bc

The Loser

book_age16+
602
FOLLOW
1.6K
READ
murder
dark
tragedy
twisted
mystery
like
intro-logo
Blurb

Everyone calls him a Loser, when he's... not. He's Shawn Ramirez and he has a secret. He can see everyone's aura. When the aura's color is green, it means that the person is safe but if it's red it means that the person will die. He never tried to save someone because he doesn't know what will be the consequences of it. His life was boring until Shanice Reams' (the class president of his class) aura turned red. He saved her and strange things began to happen.

Book cover by: CoveryMyst

chap-preview
Free preview
LOSER 1
                                                                                  L O S E R   1 "Shawn. Read page 113." Tumayo ako at kinuha ang libro ko. "He Kneeled down, Thinking how to survive from hell. He prayed hard. he wants to get out of the cage thats locking him." natigil ako sa pagbabasa ng tumahimik ang mga classmate ko Pagtingin ko sa kanila ay mga nakapikit ito at si Ms. Devin naman ay nakatingin sa libro nya at nagbabasa ng tahimik. Bigla syang pumalakpak kaya naman nagising bigla ang mga classmate ko at nagsiayusan ng upo. "Wake up Class!" malakas nyang sabi "And Shawn, you can sit now." sabi ni Ms. Devin Inayos ko ang suot kong itim na salamin at umupo. Napatingin naman sakin yung mga classmate ko. "Tapos kana pala magbasa?" tanong ni Rj "Kala namin kumakanta ka ng lullaby eh." natatawang sabi naman ni Jristan "Rj and Jristan, stop or else minus 10 kayo sa quiz later." Galit na sabi ni Ms. Devin Natigil naman silang dalawa pero halata mo parin ang natatawa nilang mga mukha. Napabuntong hininga ako at yumuko. They call me a Nerd, Loner and a Loser. But actually, i'm not the Loser here. Sila. Sila ang talo. Because i can see when they are going to die. Napatingin ako sa katabi ko ng mapansin na nakatingin sya sakin. Nagulat sya nang makitang nakatitig ako sa kanya, Bigla syang nagiwas ng tingin at humarap sa pisara. Shanice Reams ang pangalan nya, ang Class President namin. Lagi ko syang nahuhuling nakatingin sa'kin o kaya minsan naman ay magtatangka syang kausapin ako pero iniiwasan ko sya. Dahil alam ko ang itatanong nya sakin. Kung bakit ako nagiisa, kung bakit hindi ako makipagkaibigan sa iba, at kung bakit ako ganto. Ano namang isasagot ko? "Nakikita ko kung kelan mamatay ang isang tao." Hindi ba tatawan nya lang ako? or worst baka mapagkamalang baliw pa ako. *Ting.. Ting.. Ting..* (School's Bell) "Whoo! uwian na!!" masayang sabi ng mga lalaki sa likod "Goodbye Class, Don't forget to do your homeworks." paalala ni Ms. Devin at ngumiti Excited na nagsitayuan ang mga classmate ko at nagbow. Hindi ako Makagalaw at nagulat sa nakita. Nakita kong naging red ang aura ni Ms. Devin. Ibigsabihin... May masamang mangayayri sa kanya. Agad akong umiling. hindi ko pwede pigilan ang pangyayari. ayoko. hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari pag-ginawa ko iyon. "Shawn?" Napatingin ako sa katabi ko "Ayos ka lang?" tanong nya "A-ayos lang ako." sabi ko sabay yuko at sinuot ang bag ko "Teka!" sabi nya at hinawakan ang laylayan ng Uniform ko Napatingin ako sa kanya. napansin ko ring wala na yung mga Classmate namin. Ang tahimik. "May problema kaba? bakit kanina mukha kang takot na takot?" tanong nya "Wala." tipid kong sabi at inalis yung kamay nya sa uniform ko "Una na'ko." naglakad na ako papalabas ng Classroom ng makita si Ms. Devin na may kasamang lalaki at nagatawanan sila. ••• "120 pesos po lahat." Kumuha ako ng