CHAPTER 34 Pagdating ko pa lang sa Bellevue Resort, ramdam ko na ang ginhawa sa puso at isip ko. Halos gabi na akong nakarating, nagdidilim na ang paligid. Nang ihatid ako sa room ko, balot na ng itim ang langit, hindi ko na nasilayan ang dagat mula sa balcony ng kwarto na pinag-dalhan sa akin. Pero–dinig ko ang dagat sa hindi kalayuan, amoy ko din ang sariwang hangin. Maganda at masarap sa pakiramdam, alam kong nasa tamang lugar ako. I intend to make the next few days a self-imposed retreat to recharge my mind, body, and soul. I owed it to myself. Hindi ko muna i-isipin ang mga problema ko, wala munang Jared at Teejay–si Arin lang una ang mahalaga. Hindi na ako kumain sa dining area, bukas ko na lang lilibutin ang buong resort at titikman ang mga pagkain. Well-endorsed ang hotel na it