may tao pa, kaya sinilip kita. Let’s go. I’ll wait at the elevator in 2 minutes.” Pagkasabi ni Liam nito ay agad ding tumalikod at naglakad na palayo. “Wait, wait sir!” Hindi naman lumingon si Liam kaya napilitan si Bea na kumilos nang mabilis at sumunod na kay Liam. Pag dating sa loob ng elevator, si Liam ang bumasag ng katahimikan. “I’ll take you home. Where do you live?” Tanong nito kay Bea pero hindi nakatingin dito. “Ah, no need sir, I’ll just take a cab.” Tanggi ni Bea na nahihiyang makasama ang boss niya na silang dalawa lang. Sariwang sariwa pa kasi sa alaala niya ang nangyari kagabi. “I’m not giving you a choice.” Pagkatapos ay lumabas na ito ng elevator at dire-diretsong sumakay sa kotse niyang nakaparada na sa harap ng building. Sumunod si Bea at sumakay sa harap. “Dinner?” Tanong ni Liam. “I’m good sir. Deretso na po tayo sa bahay.” “Which is? Sa bahay ko ba o sa bahay mo?” Pagkatanong ni Liam nito ay agad na namula ang pisngi ni Bea. “Sa..sa bahay ko po.” Tahimik niyang sagot na nauutal pa. “That’s why I was asking for your address. Kasi akala ko gusto mo sa bahay ko umuwi. Kanina mo pa hindi sinasabi sa akin ang address mo.” Pormal na tanong ni Liam na alam naman niya na inaasar lang niya si Bea. “Sa San Andres sir. Number 16 Onyx St.” Mabilis na sagot ni Bea. Pagkabanggit niya ng address niya ay bigla tumunog ang tiyan niya. Kumakalam na ang sikmura niya sa gutom. Napahawak siya nang mahigpit sa tiyan at napayuko. Nakupo, ngayon pa, nakakahiya talaga Bea. “I told you, you’re not okay. Baka sumakit uli ang tiyan mo nyan.” Pagkasabi ni Liam nito ay bigla niyang kinabig ang manibela at iniliko sa parking ng nadaanang restaurant. SA PARKING LOT NG RESTAURANT ay nandoon din si Darwin. Nakasakay sa kotse niya at may kasamang ibang babae. Palibhasa ay gabi na, kaunti na lang ang sasakyan sa parking lot. Sinamantala nila ng kasama niya ang pagkakataon. Mahigpit silang magkayakap nito. Officemate ni Darwin si Lorraine. Matagal na itong nagpapahiwatig sa kanya hanggang sa hindi na napigilan ni Darwin ang sarili niya, pinatulan niya ito at madalas na silang lumabas. Wala pa siyang lakas ng loob na magsabi kay Bea dahil sa puso niya, alam naman niya na mahal niya si Bea. Hindi lang niya kayang labanan ang tuksong hatid ni Lorraine. They were just on a flirting mode, and not dating.  Habang magkayakap at magkahinang ang mga labi, hindi na mapigilan ni Darwin ang sarili. Malikot ang kamay ni Lorraine. Gumapang ito sa ibaba ng pantalon niya at kinapa ang alaga niya na noon ay gising na gising na at nagsisikip na ang suot niyang pantalon. Hindi bumibitaw sa paghalik si Darwin. Lalo pa niyang pinaglaro sa loob ng bibig ni Lorraine ang dila niya nang maramdaman niya na kinalas nito ang sinturon niya at ibinaba ang zipper niya. Parang sanay na sanay na dinukot palabas ang sandata niyang galit na galit na. “Ooh…yeah, that feels good, Lorraine.” Hinimas ni Lorraine si Darwin sa ibaba. Kinapa ni Darwin ang dibdib ni Lorraine. Napaungol ito nang mahina. Mabilis na inalis ni Darwin ang pagkakahawak ni Lorraine sa alaga niya at humarap siya dito. Binuksan niya ang butones ng blouse nito at agad na hinalikan ang malulusog na dibdib ni Lorraine. Napasinghap si Lorraine. Ibinaba ni Darwin ang suot nitong bra at tumambad ang nakatayong mga n*pples.  Agad na pinaglaro ni Darwin ang dila niya sa mga ito at dahan dahang kinapa sa ilalim ng palda si Lorraine. Basang basa na ang panty nito kaya hinawi lang ni Darwin at ipinasok ang daliri sa madulas nang kaselanan ni Lorraine. “Ooh, Darwin, make it fast...make me c*m, make me c*m, please…” Nagmamakaawa na si Lorraine at ramdam na nito ang namumuong pagsabog sa bandang puson niya. Sa ilang mabilis na paggalaw lang ni Darwin sa mga daliri niya ay nakaraos na si Lorraine. Kapwa hingal na hingal silang dalawa na inayos ang sarili. Tinulungan pa ni Darwin na magsara ng butones ng blouse si Lorraine. Sa ganoong ayos sila nailawan ng pumaradang kotse sa tapat. Biglang humarap si Darwin at humawak sa manibela. Si Lorraine naman ay tumuwid na ng upo. Parang napako naman si Bea sa kinauupuan niya. Pagkahinto nila sa parking lot ay nadaanan pa ng liwanag ng kotse ang mukha ng mga nakaupo sa nakaparadang kotse. Kitang kita niya na nakaharap ang lalaki sa babae na parang may ginagawa. At pag harap nito ay walang iba kundi si Darwin! Napatakip ng bibig si Bea at hindi makapaniwala! Umandar na ang kotse nina Darwin nang hindi niya napansin na si Bea pala ang sakay ng kotseng pumarada. “Hey, are you alright?” Tanong ni Liam kay Bea. Nakita niya na para itong nakakita ng multo at tulalang nakatingin sa harapan, nakatakip ang dalawang kamay sa bibig. Mukhang hindi siya narinig nito kaya inulit niya ang tanong. “Bea, what’s happening?” Saka lang nahimasmasan si Bea at napalingon kay Liam. “I’m fine, I’m fine. I’m sorry, sir.” “Seriously, why are you sorry? May nagawa ka ba?” “No, no. What I mean is I’m sorry naabala ko po kayo. Pwede naman tayong umuwi na lang, kaya ko pa naman pong tiisin.” Napailing iling si Liam at lumabas na ng kotse. Sumunod naman si Bea na wala nang nagawa. Habang naglalakad papasok sa restaurant, wala nang ganang kumain si Bea. Pero ayaw naman niyang ipakita sa boss niya kung ano ang nararamdaman niya. Pinilit niyang maging masigla kahit sobrang sakit ng nararamdaman niya. “What dish do you prefer?” Liam asked when the waiter handed them the menu. “Lahat kaya ko pong kainin sir, sa gutom ko.” Then Bea flashed a big grin. Hindi pinahalatang pilit na pilit lang siya na magpakasaya. Hindi nag-react si Liam. Tiningnan lang siya at bumaling na sa menu. Habang nakatingin sa menu ay naramdaman ni Liam na natuwa siya. She’s back to her old self. “Waiter, we’ll have this. And this. Please add some extra serving of rice.” Marami siyang itinurong pagkain at nagtaka naman ang waiter dahil dadalawa sila. “Don’t worry, it doesn’t seem like it, pero grabe ang appetite ng kasama ko.” At tinignan niya si Bea nang hindi ngumingiti. But Bea knew that it was all a joke kaya palihim na din siyang natuwa sa effort ni Liam na magpatawa. When the food was served, pinilit ni Bea na kumain nang magana kahit na gustong gusto na niyang umiyak. Tahimik lang si Liam. Hinayaan si Bea na kumain nang tahimik. Dahil sa katahimikan nila ay hindi maalis sa isip ni Bea ang nakita niya kanina kay Darwin. Bigla ay napatulala siya at napatigil sa pagsubo. “Hey, what’s wrong?” Agad namang nagtanong si Liam. Umiling lang si Bea at pinilit uli na kumain. Sunod sunod na sumubo para maging abala ang isipan niya. Nagsalin ng red wine si Liam sa wine glass niya. Tahimik na ininom ni Bea lahat sa isang lagukan lang. Namangha naman si Liam sa kanya at sinalinan uli ang wine glass niya. Buong gabi na walang ginawa sina Liam at Bea kundi kumain at uminom lang ng red wine hanggang sa naubos nila ang isang bote. Hindi sila nag-usap at hindi din naman nagsalita si Liam. Naramdaman na niya na may pinagdadaanan si Bea. Until Liam felt tipsy and Bea got drunk. Kinausap ni Liam ang manager ng restaurant at ibinilin ang kotse niya. Nagpatawag na lang siya ng cab dahil hindi na siya makakapagmaneho.  Pagdating ng taxi ay inalalayan ni Liam na makasakay si Bea. Iniurong pa niya ito at sumakay din siya sa tabi nito. “Manong, Onyx St., San Andres.” Utos ni Liam sa taxi driver. Tumalima naman ang driver at dahan dahang nagmaneho.  May katandaan na ang driver at hindi makapag-patakbo nang mabilis. Sakto lang dahil nahihilo na si Liam at si Bea ay tulog na. Nakasandal sa upuan at nakayupyop na ang ulo. Dahan dahang kinabig ni Liam si Bea at inakbayan. Inalalayan niya ang ulo nito na maisandal sa balikat niya. Samantalang ang mukha naman niya ay idinikit niya sa noo ni Bea. Sa unang pagkakataon, nagtaka si Liam sa sarili dahil nagpasalamat siyang mabagal magpatakbo ang taxi driver.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD