Seven

2427 Words
Unti unti nawala ang tao sa buong gym at sila nalang natira at ibang pamilya ng nanalo. Patuloy parin ang pag kuha ng litrato at nakikita nya parin si Rj sa malayo habang nakangiti sa kanya. Gusto nya mag pasalamat dito sa dahil sa tanong nito, kundi dahil sa tanong nito hindi nya makikita ang pag mamahal sa kanya ng kapatid nya. "Ate tuturuan mo na ba ko sa major ko?" "Pag iisipan ko pa." she rolled her eyes.  "Ate! Sige na!" she just smiled. Umuwi na ang mommy at daddy nito kaya naman silang dalawa nalang ang natira. She wants to enjoy this moment with her. Kanina pa sila nag uusap at nakasuot parin sa kanya ang korona. Napailing nalang sya sa kapatid nya sa tuwing tatanggalin nya to. "Ate di ba tayo mag cecelebrate?" she asked. "May hinanda mommy at daddy mo sa bahay for sure." ngumuso lang ito sa kanya. "Yung tayong dalawa lang!" "Bukas na. Mag m-mall tayo pero libre mo." umirap na to sa kanya at pinikit nya ang noo nito.  "Ate naman e!"  "RJ!"  Napatingin sya sa babaeng sumigaw and she saw Rj. No, Red Jaime Smith, the hottest and youngest engineer in this Asia. She saw him kissing with his girl. Hindi nya inalis ang tingin dito kahit nakakaramdam na sya ng sakit. Nakita nya din ang malapad na ngiti nito at hinalikan ang nobya sa noo. "Oh my God! He's handsome and hot!"  "Wag na wag ka muna mag boboyfriend, Kamilla! Kukurutin kita!" she just chuckled. "I will try."  She rolled her eyes. Nandon parin si Rajel sa pwesto nito at nakatingin sa kanya. Ngumiti sya dito at inaya na ang kapatid nya. "RJ!" malakas na sigaw nya. Napatingin sakanya si Red Jaime na mukang gulat kasama ang girlfriend nito. Tumingin sya sa kapatid nya. "Tara na, Kamilla." Sumama ito sa kanya at nag lakad sya papunta dito, papunta sa pwesto ni Red Jaime at unti unti itong namumutla dahil sa ginagawa nya. Pumunta sya sa pwesto nito hindi para huminto kundi para daanan at sinalubong si Rajel.  "Lakas ang boses mo." she chuckled. "Akala ko fan mo nanaman, babe." she heard him chuckled. Kinawit nya ang kamay nya sa braso ni Rajel at nag lakad sila. Hinawakan nya ang kapatid nya at nag lakad sila papunta parking lot. Maraming napapatingin sa kanila at bumabati sa kapatid nya, panay din naman ang bati nito sa mga ito.  "Ang ganda pala ng ate mo!" Humarap sya sa batang nag sabi non  at tumango sya sabay ngiti. "Mabait na bata." narinig nya ang tawa ni Rj sa tabi nya at kahit ang kapatid nya at natawa din.  "Ate naman!" "Ang gwapo talaga ng boyfriend ng pinsan ni Lyka no?" Napatingin sya sa kung san nakatingin ang mga ito. Nakaramdam nanaman sya ng kirot sa nakita nya, wala na syang nagawa kundi umiwas ng tingin at mag lakad ng tuloy tuloy. "Pero mas maganda naman ang kapatid ni Kamilla sa girlfriend 'non." she was smiling when she heard those words. "Yes. She has a perfect curve. Yung pinsan naman ni Lyka, maamo lang ang muka at petite. Pero ang kapatid ni Kamilla, she's really beautiful." "Ate! Maganda ka daw."  "Alam na nila 'yon. Kaya nga maganda ka dahil sakin." she chuckled. Nang makarating sila sa parking lot at pinag buksan nya ang kanyang kapatid sa backseat. "HOY! KAYO KANINA PA NAMIN KAYO HINAHANAP AH!" Napatingin kami kay Lea na nakasimangot. She's one of Rj's friend. "Tuloy ba mamaya?" tanong ng isa pa nitong kasama. "Sasama ba kayo?" Rj asked.  "Ewan ko lang. Baka kasi lumabas kami ng kapatid ko." sagot nya dito. "Al'right. Lumabas nalang kayo para mag karoon kayo ng oras." Sinarado nya ang pinto ng backseat at sumandal sya sa kotse nito. "Thank you." pag papasalaman nya ng buong puso dito. "Welcome." Tumaas ang kamay nito upang ayusan ang kanyang buhok. Inayos din nito ang korona at ulo nya at natawa sya. "Akala ko ba hindi mo susuportahan ang kapatid mo?" she just chuckled. "Hindi kasi ako komportable sa mga kinuha nila. Mabuti nalang pinag aralan namin ang mga ganyan bagay." sagot nya dito. "You're beautiful." naramdaman nya ang pag iinit ng kanyang pisnge at mabilis nya tong pinalo. Natawa ito ng mahina dahil sa ginawa nya.  "Tara na nga!" Natawa silang parehong dalaw. Pinag buksan sya nito sa front seat pero bago syang pumasok ay napansin nya ang isang lalakeng nakahilig sa sasakyan habang masama sa kanyang nakatingin. Tinignan nya lang ito gamit ng kanyang blankong ekspresyon. Tuluyan na syang pumasok sa kotse at nag kabit ng seatbelt. Hinubad nya ang korona at binigay sa kanyang kapatid. "Ate, Ate! Uuwi na ba tayo?" she asked. "Oo. Mag palit ka muna bago tayo umalis." sagot nya dito. "Really? " she only nodded. Nakita nyang nag seselfie ito at di nya pinansin. Pumasok na si Rj sa driver seat at nag simula ng umandar ang kotse. Hindi na nya mulii tinignan ang lalakeng 'yon. Pero biglaan naman tumunog ang kanyang cellphone at bumungad sa kanya ang pangalan ng lalakeng masamang nakatingin sa kanila kanina lang. Sinagot nya ang tawag nito ng walang pag alinlangan. "Who's that f*****g guy?!"  madiin at galit na tanong nito. "Why should i answer your non sense question?" she asked calmly.  "KYLA!" Narinig nya ang malakas na sigaw nito. Pero hindi sya nag patinag, kung harap harapan sila mag uusap baka sakaling matakot sya. Mabilis ang t***k ng puso nya habang nakatutok sa tenga nya ang kanyang cellphone. Hindi naman maririnig ng dalawang kasama nya ang pag uusap nila. "What?" she asked coldly.  "Who's that f*****g guy!" she smirked. "Future...boyfriend?" she teased. "No way! Hindi ka pwedeng mag boyfriend." Pinatay nya nalang ang tawag pag katapos nyang marinig ang pag babawal nito. "Who's that?" Rj asked. "My friend." normal na sagot nya. "Kilala mo ba ang lalake kanina? Yung kasama ng babaeng maamo ang muka?" "Oh! Lyka's counsin saka boyfriend non" sagot ng kapatid nya. "Bakit mukang papatay sa tingin?"  Umakto sya ng walang pakielam sa sinasabi nito. Tumingin lang sya sa bintana kung san makikita nya ang pamilyar na daan papunta sa kanila. Nang makarating sya sa bahay nila ay nag paalam na sya kay Rj at nag pasalamat dito.  Nang pumasok sila sa loob bahay ay sinalubong ang kanyang kapatid ng mga magulang nito pati ang relatives. Sya naman ay nag dire diretso lang papunta sa taas at pumasok sa kwarto nya. Tumunog nanaman ang kanyang cellphone. Sinagot nya 'yon at narinig nanaman nya ang boses ni Red Jaime na nag mumura. "Damn it! Who is he?" "Bakit ba ang bigdeal kung sino s'ya ah, Rj?" inis na tanong nya. "Bakit mo pinakiielamanan ang ginagawa ko, ni hindi nga kita pinakikielamanan!" inis na sabi nya. "Damn it! Just answer my question!"  "He's my friend." normal na sabi nya. "Happy?" "Damn it! Friend? Bakit kung makaasta kanina ay parang pag aari ka nya? He's even touch your face! Damn it! Is he your f**k buddy too?" "DAMN YOU! f**k YOU! TANGINA MO! WAG NA WAG MO KONG KAKAUSAPIN!" Mabilis nyang pinatay ang cellphone nya. Nanginginig ang sistema nya dahil sa galit.  Hindi nya maintindihan ang nararamdaman. She's in pain, she's hurting right now. Nasasaktan sya sa pag bibintang nito. Pakiramdam nya sobrang baba n'ya. Ganon ba ang tingin nito sa kanya? Hindi nya napansin na tuloy tuloy tumulo ang luha nya habang nakatulala na nakatingin sa cellphone na nanginginig. Kahit sya nanginginig, huminga sya ng malalim at hinayaan ang tuloy tuloy nyang pag tulo ng luha nya. Hindi pa sana sya mag aayos kung hindi kumatok ang kanyang kapatid sa kwarto n'ya. "Ate, tara sa baba." Pinunsan nya ang luha nya at mabilis na pumasok sa CR. Saglit nyang inayusan ang sarili nya at saka huminga ng malalim. Kumuha sya ng isang blazer na hanggang tuhod nya. For sure nandyan ang mga pinsan ng kapatid n'ya na kasing edad nya. Ayaw nya man pumunta don ay wala na syang magagawa. Minsan lang humiling ang kapatid n'ya. Lumabas na sya ng kwarto nya at nag tuloy tuloy sa pababa ng hagdan. Hinahanap ng kanyang mata ang kanyang kapatid, nakita nya ito kasama ang mga pinsan n'ya habang suot suot parin ang gown na kinuha nya kay Mel. "ATE!" Malakas na sigaw nito. Ngumiti lang s'ya dito at lumapit sa kanya. "Tara ate! Kumain na tayo." "Hindi ka pa kumakain?" she asked her sister. "Hinintay kita e. Tara na!" Nag pahila sya dito papuntang Garden kung san nandon ang handaan. Hinila n'ya ko sa isang upuan. "Wait ah! Kukuha kita ng pag kain." she just nodded. Mabilis din naman bumalik ito at saka nya lang napansin na nakatapak pala ang kapatid nya. Tumayo sya at pumunta dito, inayos nya ang upuan nito at saka pinaupo. Inalis ang korona sa ulo at yumuko upang alisin ang dumi sa paa. Hinubad nya ang kanyang suot na tsinelas at pinasuot dito. "Dapat nag palit ka na ng damit." Tumayo na sya sa harapan nito at umupo. "Ayoko pa. Ang ganda ganda ng gown e." Lihim syang napangiti sa kapatid nya. Ang pag kakailala n'ya dito ay kakaiba, isa itong babaeng brat na lahat gustong makuha. Lagi silang nag aaway sa maliit na bagay. Pero nung 12 years old sya, ilang beses sa kanya kumakatok ang kapatid nya upang matulog sa tabi nya pero tinatarayan nya. Ilang beses nang yare 'yon at ilang beses n'ya din ito inaapi. Hindi man n'ya nakita ang batang nag mamahal sa kanya dahil at nakikita nya lang ay ang galit nya sa kanyang mommy. Lalo na't nung namatay ang lola nya. Lalong tumaas ang lahat,  mabilis lang mawala ang galit nya pero ng nawala ang lola nya. Hindi n'ya na alam kung paano.  "Ano iniisip mo?" "Wala.Damihan mo nalang ang kain." "Bukas nalang tayo aalis?" she nodded. Hindi sya pinayagan ng kapatid nyang pumunta ng kwarto. Lagi itong nakakapit sa kanya buong gabi kaya naman buong gabi sya nakipag tiisan sa mga relatives na 'to na kakaiba ang tingin. She doesn't care about those. Ang gusto nya lang ay mapasaya ang kapatid nya. Ilang beses din sya sinubukan kausapin ng mga pinsan nitong kasing tanda n'ya pero 'tango' at 'iling lang ang sagot nya. Nang natapos na ang party ay nagulat sya nag pasalamatan sya ng ama nito. Nakita nya din ang pag ngiti nito saharapan nya. Umiwas lang sya ng tingin dito at inaya nyang umakyat ang kapatid nya. Natulog silang mag katabi. Nang nagising sila ay mabilis nyang binisita ang cellphone nya. Nakita nya ang napakaraming text at missed calls na galing sa iisang tao. Hindi n'ya parin maiwasan magalit dito at masaktan. Baka pag nakita nya lang ito ay kung ano lang magawa nya. "Ate! Ngayon ba tayo aalis?" "Oo." tamad na sabi nya. "Ate, bakit bumalik ka sa dati?" napatingin sya dito na may halong pag aalala. "G-Galit ka ulit?" mabilis syang umiling at ngumiti dito. "Maligo ka na. Maliligo na din ako." "Sige ate! Mag dark blue ka ah? Yon din susuotin ko." Hinanda nya ang damit na susuotin nya. Isang sleeves na dark blue at white skirt. Pumasok sya sa loob ng cr at hindi sya gaanong tumagal don.  Nang matapos syang mag ayos at lumabas na sya ng kwarto nya at sakto naman pag labas ng kapatid nya. Pareho silang suot ng pang itaas pero naka short ito at sya naman ay skirt. Pareho din silang may suot na isang sling shoulder bag. Sabay silang bumaba ng dalawa at pumunta sila ng kusina. "Oh san kayo pupunta?" tanong ng ama nito. Ramdam nya ang masamang tingin sa kanya ng ina ng kapatid nya.  "Mall po! Nag promise si ate na lilibot kami." masayang sabi ng kapatid nya. "Baka mapano ka lang, kamilla! Wag ka ng sumama." "Keila/Mommy!" she smirked. "Your mom is right, Kamilla. Wag ka na siguro sumama." lumukot ang muka nito at mabilis na umiling. "Kahit alam ko naman sa sarili ko na di kita pababayaan." "No! Sasama ako!" mabilis na kapit nito sa kanya. "Daddy!" "Yes. Sumama ka? May dala ba kayong pera?" "I have own money." maikling sagot nya. "Kaya kong bilan ang kapatid ko ng gusto nya." Mabilis syang tumalikod sa mga ito at sumabay lang sa kanya ang kapatid nya. Lumabas sila ng bahay ng lola n'ya. "Kaya mo ba mag lakad?" "Huh?" ngumiti ang sya dito. "May driver ako ate! Pahatid tayo!" natawa sya sa kapatid nya at hinawakan ito sa braso. Ganon nga ang nang yare nag pahatid sila sa mall. Unang ginawa nila ay kumain bago pumunta sa mga botique. Binalan nya ang kapatid nya ng mga gusto nito. Hindi sya nag damot dito dahil ngayon lang sya makakabawi dito dahil sa ginawa nya. Hindi nya ininda kung san san sya hinatak nito. Kahit masakit ang paa nya wala syang pakielam dahil yung saya na nararamdaman nya ay kakaiba. "Ate ang dami!" she smiled. "Happy?" mabilis itong tumango sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Hinalikan pa sya nito sa pisnge at hinalikan nya din ito sa noo. "Maging mabait ka ah?" mabilis itong tumango. "Pataasin mo grades mo. Pag nasama ka sa top, bibilan ulit kita ng gusto mo." Nakita nya ang pag kislap ng mga mata nito. "Ate! Ilove you." lalo syang sumaya sa narinig nya. "I love you, too." she kissed again her foredhead. Nag aya itong pumunta ng kfc na syang pinag bigyan nya. Pero bago sila kumain ay nag paalam ito papuntang CR. Pero maya maya ay may biglang humila sa kanya at napatingin sya don. Nanlaki ang mata nya ng makita nya si Red Jaime na nanlilisik ang mga mata pero bumalik ang galit nya nong naalala nya ang ginawa nito. Hinila sya nito papuntang parking lot at mabilis na sinandal ang likod sa kotse. Narinig n'ya ang mahihinang mura nito at mukang kinakalma ang sarili. "Damn it! Bakit di mo sinasagot ang text at tawag ko?!" Lakas loob syang tumingin dito. "Diba sabi ko wag mo na kong kakausapin?" "TANGINA! DAHIL BA 'TO SA LALAKENG YON AH?!" Nagulat sya sa pag sigaw nito. Nakaramdam sya ng takot ng makita nyang nanlilisik ang mga mata nito. "BAKIT MAS MASARAP BA SYA SA KAMA AH? MAS MAGALING BA ---*PAK*" Mabilis tumulo ang luha nya pero hindi parin sya umaantras. Umamo ang muka nito at akmang pupunasan ang luha nya at sinampal nya muli ito sa kabila.  "Wag na wag mo na kong kakausapin. Pakiusap lang."  Aalis na sana sya pero agad sya nitong hinawakan at niyakap. "I am sorry, i am sorry." lalong lumakas ang pag tulo ng luha nya. "Hindi ko sinasadya, maniwala ka. N-Nag seselos ako." bumilis ang t***k ng puso n'ya sa sinabi nito. "N-Natakot ako na baka ginagawa mo din ang ginagawa mo sakin... N-Nang selos ako ng nakita kong napapangiti ka n'ya...P-Pero pag ako kaharap mo, hindi ka man makangiti." Biglang nang hina ang tuhod nya at wala syang nagawa kundi humawak sa bewang nito. "I am sorry. I didn't mean those words. Believe me, napangunahan lang ako sa galit." "Let's just stop this, Rj. Ayoko na." "No." "Please." Unti unti syang humiwalay dito at mabilis na nag lakad kahit ramdam nya ang pang hihina ng tuhod nya. Pinunasan nya ang luha nya at umakto na parang walang nang yare. ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD