"Aalis ka nanaman?"
Tumingin sya sa lalakeng nakahiga sa kama habang nakatingin sa kanya. "Baka maabutan tayo ng girlfriend mo." normal na sagot nya pero nag papasakit nanaman ng puso nya.
"Apat na araw mo nasakin sinasabi 'yan at apat na araw ko na din sinasabi sa'yo na hindi alam ng girlfriend ko na may condo ako."
Napabuntong hininga sya.
Halos gabi gabi ng may nang yayare sa kanya. Gusto nya umantras pero sa tuwing sumasalakay ito ay nang hihina sya. Alam na alam ng lalakeng ito kung pano sya aatakihin hanggang sa wala na syang magawa. Sumusuko na sya dahil etong lalake mismo nito ang kahinaan nya.
"Uuwi na ko." normal na paalam nya pero mabilis sya nitong hinila pahiga sa kama at mahigpit na niyakap sa likod. "RJ!" inis na tawag nya dito.
"Please, kahit ngayong araw lang. Sakin ka muna."
Bumilis nanaman ang t***k ng puso nya. Hindi sya makakawala dito kung tuluyan sya magiging mahina, hindi sya makakawala dito. Sya at sya lang masasaktan dahil alam nya sa sarili nya na may mahal 'tong iba. Isa lang syang babaeng parausan, katulad na sya ng mommy nya.
"Hindi ka ba na gi-guilty?" she asked.
"Guilty for what?"
"You hurting her, you cheating her. What if malaman n'ya 'to? We should stop, right?"
"I can't stop. Hinahanap hanap kita, kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Isa kang drugs na mahirap iwan at tigilan." napasinghap sya sa sinabi nito. "Kaya saka na ko mag iisip pag nahuli nya tayo." napakagat sya ng ilalim ng labi nya.
He will choose his girlfriend over her. She already knew that.
Napupuno nya lang ang pangangailangan nito at hanggang don lang sya. Kahit san tignan, walang wala sya.
Umuwi sya sa bahay nila ng bandang hapon, hindi nya ito hinayaan na ihatid sya sa kanila. Pag dating nya sa bahay nya ay agad nyang binagsak ang katawan nya. Madaling pasukan pero mahirap makakawala. Dapat sa una palang umantras na s'ya pero dahil nabulag sya sa mga salitang sinabi ng mommy nya ay napapayag sya ng mga ito.
"Ma'am, hindi po kayo kakain?"
"Hindi." sagot nya.
Pumasok sya sa Cr upang mag linis ng katawan. Kasabay nya itong kumain mula umaga hanggang tanghali, dahi ng bandang ala tres ng hapon ay umuwi na sya. Sinabi nito na may dinner date ito sa girlfriend nya at kinasikip ng dibdib nya.
Pinilit nyang alisin ang muka nito sa isipan nya at nag tagal sa loob ng Cr. Halos isang kalahating oras sya don bago lumabas. Ngayon ang araw ng pageant ng kanyang half sister at gusto nya 'yon mapanood. Nag suot sya ng isang hight waist short at sa itaas naman ay isa sleeveless crop at isang black flashoes. Kinuha ang maliit nyang bag pack. Kinulot nya ang buhok nya ng katulad sa napanood nya sa isang Movie na Barcelona, nag lagay sya ng contactlens at light make up.
Bumagay sa kanya ang kanyang ayos, maputi syang babae at makinis. Kitang kita ang kanyang hugis ng katawan.
Lumabas sya ng kwarto nya at nag tuloy tuloy sya pababa. Lumabas na sya ng bahay ng lola nya at eto nanaman sya sa lakaran.
Wala pa syang pambiling kotse at naiinis sya kung bakit dulo pa ang bahay nila. Wala na syang choice kundi mag lakad nanaman. Nang nasa tapat na sya ng court ay may tumawag na sa kanya.
"Kyla!"
Tumingin sya sa mga tao sa court at ngumiti sya, mabilis sya pumunta doon. Mga nakaayos ito na parang may pupuntahan. "Where are you going guys?" she asked.
"Blue University! Laban ng kapatid nya." sabay turo sa lalakeng chinito na nag hatid sa kanya noon.
"Really? My half sister too." sagot nya. "But i will go there not because to support her." dugtong nya agad.
"Edi sumabay ka na samin!" mabilis syang tumango dito.
May dala silang tatlong kotse at sumakay sya sa lalakeng chinito. Umupo sya sa driver eat at inayos nya ang seatbelt nya. "Pansin ko lang, di kayo close ng half sister mo?"
"Diba na kwento ko sa'yo? I'm not close to them." sagot nya.
"Nakalimutan ko ata. O hindi mo talaga na kwento." natawa silang pareho.
"Teka! Hindi pa kita kilala."
"Just call Rj." nawala ang ngiti sa labi nya ng marinig nya ang pangalan nito.
"Rj?"
"Rajel John."
Napatango nalang sya dito. Natahimik silang dalawa sa loob ng sasakyan. Naka sandal sya sa upuan nya habang nakatingin sa bintana. "Mahilig ka ba sa ganyang damit? Hindi ba masyadong reaveling?"
"Nakasanayan ko na saka dito ako komportable." sagot nya habang nakatingin sa bintana. Tumingin sya dito na nakakunot ang noo habang nakatingin sa harapan. "Saka ikaw lang ata nag lakas loob pakielamanan ang suot ko."
Sumulyap ito sa kanya ng isang beses. "Baka lang kasi mabastos ka dahil sa suot mo. Wala ka pa naman atang kaibigan na lalake." she just smiled.
"Wala naman bumabastos sakin." normal na sagot nya dito. "Saka kung meron man? Sanay ako lumaban."
"Kahit na. Malay mo marami sila? Saka ka nalang siguro mag suot ng mga ganyan pag may kasama kang kaibigan mong mapapag katiwalaan mo."
Mabilis syang tumango at ngumiti dito. Nang makarating sila sa Star University kung san sya grumaduate ay agad syang bumaba. Hindi na nya hinintay si Rj na mag bukas para sa kanya. Pero sabay silang nag lakad papunta sa malaking Gym upang manood ng pageant.
Sabay sabay sila ng mga kaibigan ni Rj na nag punta don. Puno ng tawanan ang naging usapan nila. Hindi mahirap pakisamahan ang mga ito dahil parang matagal na silang lahat mag kakilala kung mag usap usap at ganon din ang pinaparamdam nito sa kanya.
Nang makarating sila sa Gym ay agad silang gumilid. Hinawakan sya ni Rj sa bewang upang hindi sya madapurak. Maraming tao sa buong gym at maingay. Nag sisimula na ang pageant. Nang makarating sila sa unahan ay nagulat sya ng may upuan don na para sa mga kaibigan ni RJ.
"We are judges here." nagulat ako sa sinabi nito.
"Really?" he nodded.
"Kinuha lang kami nung isang araw. So kaya kami nag punta dito dahil don. Hindi naman kaming lahat, kami kami lang nila Lea at ni Raphael." napatango sya dito.
Pero nagulat sya ng hilahin sya nito sa tabi at wala na syang nagawa kundi umupo. Akala nya kanina nag sisimula. Prod lang pala yun at ngayon palang ang totoo.
She saw her half sister, asa third ito at mukang gulat na gulat ng makita sya. She just smiled at her. Sunod sunod silang nag lakad at huminto sa gitna upang mag pakilala.
"Kamilla Antonio, 18 of age."
Pumose ito sa harapan nila habang malapad ang ngiti. Napailing nalang sya sa kanyang kapatid at pag katapos ng introduce ay may lumabas nanaman na mananayaw.
"Diba may dinner date kayo ng boyfriend mo si Rj? Bakit nandito ka pa? It's 5 pm!"
Tumingin sya sa likod nya and she saw girl, the girl 5'2 and chinita. Tandang tanda nya ang buhok nito ng makita nyang hinalikan ito ni Rj. Sumakit ang kaliwang dibdib nya pero binalewala n'ya lang ito.
Pinag masdan nya ang muka nito. Hindi malabo mahulog ang loob dito ni Rj dahil mukang mahinhin, maamo ang muka at talagang nakakabighani ang ganda. Umayos na sya ng umupo dahil napansin nyang nakatingin sakanya ang kaibigan nito.
"Nope. He will be here later. Mga 7pm, sinabi ko kasi na manonood ako ng pageant ng pinsan ko." she smirked.
So mag kikita nanaman pala sila?
Kung alam mo lang, nasakin ang boyfriend mo. Saakin nauuhaw ang boyfriend mo, kung alam mo lang.
Pinikit nya ang mata nya ng mag simula nanaman ang lakaran sa gitna. Hindi naman sya interesado, gusto nya lang makita ang pag aarte ng kapatid nya. Mabilis lang natapos ang sports attire nito at tumayo na sya. Nag paalam sya kay Rj na pupunta sya sa backstage at tumango ito sa kanya.
Pumasok sya sa dressing room ng mga candidate and she saw her sister. May make up artist ito at hair stylist. Super proud ng mommy nya dito even her dad na kahit kailan hindi nya naramdaman. She's proud too, pero ayaw nya lang aminin sa sarili nya dahil sobrang naiinggit sya dito.
"What are you doing here?" umayos ito ng upo at lumapit dito.
Tinignan nya ang make up ng kapatid nya at di nya nagustuhan. Mabilis nyang kinuha ang make up ng gamit ng bakla at inayusan ang kapatid nya. Hindi nya pinansin ang pag babawal sa kanya basta inayusan nya lang ito sa batay na nabagay ito.
"You're prettier kung light make up ang ilalagay sa muka mo. Hindi masyadong makapal, mas maganda tignan ang natural." sagot nya dito. "And your hair style? Hindi ba masyadong old ang design nito?" tanong nya sa isang bakla na umantras. "Kung kukuha naman sana kayo yung professional." sagot nya sa mommy nya.
Sya na mismo nag ayos ng buhok nito at wala na syang narinig na kahit isang salita sa mga ito. Nilugay nya ang buhok ng kapatid nya na ginulo gulo ang dulo para mag mukang simple lang. Her sister is beautiful, may pag kakahawig sila.
Tinignan nya din ang isusuot nitong gown at napailing sya sa bakla. "ANO BA NAMAN 'TO?" inis na tanong nya sa dalawa. "Yung totoo?" napayuko ang dalawang bakla dahil sa reaksyon nya.
Mabilis nyang kinuha ang cellphone nya at tinawagan ang kanyang kaibigan. 'Yes, hello?"
"Damn! Mel, pwede bang mag dala ka ng gown na babagay kay kamilla? Damn it! Her make up and hair stylist are useless! Ginagawang katawa katawa si Kamilla!" nang gigil na sabi nya.
"Oh! Kailan ka pa nag karoon ng pake dyan?"
"Just shut up! Kailangan ko na ngayon!"
She heard her chuckle at binaba na nya ang cellphone nya. Mapapag katiwalaan nya si Mel sa ganitong bagay. "Kung sasali ka naman sana Kamilla sa ganito, sana handa ka!"
"Hindi ko naman kasi alam. Sabi nila sila na daw bahala."
"Hindi mo man mga tinignan ang gamit? Even the make up is fake! Pano kung kumati muka mo? Sige nga!" imbis na mainis ito ay nakita nya ang pag ngiti nito. Iniwas nya ang tingin dito.
"Thank you, ate b***h!"
Kinagat nya ang ilalim ng labi nya upang pigilan ang pag ngiti. Damn! Nakakaramdam sya ng saya dahil sa tawag sa kanya ng kapatid nya. Lumalambot ang puso nya. "Akala ko hindi ka proud sakin." she just rolled her eyes.
"They are proud of you, not me. Sayang ang mga gamit kung matatalo ka, kahit sana first place makuha mo."
Tumingin sya sa mommy nya na seryosong nakatingin sa kanya. "Kung akala mo mababago ang tingin ko sa'yo? Hindi. Hindi kahit kailan." she just smirked.
"Keila!" rinig nyang tawag dito ng asawa na may halong pag babanta.
"Ginagawa ko 'to for my half sister. Not you, ayoko naman maging useless ate." sagot nya dito.
Halos sampong minuto ay dumating na ang gown. Napangiti sya ng makita nya ang black gown na fitted na may hati sa gitna at tube. Simpleng simple pero makikita mo ang pagiging elegante. "Let's go, Kamilla."
Pumasok sila sa palitan ng damit at mabilis hinubad ng kapatid nya ang bathrobe na suot. Tinulungan nya 'tong isuot ang black long gown at humarap sya dito. Napangiti sya dahil sobrang ganda nito, bagay na bagay ang suot nito.
