"She's five weeks pregnant." Pareho silang nagulat ni David sa sinabi ng Doctor. Nag katinginan silang dalawa at namuo ang ngiti sa kanilang mga labi. Hinalikan sya nito sa pisnge at hinawakan ang tyan nya. "We have a little buddy in your tummy, honey..." malambing na sabi nito. "Sa susunod mag iingat ka na ah?" tumango sya dito at malawak syang nakangiti. Tumingin sya sa mommy ni David na gulat din dahil sa narinig nya. Hindi sya nag sumbong dito at wala syang sinabi kay David na kahit anong ikakasama ang mommy nito. Basta sinabi nya lang ay nag kusa sya dahil ayaw nyang mahirapan ang mommy nito. Gustong gustong sumabat ni Granny pero nakiusap sya na wag. "Mas maganda siguro kung sa inyo ka muna, Ayana. Wag na wag ka muna mag lalabas." sabi ng Granny nya. "Ofcourse. Talagang saki