"Ano? Sino ba Lyricko?"
Hindi parin sya makagalaw sa kinatatayuan nya at lalong hindi maalis ang tingin nya sa lalakeng nasa harapan nya. Hindi nya aakalain na muli silang mag kikita non, nag tago sya sa tatlong taon at umiwas dito, dahil yun ang nakakabubuti sa kanila. Pero pinag tagpo parin sila.
Suot nito ay isang simpleng v neck tshirt na kulang gray at naka black short. Tumangkad to at kung titignan ang height nilang dalawa, ay siguro hanggang balikat lang sya nito. Ang mga mata nitong malalamig, wala parin pinag bago. Ang tingin nitong nakaka tindig ng balahibo at nag papabilis ng t***k ng puso nya. Ang salubong nitong kilay na akala mong laging galit, ang matangos nitong ilong na ang sarap pisilin at mapupulang labi na lagi nyang pinag nanasahan.
Sa tatlong taon na nakalipas, ngayon lang muli tumibok ang puso nya. At hindi nya nakakalimutan ang mga sinabi nito sa kanya. Ang sakit na tatlong taon na nakalipas ay naging sariwa sa kanya. Hindi nya alam kung pano gagalaw sa harapan nito.
"Uyy! Lyricko, bakit nakatitig ka kay Maria?" she gulped and look at Juros.
"So, she's the girl you said?"
Yumuko sya sandali, sa salita palang nito ay para bang nang iinsulto na to. Oo, hindi sya mayaman, Oo simple lang buhay nya. At alam nyang hindi nya maabot ang kahit sino sa dalawa.
"Wag natin dito pag usapan yan." mabilis na sagot ni Juros.
"Okay." tipid na sagot naman ni Lyricko.
"You're here, Maria!"
Napatingin sya sa babaeng nasa middle of 50's pero hindi mo masasabi na nasa middle of 50's na. She's Juros' mom. Mabilis syang ngumiti dito at hinalikan ito sa pisnge. "Akala ko hindi ka sasama!"
"Pwede ba 'yon, Tita?" she chuckled.
"Lyricko, Juros, Tara na! Kayo nalang kulang don."
Hindi nya hinayaan malipat ang tingin nya kay Lyricko. Bangkus nag pahatak nya sa mommy ni Juros papuntang Kusina. Pumasok sila don at umupo agad. Pero nagulat sya ng sumunod si Lyricko at umupo sa kanan nya, sunod naman ay si Juros sa kaliwa nya. Tumingin sya sa harapan nya at nandon ang mga magulang ni Juros at ang isa pa nitong kapatid na si Jack na nasa labing anim na taong gulang.
"So, Let's pray before eat!"
Pinikit nya ang mga mata nya at pinag dikit ang kamay sa mesa. Tahimik syang nakikinig sa mga dasal ng mommy ni Juros hanggang sa matapos na sila.
Nang matapos mag dasal ay nag simula na ulit gumawa ng topic si Tita Jenny. "Alam mo Maria ang ganda ganda mong bata, tapos ang bait bait mo. Gusto kita para sa anak ko."
"Tita naman/Mommy!"
Napatingin sya kay Juros dahil sabay silang nag salita. "Kinikilig ka naman kuya, Kunyare ka pa."
Napuno ng tawanan ang buong kusina, Si Lyricko ay tahimik lang sa kanan nya na nag sisimulang kumain. "Pero totoo Ate, may pag asa ba si Kuya?" tanong ni Jack sakanya.
"Jack, pati ba naman ikaw?" natatawang sabi nya. "Mag kaibigan lang kami ni Juros, ano ba kayo. Saka wala pa po sa isip ko ang ganyang bagay." ngiting sagot nya.
"Why not? You're 23, right? And Juros is 24. You're the right age." ngumiti lang sya ng tipid dito.
"Mommy naman!"
Hindi na sya sumagot dito. Minsan pag nag uusap sila ng ganitong bagay tinatawanan lang nila pero ngayon iba na. Lyricko is here at hindi nya alam ang gagawin nya. Ni hindi nga sya makagalaw mabuti. Si Juros na kumuha ng pag kain nya at sya naman ay pinanood lang ang bawat galaw nito.
"Ikaw Lyricko? How's Via? Your girlfriend? Di mo ba dadalin dito?" tanong ni tita Jenny dito.
"She's not really my girlfriend. Just on cam, tita. And i'm not interested to her."
He's not interested, but ex n'ya yon. What was that?