pera sa wallet ko at binayad. kinuha ko na yung Dalawang cup noodles na binili ko at isang Potato chips. Pumwesto ako sa sulok at hinintay na lumanbot yung noodles. napatingin naman ako sa labas. Maraming naglalakad na mga naka-School uniform pa at yung iba naman ay gumagala-gala lang. May mga nakikita rin akong pulang aura pero hindi ko na lang ito pinapansin. Ano naman kasing mangyayari kung papakielaman ko diba? yun yung destiny nila eh. Ayoko namang pigilan ito. Ng makalipas ang 3-5 minutes ay sinimulan ko ng kainin yung isang Cup noodles. Napatingin ako sa Orasan at magse-7 na pala. 6:00 kase ang uwian namin at dumiretso ako rito. "Masama kumain ng Noodles pag-gutom." napatingin ako sa tumabi sakin Ngumiti sya sakin "Sasamahan nalang kita kumain. akin nalang tong isa ah?" sabi nya at binuksan yung isang Cup Noodles ko "Te-teka--" "Babayaran nalang kita sa susunod. Nakakaingit ka kase kumain ng noodles eh." sabi nya at kumuha ng chopstick "Okay." ano pa nga bang magagawa ko? hindi pa nga ako pumapayag Kinain na nya eh. Ganon ba talaga mga Babae? Abnormal. Tahimik lang kaming kumakain. Nararamdaman ko parin yung mga titig nya. gusto ko ngang sabihin sa kanya na nakakailang yung mga titig nya eh. pero sa hiya ko? hindi ko kaya. "May Tanong ako.." simula nya Napangiwi ako. Sabi ko na nga ba at may itatanong talaga sya. "Bakit Nakasuot ka ng salamin?" tanong nya. Napatingin ako sa kanya. Hindi ba obvious na malabo ang mata ko? "Ah!" bigla nyang sabi at parang may light bulb na umilaw sa kanyang gilid "Malabo mata mo, no?" parang tanga nyang sabi Hindi ako sumagot at tumango lang. "Shet! ang galing ko talaga!" natatawa nyang sabi Abnormal nga. "Pero seryoso na'to.." mahina nyang sabi Agad akong napatayo "Ah, may gagawin pa pala ako." sabi ko at kinuha yung Potato chips ko "Huh? agad agad?" nakasimangot nyang tanong at tumayo rin "Sorry." sabi ko sa kanya "Ahmn.. ayos lang, samahan nalang kita pauwi sa inyo?" Hindi talaga sya magpapatalo? Ganon ba sya ka-curious sakin at gusto nyang itanong yung mga yon? "Wag na, kaya ko naman." sabi ko at naglakad na "Ok.." mahina nyang sabi at pagkalabas naming dalawa ay humarap sya sakin "Shawn," tawag nya sakin "Shanice Reams nga pala pangalan ko." sabi nya at nilahad ang kamay "Alam ko." sabi ko at tinignan ang kamay nya napakagat naman sya labi nya. "Akala ko di mo alam pangalan ko eh. Sige, bye." sabi nya at ngumiti sakin. "Thanks din.. sa Noodles. Bayaran kita bukas." habol nya pa at tumalikod na "Shanice.." mahina kong tawag sa kanya Agad naman syang lumingon sakin "bakit?" tanong nya Bakit sya pa? bakit naging Pula yung aura nya? "Sige. Samahan mo na ako papunta sa Apartment ko." Mahina kong sabi "Yosh!" sigaw nya at tumakbo papalapit sakin "Ngayon mo lang ako tinawag sa pangalan ko ah." sabi nya at naunang maglakad atsaka humarap sakin Nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang naging Green na ito. ligtas na ba sya? Pero.. ano tong ginawa ko? bakit ko.. pinigilan yung dapat na mangyayari sa kanya? Shawn Ramirez ang pangalan ko. My Mother died when i was 13 years old. Iniwan ako ng Tatay ko. May new family na sya but he still gives me allowance every month. And yeah, hindi ko alam san ko nakuha o namana tong nangyayari sakin. Basta nalang to dumating pagkatungtong ko ng 16 years old.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.1K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
128.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.7K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook