CHAPTER 30 Dumating ang araw ng last session namin ni Teejay, mga past 6 pm na ako nakaalis sa opisina kakaantay ko kay Gina. Tuesday ngayon kaya may trabaho pa s’ya, may pinapa-rush ang boss kaya kailangan siyang mag overtime ng dalawang oras. She tried to begged off but I pleaded her to come over after her overtime. Kahit na late na siyang magpakita, okay lang. Ayaw ko na mapag-isa. Kahit pa dumating siya in the middle of our session okay lang sa akin, o kahit na pag malapit na kaming umuwi. Hindi naman sa wala akong tiwala kay Teejay, alam kong safe ako sa kanya, wala naman siyang gagawain sa akin na masama. Sa likod lang ng isip ko mabuti na ang hindi kami mabigyan ng maraming oras na kami lang dalawa. Iwas sa pwedeng sabihin ng tao. Natawa ako dahil wala namang may alam kundi kam