"Oww. Sabagay, Showbiz. Kailangan ng ka love team para mas sumikat. Pero may babae ang gusto?"
Kinuha ko ang tinidor at kustra sa gilid ng plato ko habang hinihintay ang sagot nito. "Yes."
Huminga sya ng malalim at nag simula na sumubo. Pag katapos lang sagutin ni Lyricko ang tanong ni Tita Jenny ay nauwi na sa katahimikan ang buong hapag kainan. Hanggang sa natapos sila ay walang nag salita.
Mabilis sya inaya ni Juros sa Garden at sumama naman agad sya. Di dahil gusto nya, kundi gusto nya makaiwasa sa lalakeng nag bibigay ng kakaibang pakiramdam sa kanya.
Umupo sila sa pang tatluhang upuan at tumingin sa taas na puro bituin. Napangiti sya habang iniisip nya na nanonood ang mommy nya sa kanya at kung gaano ito ka proud sa kanya. Nakatayo sya mag isa sa sarili nyang paa na walang kahit anong tulong ng iba.
"Pag pasensyahan mo na sila mommy ah? Mga baliw 'yun." tumingin sya dito at ngumiti lang.
"Sanay na ko."
Ngumiti din ito sa kanya.Inalis nya ang tingin dito at tumingin ulit sa langit. Tinaas nya ang kamay nya na para bang inaabot nya ang bituin at pinikit ang mga mata nya.Hindi maalis ang kanyang mga ngiti sa labi habang ginagawa 'yon.
"Juros."
Napadilat sya at umayos ng upo ng marinig nya ang malamig na boses ni Lyricko. "Bukas mo ba ko itu-tour?"
Nanatili ang mata nya sa langit, habang seryoso ang mga mata nya. "Ay, oo nga pala! May trabaho ako bukas."
Napatingin sya kay Juros. "Saka may meeting tayo ng 3pm." sabat nya dito.
"Yeah, i know." she just smiled. "Ikaw nalang mag tour sa kanya sa Nueva Ecija?"
Nagulat sya sa narinig nya. "Im busy. Gagawa pa kong cupcakes for our mee--"
"It's good. Ikaw nalang mag tour sakin, Mj." lalo syang nagulat sa tawag nito sa kanya.
"A-ayoko. Marami akong gagawin sa shop." mahinang sagot nya dito.
"Don't worry about cupcakes, i can buy---"
"No. Kaya ko gumawa for them, saka ako talaga gumagawa ng meryenda sa mga volunteer youth at iba pa." pag puputol nya agad.
"Ow? Parang kilala nyo isa't isa ah." natatawang sabi ni Juros sa kanila.
"Yes/No."
Napatingin silang dalawa ni Lyricko sa isa't isa dahil sa sagot nila. "No. I don't know him, Juros." malamig na sabi nya.
"Alam ko." natatawang sabi nito. "Pero Maria, sige na. Samahan mo na sya bukas."
Umiling sya dito. "Marami akong gagawin bukas." sagot nya agad dito.
"Sige na naman, Maria." napapikit sya ng mariin dito at umiling ulit. "Sige, pag sinamahan mo sya. Pag katapos ng piyesta mag tra trabaho ako sa'yo ng isang linggo, walang sweldo." Unti unti tumaas ang gilid ng labi nya.
"Deal." mabilis na sagot nya.
Pag si Juros ay tumutulong sa kanila sa shop ay lumalaki ang kita nila. Maraming pumupunta at karamihan ay taga hanga nito. Kaya naman napa oo agad sya dahil don. Ayaw man nya makasama ang dati nyang kaibigan pero kailangan nya talaga si Juros.
"Tsk." tumawa lang sya ng mahina.
Hinawakan nito ang kamay nya at napailing ito sa kanya. Humarap sila pareho kay Lyricko at ngumiti lang sya ng tipid. Pero hindi ito nakatingin sa kanila kundi sa kamay nilang dalawa ni Juros. Hinigpitan nya ang hawak nya dito at tinawag ito.
"Lyricko.."
"Kayo ba?" nagulat sya sa tanong nito.
"H-Hindi. W-We're just friends."
Pag katapos ng gabing yun ay hinatid na sya ni Juros sa kanila. Pakiramdam nya nakahinga sya ng maluwag ng makarating sya sa bahay nya. Hindi sya masyadong makakilos sa harapan nito dahil pakiramdam nya ay nanonood ito sa kanya. Sinikap nyang wag mapatingin dito at bawat usapan nila sa sala kasama ang pamilya ni Juros.
Unti unti syang nakatulog dahil sa pagod.
Kinabukasan ay nag dala sya ng isang cap at hoodie na kulay gray para kay Lyricko. Ngayon nya ito itu-tour at sa pag dating ng alas tres ay mag mi meeting na sila sa bahay nila Juros.
Nakarating sya ng ligtas sa bahay nila Juros, sakto naman ng pag datiny nya ay paalis na ito. "GoodMorning!" masayang bati nito.
Tinignan nito ang suot nya at ngumiti lang sya. Naka suot lang naman sya ng isang short na color black na hanggang tuhod at pinatungan ng isang tshirt na v neck maroon. Simple lang naman sya manamit simula ng tumapak sya dito, suot nya ay isang tsinelas na nike na tig sisingkwenta sa tiange.
"Muka kang lalake!" nawala ang ngiti nya at bigla nya tong hinampas ng dala nya.
"A--Aww! Joke lang."
"OO TOMBOY AKO!"
Sabay hampas nya na dala nyang isang backpack na heartstring. "A-aray! Maria naman!" natawa lang sya dito at umayos na.
Binuksan nya ang kanyang bag at kinuha ang isang cap. Sinuot nya yun at humarap ulit dito. "Buti alam mong tomboy ako!" natatawang sabi nya.
"Baliw ka na."
"Wala ka na don magagawa."
Nahinto ang tawanan nila ng dumating si Lyricko. Napatingin sya dito at ngumiti lang ng tipid. Gusto nyang titigan to ng matagal pero hindi nya magagawa, baka sumabog ang dibdib nya pag ginawa nya yon. Ang lakas ng epekto nito sa kanya.
Isang khaki shorts ang suot nito at naka black tshirt sa taas. Tumingin sya kay Juros. "Hindi nyo pwede gamitin kotse ni Lyricko, matalas ang mata ng mga fans nya. At di ka pwedeng lumabas ng ganyan Lyricko." napatango sya dahil tama ito.
At ganon din naman ang naiisip nya pero ayaw nyang mag salita. "At baka habulin pa kayo."
Nilabas ko ang isang hoodie sa bag kongkulay pink at pinakita sa kanya at isang cap na pink din. "What the hell!" sinamaan sya ni Lyricko dahil don.
She knows kung gaano kaayaw ni Lyricko sa Pink, it's too girly yun ang laging naririnig nya mula sa bibig na 'to. "M-mas okay kasi ang pink para di ka masyadong halata. Saka alam ng supporters mo kung gaano mo kaayaw ang pink."
"I thought you're not his fan? Pero bakit alam mo na ayaw nya ang pink?" napatingin sya kay Juros dahil don.
"K-kay Chi at Che. Alam mo naman ang mag kapatid na diba?" he nodded.
"Oo nga no. Ba't di ko naisip yun." She force to smile.
"Okay."
Napatingin sya kay Lyricko at tumango. "Can i borrow your motorcycle?" she asked Juros.
"Sure!"
Binigay nito sa kanya ang susi ng motor at agad syang pumasok sa loob. Pumunta sya sa isang kotse na nakatapink ng malaking tarpauline, katabi non ay isang motor na kulay itim. Mabilis syang sumakay don at pinaandar.
Lumabas sya at tumingin sa kanya ang dalawa. "Kaya mong imaneho yan?" she nodded to Lyricko. "H-how?"
"Tinuruan ko sya, Insan. Di naman mahirap turuan e."
Nag dilim ang tingin nito sa kanya dahil don. Umiwas lang sya ng tingin dito. Hindi nya alam kung bakit to nagagalit dahil don. "Juros, male late ka na!" nakangiting sabi ko dito.
"Ayy oo nga!"
Mabilis itong lumapit sa kanya at hinalikan sya sa pisnge. Tumingin ulit sya kay Lyricko na halos patayin sya sa tingin. "Tara na." malamig na utas nya na para bawang lang pakelam sa tingin.
"Did he really kissed you?" she nodded
"Let's g---"
"DID HE?!"
Nagulat sya sa pag sigaw nito at tumingin sya dito. "Why you let him kissed you?!"
Ilang beses syang lumunok dahil sa mukang nakabungad sa kanya. Galit na galit ito dahil sa pag halik sa kanya ni Juros sa pisnge. "It's not a big deal." malamig na sabi nya.
"Sayo hindi, sakin oo!" hindi nya maiwasan mainis dito.
"Pwede bang tumahimik ka? Hindi tayo close."
~