"Ate ang ganda!"
Tumalon nanaman ang puso nya dahil sa tinatawag sa kanya nito. "Wow!" she looked away.
"Labas na tayo."
Nauna syang lumabas at napatingin ang ibang candidate sa kapatid nya at hindi nya maiwasan mapangiti. Kahit lalake at napatingin sa kapatid n'ya.
Nandon lang sya sa back stage at pinapanood ang kapatid nya. Hindi nya maiwasan mapangiti sa mga ginawa nito. Halos pumasok sa panlasa nya lahat ng ginawa nito. Halatang ginagalingan nito para lang maging proud sa kanya ang mga taong mahalaga sa kanya.
"This is your question, Ms. Kamilla." Narinig nya ang boses ni RJ.
Eto pala nabunot ng kapatid nya. "Ang itatanong ko sa'yo ay galing sakin. Hindi ng kahit sino, i just want to asking you this question." ngumiti ng malapad ang kapatid nya. "Kung may halfsister ka ng di malapit sa'yo, ano gagawin mo?" nakita nya ang lungkot ng mata nito at napaiwas sya ng tingin dito.
"I-I have half sister, s-she's b***h, lagi nya kong inaaway at sinusumbong kay daddy sa lahat ng mali ko. I-I'm mad at her b-but i love her. I-i'm mad at her dahil lahat ng nakikita kong may kapatid na mas nakakatanda sa kanila ay mahal sila. P-Pero ako hindi, lagi nya kong iniirapan, lagi nya kong inaaway, g-gumaganti ako sa kanya kasi ayoko mag pa api. A-Akala ko hanggang panaginip nalang lahat ng gusto ko, akala ko." nakita nyang tumulo ang luha nito at napaiwas sya ng tingin. Ang mga sagot nito na tumatagos sa dibdib nya, ang boses nitong basag na lalong nag papabigat ng dib dib nya. "S-she's here, A-At sya nag ayos sakin. S-Sya din kumuha ng gown ko, p-pinagalitan nya ang mga hinire ni mommy kasi peke daw ang make up. K-Kahit di na ko manalo dito...A-atleast nakita kong proud sya sakin, nakita ko ang pag suporta nya sakin. At simula ngayon, di ko na sya gagantihan sa pang aaway n'ya. Magiging mabait na kong kababatang kapatid. A-Ate b***h, i love you so much! I love you, i love you! Panalong panalo na ko dahil sa ginawa mo."
Tuloy tuloy bumuhos ang luha nya at agad syang tumayo. Lumabas sya ng backstage at nag lakad sa gitna ng maraming tao habang bumubuhos ang luha. Pumasok sya agad sa cr at don nya binuhos lahat ng luha nya.
Damn! Bakit di nya napapansin ang pag mamahal ng kapatid nya? Dahil ba lagi syang nakatutok sa mommy nya at di nya napapansin ito? Mahal sya ng kapatid nya. Mahal na mahal sya.
Nang kumalma na sya at lumabas na muli sya ng CR. Hindi na sya dumiretso sa harapan, halos isang oras sya sa cr at nakita nya ang kapatid nya na sumisinghot parin. Suot suot parin nito ang gown.Kokoronahan na ang mananalo.
Tinawag na ang 3rd and second. Tinawag ang kanyang kapatid para pumunta sa harapan at isa pa nitong kalaban. Nakangiti ang kanyang kapatid habang nakapikit, and she heard her sister's name! Nanlaki ang mata nya at ipatong sa kapatid nya ang isang malaking korona. Malakas syang pumalakpak dito at nakita nya ang pag tulo ng luha nito.
Mabilis syang pumunta sa harapan at umakyat sa stage. Hindi nya maintindihan ang sarili nya at niyakap nya. "Ate! I won!" she smiled at her and hugged her tight.
"Congrats.' she whispered.
"This is for you."
Nagulat sya ng ipatong sa kanya ng kapatid nya ang malaking korona at napangiti sya. Maraming kumukuha ng picture nya at panay ang ngiti lang ang ginawa nya. Ngayon nya lang ulti naramdaman ang ganitong saya, ngayon lang muli simula ng iwan sya ng lola nya.
~
Naiya