"Mommy..." Tawag nya agad dito ng makita nya itong nag didilig ng halaman. Mabilis itong tumingin sa kanya na mukang gulat. Umiwas lang ito ng tingin at pinag patuloy ang pag didilig ng halaman. Tumingin sya kay Granny na nakangiti at ng thumbs up sa kanya. Dahan dahan syang nag lakad papunta dito at niyakap mula sa likod. "I miss you, mommy..." Narinig nya ang mahihinang hikbi ng mommy nya at di nya maiwasan masaktan. Her mom was his Hero. No, she's still her for him. Ilang beses pinag laban ng mommy nya ang pamilya nito wag lang sila masira. Pinag laban nito ang lahat lahat, wag lang syang lumaki ng walang ama. Lahat ginawa nito para sa kanya, binuhos ang lahat ng pag mamahal. Lumaki sya na punong puno ng pag mamahal ng mga magulang nya. "Mommy..." Lalong lumabas ang iyak nito at n