"Mahigit isang oras na tayo bumabyahe, san ba tayo pupunta?"
"Im sure, you'd like that place." she smiled.
"You still remember what i like, huh?"
Nawala ang ngiti sa kanyang labi dahil sa sinabi nito. Hindi na sya naka imik dahil totoo naman kasi. Alam nilang favorite nila sa lahat ng bagay, alam nya ang ayaw nito at sa gusto nito. Hindi nalang muna sya nag salita at nag patuloy sya sa pag dra drive.
Wala kaming nakikitang bahay sa mga dinaanan namin. May mga puno at mga bato, may pababa may pataas na daan ng syang dahilan kung bakit humihigpit ang hawak ni Lyricko sa kanya sa bewang. Kanina pa sya ganito, habang nag dra drive ay para bang may kuryento sa buong katawan nya sabay pa ang mabilis na t***k ng puso nya.
Nang makarating sila sa lugar na yon ay bumaba na sila. Huminga sya ng malalim at tumingin kay Lyricko na naka pink na pink. Mula sa hoodie hanggang sa mask.
"Ang ganda dito." i smiled.
"Marami kang mapupuntahan sa Nueva Ecija, may tanawan na makikita sa Sta Rosa at eto naman ang minalungao. Ang mas mapuntahan ng mga tao."
"Napuntahan mo na ba ang lahat ng pwedeng puntahan dito sa Nueva Ecija?"
"I dont know. May gusto kasi kami i Try nila Juros at nila Jack after pyesta." sagot nya dito.
Hindi na muli itong nag salita. Nag simula na sya mag lakad papunta sa mabab, hanggang tuhod lang ang tubig pag dating dito at malalakas pa ang agos. May Cottage dito na bangka at may isang lalakeng taga sagwan. Huminga sya ng malalim at tumingin sa buong paligid.
May nag sisigawan sa zipline. "Ganito lang ba gagawin natin?" tanong pa nito.
"Ewan ko."
Hinubad nya ang kanyang itim na tsinelas at lumutang ito sa tubig. Kinuha nya yun at mabilis na lumingon kay Lyricko. "Appreciate the view, dahil natatamad akong mag lakad." she said.
Umalis sya sa tubig at nag lakad papunta sa isang hagdan patungo sa HIghbridge. Hindi sya nag sasalita basta nag lalakad lang sya, alam naman nyang nakasunod sa kanya si Lyricko. Tumingin sya sa tatawirin nila at huminga sya ng malalim.
"You have a fears of height. Wag na tayo dyan." umiling sya dito at nag simulang mag lakad papunta don.
Iniiwasan nyang wag tumingin sa ibaba. Unang punta nya dito ay inalalayan sya ni Juros. Lagi syang sinasabihan ni Juros na wag titingin sa ibaba, bastat pag masdan nya lang daw ang buong, dahil sa sinabi non ni Juros ay nakakaya nyang tumawid dito ng walang kahit sinong tulong.
Nang nasa dulo na sya ay saka sya tumingin sa kabila. Nakita nya si Lyricko na nakatitig sa kanya. "ANO NA?! DI KA BA TATAWID?" she shouted.
Mabilis itong nag lakad high bridge at ngumiti lang sya ng tipid. Kinuha nya ang cellphone nya at pinicturan ang magagandang tanawin dito.
"Where is next?" tinabi nya ang cellphone nya at tumingin dito.
"Le's back again." she smiled.
"What? I'm just... Okay."
Nauna syang tumawid ulit at nag simula na syang itour si Lyricko sa buong minalungao. Puro sya lang ang nag salita hanggang sa matapos sila.
Bumalik na sila kung nasan ang sasakyan nila at biglang nag salita si Lyricko. "Im hungry. Let's eat."
"Pag balik nalang." mabilis na sagot nya.
Sumakay na sya sa motor at agad din sumakay ito sa likod nya. Hinawakan nito ang kanyang dalawang bewang at nakaramdam nanaman sya ng kung ano sa dibdib nya, sabay ang pag daloy ng kuryente sa kanyang buong katawan. Gusto nyang bawalin to pero hindi nya magawa.
Nang makarating sila kela Juros ng saktong alas dos ay pareho silang dumiretso sa kusina. "Oh nandito na kayo?"
"Hi Tita!" lumapit sya dito at hinalikan sa pisnge.
Ganon din ang ginawa ni Lyricko sa kanya sa kanya. Umupo silang pareho sa mesa at binigyan sila ng pag kain sa harapan. "San kayo nang punta?"
"Minalungao, tita." sagot nya dito. "Ang init init!"
"Ang layo ng binyahe nyo. Kumain kayo ng marami at mamaya dadating na ang kasamahan nyo, Maria!"
Nag simula na silang parehong kumain, pero patuloy parin ang pag uusap nila ng mommy ni Juros. "Ikaw naman Maria, the age of 23 sana naman mag paligaw ka na!"
"Tita, i dont have a time for that." sagot nya dito.
"But you need too. Kailangan mo din maging masaya hindi puro ka trabaho."
"Tita masaya ako." natatawang sabi nya. "Masaya ako sa ginagawa ko. I love baking, I love----"
"Hindi ka na bumabata, Maria. Kailangan mo din madiligan." nanlaki ang mata nya sa sinabi nito. "Para naman ma----
"TITA!"
This time eto naman humagalpak ng tawa. Kahit ang katai nya ay tumatawa din pero hindi nya binigyan ng pansin. Hindi nya maiwasan mahiya sa topic nito.
She's a Virgin at totoong wala syang oras mag boyfriend! Dahil puro sakit lang naman sa ulo 'yun. Kusang dadating ang lalakeng para sa kanya. Hindi nya kailangan mag hanap. Kung may lalakeng para sa kanya, dadating yun. Hindi na kailangan mag hanap.
Nang matapos silang kumain ay nag paalam syang umuwi upang maligo. Nag lalagkit ang buong katawan nya. Sanay na sya sa init dahil minsan na din sya nag tanim sa bukid. Kung dati naiinis sya sa mainit ngayon parang wala na sa kanya 'yun. Natutunan nya lahat ng hindi nya natutunan ngayon. Gustong gusto nya ang ginagawa nya and thanks for juros dahil natikman nya ang ganitong buhay.
Nang makauwi sya sa kanila ay agad syang naligo. Kumuha sya ng isang muscle t shirt at isang short na kulay puti. Pinatneran nya lamang ito ng isang tsinelas na lagi nyang sinusuot. Saglit na nag suklay at lumabas na upang pumara ng trysikel at bumalik sa bahay nila Juros.
Nang makarating sya don ay nakita nya sila Andrea and Andrei ang mag kambal na walang ibang ginawa kundi mag away. Kasama ni Andrei si Juros at isa pa nitong kapatid na Jack. Wala pa ang ibang kabataan dito.
"ANDENG!"
Mabilis syang tumakbo dito at nag hawak ng parehong kamay at tumalon. "Akala ko hindi kita makikita ngayon."
"Pwede ba yon! Saka sinabi na namin 'to kay papa kaya naman umuuwi talaga kami dito ng pyesta pero after pyesta babalik na kami sa manila upang ipag patuloy ang bakasyon!"
"Miss kita! Kahit dalawang linggo palang tayo di nag---"
Hindi na natuloy ang sasabihin nya ng gumitna si Andrei sa kanila at ngumiti. "Hi Maria."
"KUYA NAMAN E!"
Bigla syang tinulak ni Andrea at umalis sila don. Umupo sila sa damo at don sila nag usap kung ano nang yare dito sa manila ng dalawang linggo.
"Gusto ni papa don na ko mag turo, pero ayoko naman!"
"Bakit?" she asked.
"Duuuh! Iba parin sa probinsya at kung san ka lumaki!" napatango ako sa kanya.
"Sabagay! Kita mo ko di na umalis dito!" sagot nya dito.
"Sabay ka sakin sa pag luwas after ng pyes---"
"Lah! Di pwede! Mag pla plano tayo ng outing diba?" pag puputol nya agad dito.
"Oo nga pala! Manaog!" natawa sya dahil don.
"Nandyan na si Alyssa!"
Tumingin sya don at nakita nya si ALyssa na naka sando at skirt. Inirapan sya nito at ngumiti lang sya ng tipid dito. Sanay na sya sa dalawang babaeng ito. Galit ito pareho sa kanila pero wala naman syang pakielam dahil wala naman syang ginagawang masama.
May gusto ito pareho kay Juros, anak si Alyssa ng Vice Mayor dito kaya naman malakas ang loob kahit san. At pamangkin naman ang isang kasama nito na si Precious. Para silang tanga na laging pareho ang suot. Kulay pink pa ang pangitaas ng mga ito at halos mamaga ang mga labi at pisnge sa kakapal ng make up.
"Bakit ba parang lagi sila kinulang sa tela, tapos yung kulay pa ng damit."
Nag tsk pa ito sa kanya habang pinag mamasdan ang dalawa. Tumayo na ko at pumunta sa harapan. Umayos na silang lahat at tumabi sakin si Juros.
"Kailangan natin I assign ang iba sa plaza." tumango ako sa kanya.
"Guys!" tawag ko sa kanila. "Kailangan kasi namin ang i assign ang iba sa pla---"
"Gawin nalang natin ang nang yare last year okay? Saka hindi pa naman gagamitin ang plaza so pwede natin syang ihuli." singit agad ni Alyssa sa kanya.
"Pero mas okay kaya kung ready aga---"
"Im sorry, Im late."
Napatingin silang lahat sa nag salita. "Bro!"
Umiwas sya dito ng tingin at tumingin ulit sa kabataan ngayon ay ang mga babae ay nakanganga dito. Si Andrea at nanlalaki parin ang mata habang si Alyssa and Precious naman ay namumula.
"Okay, Lyricko umupo ka na na makapag simula na." pukaw nya dito at tumango lang ito.
Umupo ito sa bandang dulo at nag simula sya mag salita. "Okay, sabi nga ni Alyssa is ihuli naman ang nasa plaza. And unahin muna natin ang court dahil sa liga at mga mag papalista na sasali sa basketball."
"Ako na bahala sa basketball." sabay na sabi ni Jack at ni Andrei.
"Okay. So ako na bahala sa mga sasali sa pageant?" she smiled at them.
"Ako na bahala sa mga santa cruzan. Kailangan natin mga mag sari sarili para mabilis ang kilos." sagot pa ni Juros. "Hindi naman na tayo mamomoblema sa mag peperform ng gabi ng pyesta. Lyricko is here guys, so dont worry."
"Yes. Saka, marami namang tutulong satin na hinire si Tito para sa pyesta. Ang kailangan lang ay sabihin sa kanila ang dapat na gawin." dagdag nya pa.
"At sa Santa Cruzan ay alam naman natin na si ALyssa, Andrea, Precious at si Maria ang nasa dulo. Kukuha lang tayo ng mga iilan pa at mga bata. At ang Escort? Madali nalang yan."
"Hindi pwede ilabas si Lyricko sa public place dahil alam nyo naman na sikat ang tao. At hindi alam ng mga fans nya kung nasan sya ngayon for now? Let's a secret this."
Marami pa silang pinaliwanag ni Juros at kahit isang beses ay di tumama ang mata nya sa lalakeng nasa pinakadulo. Iniiwas nya mapatingin don dahil alam nya sa isang tingin lang ay mang hihina na sya.
Natapos na ang lahat at lumapit na sya kay Andeng. Umupo sya sa tabi nito at nag simula na agad tong nag salita. "Si Lyricko." napatingin lang sya dito. "BAKIT SYA NANDITO!" nagulat sya dahil sa lakas na pag sigaw nito.
Alam nyang super fan si Andeng ni Lyricko kaya di nya masisi kung bakit ganito ang reaction nito. Mabilis itong tumayo at pinanood nya lang ang pag takbo nito kay Lyricko na ngayon ay kausap si Precious at Alyssa na halatang nilalandi ito. Dinidikit pa ni Alyssa at malaking hinaharap nya sa braso nito.
Walang magawa si Lyricko kundi i entertain ang anak ng Vice mayor.
"You're not Fan of him?" Napatingin sya kay Andrei. "Pero lagi kang nakikinig ng kanta nya."
"I like his songs. That's all." she smiled at him.
"Oh. Akala ko die hard fan ka din ng isip batang babaeng yan!" natawa lang say don.
Oo nga't isang guro ang kanyang kaibigan pero sobrang isip bata nito. Mahilig sya sa mga bata at kaya naman napili nya nalang mag turo ng mga bata. Kung titignan mo pag nasa school to ay makikita mong mature ito pero pag sila sila lang mag kakasama ay lumalabas ang tunay na ugali nito.
"Let her. She's happy because of that." she said.
"Kahit na. Kailangan nyang ibahin ang ugali nya dahil isa syang guro."
"No. Hindi nya kailangan nyang gawin yun. Just be herself, that's all." masayang sagot nya dito. "You need to understand what she wants. She's your twin sister."
"Mag kakilala ba kayo ni Lyricko?" nagulat sya sa pag bukas ng topic nito about Lyricko.
"N-no. Why?" umiling lang to sa kanya.
"Kung makatitig kasi akala mo papatay oh. Tinabihan lang naman kita."
Don sya napalingon sa lalakeng 'yun. Nakatingin ito sa kanya, isang madilim na tingin. Mabilis ang pag t***k ng puso nya at di man nya malaman na dahilan kung bakit ito masama ang tingin sa kanya.
"He's jealous."
~