LOSER 2

1072 Words
                                                                                   L O S E R   2       "Uhmn.. Bye." sabi ko ng nasa harapan na kami ng Room na inuupahan ko   Nilibot nya yung paningin nya sa paligid. "Ohhh.. dito ka pala tumutuloy.." sabi nya at tumingin sakin "Sige, Bye!" Ngumiti sya sa'kin at biglang nag-ring yung phone nya. Sinagot nya ito at mabilis na naglakad palayo.   "Teka-" Napa-shrug nalang ako ng shoulder. Baliktad ata. Sya pa ang naghatid sa'kin papuntang Bahay.   Kukuhain ko na sana yung Susi ko sa bulsa ng malamang wala ito dito.   "Huh?" takang tanong ko at Binuksan ang bag para hanapin ito dito pero wala talaga.   Asan na yun?   Baka naiwan ko sa 7/11?   "Ts." sabi ko at tumakbo papuntang 7/11.   Imbis na magpapahinga na ako ay  tumatakbo ako ngayon. Ng marating ko ang 7/11 ay agad akong pumunta sa pwesto ko kanina at nakita sa ilalim ng lamesa ang susi. Agad ko itong kinuha at nilagay sa bulsa ng suot kong jacket.   Napatingin naman ako sa dalawang Cup Noodles na halos di nagalaw. Sayang talaga pera ko. Nakakapanghinayang.   Paglabas ko sa 7/11 ay bumili nalang ako ng Egg Pie sa paborito kong Bakery shop at naglalakad na pauwi. Habang naglalakad ay pakunti na rin ng pakunti ang mga tao at mga sasakyan. Dumaan din ako sa isang Street na pinaka-ayaw kong daanan. pero dahil short cut ito ay dito nalang ako dumaan para makauwi na ako agad. Gusto ko na din kase gawin yung pinapa-research sa'min para makatulog na.    "Kyahhh!" Agad akong napa-lingon sa eskinitang masikip at madilim.   Pamilyar ang boses ng sumigaw.. Nanlaki ang mata ko ng maalala si Ms. Devin. Agad akong pumasok sa isang Eskinita at nakita syang naka-higa na sa sahig na may dugo sa ulo. Nagtago ako sa kaisa-isahang Poste na patay-bukas ang ilaw at nakita ang boyfriend nyang may hawak na malaking bato na may dugo.   "No.. No. Devin.. I'm sorry.." rinig kong mahinang sabi nung lalaki   Napasabunot ito sa ulo at umiyak. Niyakap nya ang bangay nito.   *Ringg* *Ringg*   Agad akong natigilan ng mag-ring ang Phone ko. Napatingin ako sa Lalaki at nakatingin na ito sa'kin ngayon. Agad syang tumayo at humakbang ako paatras.   Pero wala syang sinabi na kahit ano at tumakbo nalang sya.   Agad akong naghanap ng CCTV camera sa paligid pero wala akong nakita.   "Sha-Shawn.." napatingin ako kay Ms. Devin ng magsalita ito   Agad akong lumapit sa kanya at lumuhod. Inangat ko ang upper body nya.   "So-sorry.." mahina nyang sabi na halos maiyak na sya.   Bakit sya nagso-sorry?   "Sorry kung.. hindi ako naging mabuting guro.." sabi nito at tumulo ang dugo sa kamay ko.   Nakita ko ang pagpatak ng luha nya at wala akong maramdaman na kahit ano. Kahit Pagka-awa o lungkot. Siguro sanay na din akong makakita ng taong mamatay na.   "Si.. Paolo.." nakapikit nyang sabi   "He did this to you?" tanong ko at naramdaman ko nalang na hindi na sya humihinga   Mabilis akong tumayo at napatingin sa kamay ko. Wala akong kinalaman dito. Wala. Pinunas ko ang Kamay ko sa Uniporme ko at napatingin sa kanya.   "Sorry din Ms. Devin." sabi ko at tumalikod na   Sorry dahil hindi ako gagawa ng ikakagulo ng buhay ko ulit. Ayoko ng maulit yung dati.   