"Jealous?" natatawang sabi nya. "I dont even know him and im sure he is too. So bakit sya mag seselos?" She tried to act a normal. Pero sa loob loob nya ay sasabog na sya.
Pero bakit nga naman sya mag seselos? Ang huling usapan nila kung sakaling mag kikita sila, iiwas sya at mag papanggap na hindi to kilala. Tapos ganito? Tumingin sya kay Andrei na ngayon ay nakatingin din ito sa kanya.
"Parang kasi kilala ka nya. Look at him, he's staring us like he wants to kill me." she just rolled her eyes.
"Para kang baliw, alam mo yun? Ano naman pake ko dyan."
"Chill, galit agad e."
Napairap nanaman sya at tumayo sa kinanatayuan nya. Pumunta sya kela Andeng, walang ekspresyon ang kanyang muka habang nag lalakad papunta don pero agad syang hinawakan ni Juros. "May gagawin ka ba? Date nalang tayo."
"Huh? Si Anden---"
"Tara na!"
Wala na syang nagawa kundi mag pahila dito hanggang sa makarating sila sa gate pero agad naman may humawak sa kabilang kamay nya at nakita nya don si Lyricko na seryosong nakatingin sa kanya. Mabilis nyang hinatak ang kamay nya dahil don, nandon parin ang pakiramdam na yon. Ang kuryenteng libo libong bumubuhay sa dugo nya, ang pag bilis ng t***k ng puso nya.
"Bakit bro?" tanong agad dito ni Juros.
Umiwas sya ng tingin dito at dumikit kay Juros. Hinawakan ni Juros ang balikat nya at hindi nya binigyan ng tingin si Lyricko. Naiinis sya dito dahil bakit kailangan syang habulin nito? Naiinis sya dahil ano bang problema nito?
"Sama kami."
Napatingin sya dito at sinamaan nya to ng tingin. Pero hindi man sya pinansin nito. "Date nga diba?" inis na sabi nya. "Saka di ka pwedeng sumama, you have a public life. Baka mag sigudan ang fans mo at di pa kami makaalis don."
Sya na mismo humila ang Juros palabas at hindi nya na hinintay ang sasabihin nito. Sumakay sya ng mabilis sa sasakyan ni Juros. Naiinis syang umupo dun at pumasok na si Juros sa kabilang pinto. "Whta's wrong?" he asked. "What happened ealier?" he asked.
"I hate his presence." she said.
"Why? May masama bang ginawa?" tumingin sya kay juros. Isang matapang na tingin.
"Stop asking. I just hate him."
Pinikit nya ng mariin ang mata nya.
Shit! Bakit ba nadadamay ang iba sa galit ko.
Huminga sya ng malalim at tumingin kay Juros. "Hindi na kita tatanungin---"
Biglang bumukas ang pinto sa gilid nya at may biglang humila sa kamay nya. Nanlaki ang mata nya ng bigla syang sinandal ni Lyricko sa kotse at tumingin ito sa kanya. "Wag mo kong iwasan."
Tumingin sya sa mga mata nito. Ang mga mata nito na puno ng inis at pag mamahal. Yung tingin na gusto nyang makuha tatlong taon na nakalipas. Ang tingin na para syang bumiling hinihingi.
Malakas nyang inagaw ang kamay nya at umayos ng tayo. Tumingin sya kela Andeng, Precious at Alyssa na nakatingin sa kanya. "Ano bang gusto mo?"
"Baka di mo mabigay ang gusto ko pag sinabi ko."
Nakipag sukatan sya ng tingin dito.
Naalis lang ang tingin nya ng mag salita si Juros. "Ano bang nang yayare?"
Akmang aalis sya don pero agad nanaman syang hinila ni Lyricko at hinawakan ang bewang. Hindi nya maiwasan manlabot sa hawak nito. Gustong gusto nya tong itulak at tumakbo nalang pero wala syang lakas. Kahit sa sarili nya gustong gusto nya to. Naiinis sya sa sarili nya, dahil kahit tatlong taon na nakaraan mahal na mahal nya parin 'to.
Tinulak nya si Lyricko at tumingin dito. "Kung gusto mo sumama, sumama ka."
Ganon nga ang nang yare, sumama ang lahat sa pag punta nila ng Plaza. Imbis na mag karoon ng date sa pagitan nila ni Juros ay naging isang gala ng tropa. Suot ni Lyricko ang pink na jacket at pink na mask, katabi nito si Alyssa at Precious habang si Andeng naman ay katabi ang kanyang kambal.
Umupo sila sa ilalim ng puno ni Juros habang sila Precious at Alyssa kasama si Lyriko ay nasa bench sila ng ilalim ng kawayan. Ramdam nya ang titig nito sa kanya kaya naman iniiwas nyang mapatingin dito.
"Bakit ganon maka react si Lyricko? Mag kakilala ba kayo?"napatingin sya kay Juros dahil don.
Hindi nya maiwasan maguilty dahil nag sisinungaling sya sa lalakeng nakasama nya sa tatlong taon. Ayaw nya mag sinungaling pero na gi guilty na sya. Gusto nya sabihin ang totoo.
"Yung totoo? Lyricko si From star university and you too. So mag kakilala kayo diba?"
Wala na sya ngayon kawala, dahil kahit anong gawin nya ay malalaman din naman ni Juros ang meron sakanila ni Lyricko. "He's my ex bestfriend."
Tumingin ito sa kanya at mukang gulat. Gumuhit ang sakit sa muka nito, sya na ang umiwas ng tingin dito. Wala naman na syang dapat i kwento dahil alam naman na ni Juros ang kwento sa kanila ni Lyricko. Hindi nya lang ito pinapangalanan.
"So he is." i nodded and smiled weakly. "Sa kwento mo sakin ay lagi ka nyang tinutulak palayo, sinasaktan ka nya at para kang pulubing nanlilimos ng pag mamahal."
Hindi nya maiwasan masaktan dahil don.Dahil naalala nya nanaman ang ang yare sa kanila ni Lyricko noon. Kung pano sya itulak at ipag tabuyan...na sa gitna ng lahat, sarili nya lang din naman ang katulong nya.
"Are you still inlove with him?"
Mabilis syang tumingin kay Juros at di sumagot. Dahil kahit sa sarili nya hindi nya alam ang sasagot nya. Ayaw nya mag sinungaling, ayaw nya mag banggit ng kahit anong sagot dito, dahil kung sasagot sya dito ay maaraing masaktan nya si Juros.
"Hindi mo na sya maabot, Maria. He's super star, let him go. Accept the fact na---"
"I know. Hindi ko sya maabot at wala akong balak Juros. Naka move on man ako o hindi? It's not a big deal." ngiting sagot nya.
Hinawakan nito ang kanyang pisnge at ngumiti lang sya. "At ayoko na maging mahina at nang hihingi ng pag mamahal sa taong hindi ako kayang bigyan ng pag mamahal."
Totoo yun. Walang halong kasinungalingan. Hindi na nya ulit gagawin yun, ang mag pakatanga sa isang taong kahit kailan hindi sya bibigyan ng pag mamahal. Ayos na sya sa buhay nya, ayos na ayos na sana kng hindi ito muling nag pakita pa.
Alam nya din sa sarili nyang malabo nya to maabot. Oo mahal nya pa at aminado sya pero hindi sya hihingi ng pag mamahal nito, may girlfriend ito at sikat ang babaeng mahal nito. Kung dati nga hindi sya pinili nito, ngayon pa kaya. He will not choose her over his career. Alam na alam nya yun.
Dati desperada sya, ngayon hindi na. Yes, she will support him until the end at wala na syang inaasahan pa dito. At alam nya din na eto lang ang lalakeng mamahalin nya ng ganito.
Bumaba ang kamay nito sa baba nya. "B-bakit?"
"You're so beautiful." hindi nya maiwasan pamulahan ang sinabi nito. Umiwas lang sya ng tingin at lihim na ngumiti. "At di ko alam kung bakit ka nya sinaktan noon. You're worth it to fight."
For the first time of her life may nag sabi sa kanya na worth it sya. Hindi maiwasan maging emosyonal dahil don. Lumingon sya dito at dinamba nya to ng isang mahigpit na yakap.
"Juros!" naiiyak na sabi nya.
"H-hey. What's wrong?"
"Ang saya ko!" naiiyak na sabi nya.
Bumitaw sya dito at tumingin dito dito. Kahit tumutulo ang luha nya at ngumingiti parin sya. "You're the first perso-----"
Hindi na nya natuloy ang sasabihin nya ng bigla syang lumutang sa ere. At isang pamilyar na amoy ang naamoy nya.
"WHAT THE!?"
Mabilis itong tumakbo paalis don at hindi nito pinansin ang tawag ng mga kaibigan nila. "ANO BA!" inis na sigaw nya pero mukang wala itong balak bitawan sya.
Pumara ito ng traysikel at sumakay silang pareho don. "ANO BANG PROBLEMA MO!" galit na sigaw nya.
"IKAW BAKIT MO SYA NIYAYAKAP?!"
Kumunot ang noo nya sa sinabi nito. "Niyayakap? Anong problema mo dun?" inis na sabi nya. "Normal lang saming dalawa yun." Madiin na sabi nya.
"Normal? Public place? Ano iisipin ng ibang tao sa inyo? Na kayo?" ngumiti sya dito ng pilit.
"Alam namin. At aware kami don. Wala naman kaming pakielam kung yun ang tingin samin ng mga tao dahil sanay na kami. Dahil bago ka pa dumating dito ay ganon na ang tingin samin ng lahat."
Mula sa seryosong muka nito ay naging blanko ang ekspresyon nito. Huminga sya ng malalim at umiwas dito ng tingin. Patuloy ang pag andar ng trysikel na sinasakyan nila at hindi nya alam kung san sila pupunta. Wala din nag lakas loob mag salita sa kanilang dalawa.
Unti unti nang dumidilim ang paligid at halos isa't kalahating oras na sila bumabyahe. Huminga sya ng malalim at nag salita na. "San ba to patungo?" she asked.
"I dont know." simpleng sagot lang nito sa kanya.
"You dont know?" hindi nya maiwasan mainis ulit dito. "Nag papatawa ka ba?! Pumara para ka ng traysikel tapos ganito?"
"Just wait." tipid na sagot lang nito sa kanya.
Hindi na sya nag salita. Nakaraan ulit ang isang oras at nakatulog na sya pero wala parin sya alam kung san sila pupunta. Nagising nalang sya dahil sa tapik sa pisnge nya, sa pag dilat nya ay nanlaki ang mata nya dahil nakahiga pala sya sa isang damo habang unan nito ang hita ni Lyricko. At di lang yun, nandito sila sa puntod ng mommy nya.
"What are we doing here?" inis na sabi nya.
Umayos sya ng upo at inis na humarap dito. "I just want to sorry to your mom for leaving and pushing you." she laughed sarcastically.
"You dont have to." seryosong sabi nya. "Uuwi na ko."
Mabilis syang tumayo pero agad naman sya hinila ni lyrico paupo. "It's 9pm. We should eat first."
"Im not hungry, Lyricko. Kung gusto mo kumai---"
"Tangina naman, Mj!" nagulat sya sa pag sigaw nito pero hindi nya yun pinahalata. "Gusto kong maging maayos tay----"
"Maging maayos? Lyricko, wala ng aayusin. Tapos na ang lahat, wala na. Kung sana noon pa." hindi nya mapigilan magalit dito. "Kasi Lyricko nung panahong ikaw nalang kakapitan ko? Bigla kang bumitaw, tinulak at iniwan ako sa ere.Para akong pulubing nanlilimos sayo pero kahit kailan hindi mo ko binigy---"
"At pinag sisishan ko lahat yun!" biglang tumulo ang luha nya. "Y-yung pangarap ko, A-akala ko yun ang mag papasaya sakin.P-pero maniwala ka hinanap kita."
Nanginginig ang katawan nya dahil sa sinabi nito. Huminga sya ng malalim at umantras lang dito. "Pag sisihan mo man o hindi......H-hindi parin mag babago ang ginawa mo sakin." she smiled weakly. "Y-yung sakit na ginawa mo, L-lyricko ang nag papahina sakin araw araw..h-hanggang ngayon."
"M-Mj---"
"Maria, Lyricko. Maria." she smiled again. "I'm not Mj, wala na si Mj. Wala na sya."
~