CHAPTER 33 “No Jared–” Nangilabot ako sa sinabi nya. “I will let you go–” Parang bombang sumabog yun sa harapan ko. Alam kong mali na pagdudahan ang intensyon nya sa akin. Magulo ang utak ko at mali ako pero, hindi ko naman gusto na umurong sa kasal. Mahal ko sya at dama ko din kung gaano nya ako kamahal. Bakit nya ako pakakawalan? “I want to give you enough time to know who you really love, Arin.” Mahinahon niyang sambit, parang narinig nya tinanong ko sa sarili ko. “Mahal kita–” sagot ko, mas lalong lumala ang sakit ng ulo na nararamdaman ko. Pati puso ko muntik ng lumundag palabas ng dibdib ko. Tumawa siya ng kaunti, “Alam ko–, pero– baka hindi sapat ang pagmamahal na iyon para habang buhay kang mag patali sa akin. Hindi ko gusto makulong ka sa isang relasyon na pagsisisihan mo