Sinuot ko ang hood ng jacket ko at nilagay sa bulsa ang kamay. Habang naglalakad ay nakatingin lang ako sa sahig ng may magsalita.   "Sha-Shawn?" napatingin ako kay Shanice na mukhang gulat na gulat na nakatingin sa'kin   Tsaka lang ako natauhan ng maalala kong may dugo pala ang uniporme ko. Agad kong sinara ang suot na jacket at nag-iwas ng tingin.   "Ba.. bakit may dugo yung Damit mo?" tanong nya at nabitawan ang paper bag na hawak hawak nya   "Wa-wala." agad kong sagot at naglakad ulit ng magsalita sya.   "Si... Ma'am Devin ba yun?" tanong nya at naglakad papunta dun pero pinigilan ko sya.   "Wag kang lalapit." sabi ko pero nagpatuloy parin sya at wala akong nagawa kundi ang sundan sya papasok sa eskinita   Napatakip sya sa bibig at gulat na napatingin sa'kin.   "Wala akong kinalaman dyan." mahina kong sabi   "Wala?" tanong nya at humarap sa'kin "Pero may dugo ang damit mo." mahina nyang sabi habang nakatingin sa katawan ni Miss Devin na wala ng buhay.   "Bakit ba ayaw mong maniwala sa'kin? wala akong alam dito." paliwanag ko at maglalakad na ng hawakan nya ako sa braso at masama akong tinignan   "Proof." sabi nya   "Ts. Let go." tipid kong sabi   "I need a Proof para maniwala ako sa'yo." sabi nya at hinarap ako sa kanya   Tinignan ko sya ng deretso sa mga mata at nakitang naguguluhan sya. gusto nya ng kasagutan.   "Ano bang proof gusto mo? walang CCTV camera dito." mahina kong sabi   Nakatingin lang din sya sa'kin na parang naghahamon ng titigan pero ako ang unang nag-iwas.   "I'll give you one week." sabi nya at binitawan ang braso ko "Sa one week na yun, kelangan mo makahanap ng proof at patunayan sa'kin na wala kang kinalaman dito." dugtong nya at naunang maglakad   Nakatingin lang ako sa likod nya habang naglalakad na sya papalayo. Napatingin ako sa katawanan ni Ms. Devin.   "Damn." mahina kong sabi at sinipa ang maliit na bato sa paahan.   ●   ●   ●   "Class, i have a bad news." sabi ni Sir Tiam, ang Class Adviser namin. Tumingin sya kay Shanice at tumango.   Tumayo naman si Shanice at napabuntong hininga sya. "Nakakalungkot ang nangyari. Ma'am Devin is already dead." sabi nya at tumingin sa'kin   Agad akong nagiwas ng tingin at tumingin lang sa pader   "What? kelan?"   "Bakit?"   "Anong Nangyari?"   Kanya-kanyang reaksyon ang iba.   "Natagpuan ang bangkay nya kanina lang umaga." sabi ni Sir Tiam at sumenyas na pwede ng umupo si Shanice   "Omygod." Rinig kong sabi ni Kaelyn, ang vice president.   "Get your books, at Mamayang uwian ay bisitahin natin ang libing nya." sabi ni Sir Tiam at naglabas ng libro   Kinuha ko naman ang libro ko ng may eroplano na papel ang tumama sa ulo ko. Napatingin ako sa Humagis nito at nakita si Shanice na tinuro ang eroplanong papel na mahulog sa sahig.   Hindi ko sya sinagot at kinuha ko lang ang papel. Binuksan ko ito at binasa ng tahimik,   6 Days left.   Nilukot ko ang papel at nilgay sa bag.   Bakit ba nagaaksaya ako ng oras para dito? ts. Tinignan ko sya at nakitang nakatingin lang sya sakin tapos ay ngumiti ito.                        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD