Chapter 2

1944 Words
"Pagod?"  "May bago ba?" he said. Umupo lang sya sa kanyang dressing room at hinilot ang kanyang sentido. His dream came true. He's famous now, not only Philippines  kundi Sa buong Asia. He's happy ofcourse. But he's not contented.  Sinusuportahan s'ya ng kanyang pamilya sa kanyang lahat ng desisyon, mga kaibigan nya na nandyan sa tuwing kailangan n'ya to, tinitingala ng halos lahat. Yun lang naman ang gusto nya. Masaya sya pero parang may kulang, hindi nya alam kung ano ang kulang sa kanya. Natagpuan nya nalang ang sarili nya na gusto nya muna mag pahinga. Wala pa syang sinasabi sa manager nya pero may balak sya. "Via is here." Napatingin sya sa pintuan kung san papasok ang kanyang ka Love team. Tingin ng mga tao sa kanila ay may relasyon pero ang totoo wala talaga. Via is her ex when he's first year college. Pero kahit kailan hindi nya to minahal, he just using her for pushed his bestfriend. Nakangiti sya Via na papalapit sa kanya. "Are you okay?" he just nodded. "You look tired."  "Always." walang gana nyang sabi dito. Magiging sweet lang sila pag On cam pero pag off cam, para syang isang yelong hindi matipak tipak. He just smiling when on cam but off cam wala lang. Hindi sya ngumingiti o ano. May hinahanap sya pero di nya makita, hindi nya din alam kung ano yun. For the two years and half. Hindi nya aakalain na sisikat na sisikat sya, masaya sya dahil sa nang yayare pero hindi nya makalimutan ang babaeng 'yon. Ang babaeng nag papabaliw sa kanya, ang babaeng walang ginawa kundi mahalin sya, ang babaeng lagi nyang tinutulak at sinasaktan. Umaasa sya sa isang araw, bubungad 'to sa gate pero hindi. Nag daan ang ilang buwan, taon pero walang nag pakita sa kanya. "Kunyare sweet para  pakiligin ang mga fans nyo." Inalis nya ang headset sa tenga nya at umayos na. Tumingin sya kay Via na nakangiti sa kanya, nilapit nya ang muka nya dito at hinawakan nya ang pisnge nito. Hindi lang picture ang ginagawa ng mga ito kundi Video din. Kunyare may binubulong sya dito at si Via naman ay kikiligin. Pag katapos non ay nag hiwalay na agad sila. Inayos na nya ang sarili nya at tumunog ang telepono nyang hawak ng manager nila. Binigay agad nito sa kanya at sinagot nya. "BRO! IM HERE AGAIN!" "What do you want?" he heard him chuckle. "Nothing. Papunta na ko sa inyo!" Biglang namatay ang kanyang telepono at napabuntong hininga nalang sya. Tumayo na sya at tumingin sa manager nya." Aalis na ko." malamig na paalam nya. "How about Via?" his manager asked. "She's 24 years old, she can take care of herself." malamig na saad nya. Kung iahatid nya si Via ay baka kung ano lang isipin nito. Hindi n'ya to pinapasakay sa kotse nya, wala pa syang babaeng sinasakay sa kotse nya. Kahit mommy nya.  Lumabas na sya ng dressing room at nag simula ng mag lakad sa hall. Gaya ng dati, napapatingin sa kanya ang ibang artista na babae, mga model at dancer na sumubok na akitin sya pero kahit isang beses ay hindi sya pumatol.  Secure ang parking lot kaya naman walang makakapasok agad agad dito lalo na't hindi nag tra trabaho dito.  Sumakay sya sa kanyang kulay itim na sportscar nya at mabilis na pinaadar to palayo sa lugar na 'yon. Hindi nya alam kung san sya pupunta, nakita nya nalang ang sarili nya na bumagsak sa sementeryo kung san nakalibing ang mommy ng kaibigan nya.   Mahigpit ang hawak nya sa manibela habang inaalala ang panahon na sinasamahan n'ya pa ito puntahan ang lugar kung san nakalibing ang mommy nito. Unang pag kikita nila ni Mj ay isang magandang pang yayare sa buhay nya.  Umiiyak ito ng natagpuan nya sa isang gate habang hinihintay ang sundo. Umiiyak na walang bukas at putlang putla. Hindi nya mapigilan lapitan ang magandang batang umiiyak habang sinisigaw mommy nya. Napapikit sya ng mata at huminga ng malalim. Hanggang ngayon sinisisi nya parin ang sarili nya sa pag kawala ng bestfriend nya, sinisisi nya ang sarili nya kung bakit hindi na 'to nag papakita. Ang mga masasakita na salitang binitawan nya dito at nakasakit dito, sa pag tulak at hindi pag pansin dito.  Nang nalaman nyang hindi ito tunay na Angeles ay di sya nag dalawang isip na hanapin to. He hired imbestigator for her, pero wala. Walang nakitang MJ, kahit mga kaibigan nya hindi na ito makita. Kaya mas pinili nalang nya isubsob ang sarili sa trabaho, trabaho bilang actor at ang kanilang kompanya. Ngayon gusto nya nalang tumahimik muna, he wants break for all those works or maybe he wants quit to Showbiz Career.  Mabilis nyang tinext ang kanyang manager. Alam naman na ang gagawin ng manager nya once na mag text sya dito. "I want break." Yan lang ang tinext nya at pinatay nya ang kanyang cellphone. Mabilis nyang pinatakbo ang kanyang Black sports car nya sa kanyang bahay. Ang bahay na pinagawa nya na galing sa dugo't pawis nya. Ang bahay na para sa kanyang babaeng minamahal. Sa pag dating nya don ay nakita nya agad ang kanyang Pinsan na taga probinsya na nakaupo sa gilid habang umiinom ng wine. "Bro!" "What do you want?" he asked. "I just want to borrow you, malapit na pyesta sa lugar namin!"  "Mahal ako."  "Bro! Ayaw mo non, fresh air! Saka kailangan mo na din ng break kahit papano! Sagot ko lahat ng gusto mo dun, sige na! Ayaw ko kasi nahihirapan si Maria sa lahat e. Gusto kasi ni Maria yung tipong maingay ang buong lugar sa darating ng Pyesta! Gusto mo sumali ka din sa Li---." "Ang dami mong sinasabi. Who's Maria?"  "I like her." nagulat nya ng ngumiti ito sa kanya. "But she's still inlove with her bestfriend." napabuntong hininga to sa kanya. "So?" "I don't know Bro. She likes your music, lagi nyang pinapatugtog ang mga kanta mo. Pero hindi naman sya isa sa supporters mo. Baka pag nakita ka nya, yakapin nya ko sa sobrang saya."  Napailing nalang sya sa kaibigan nya. "Okay." "O-okay?" he nodded. "Okay as in Yes?" "Oo." Tumayo ito at sumuntok sa hangin. "WOOOOOAAAHHH! TANGINA BRO! DAGDAG POINTS TO!" "Kailan ba alis?" tanong nya agad dito. "Sa monday na. Mag iisang linggo na ko dito." "Okay." Pumasok na sya sa loob at dumiretso paakyat ng hagdan. ~ "NGAYON na uwi ng lover boy." "Lover boy?" tanong nya kay Che na nakangiti ng malapad. "LAH TO! SI JUROS!" She rolled her eyes to her. "Ayy taray! Ganda e." napangiti lang sya dito at natawa. "Gaga, bumalik na kayo sa trabaho n'yo. Tatapusin ko lang 'tong cake."  "Wala namang masyadong tao! Kaya na ni Chi yun saka ni Jer!" napatango nalang sya dito. Nang matapos ang ginawa nyang cake at lumabas na sya sa kitchen nya, pumunta sya sa counter at sa pag kita nya don ay nandon si Juros na naka at naka pants na black, naka shade pa 'to na akala mo ba ang taas ng araw sa loob ng Shop nya. Dumami ang tao dahil sa ginawa nya dito at halos lahat ay nakatingin sa kanya. "Problema mo Juros?" seryosong tanong nya at biglang umayos to ng tayo. "Akala ko pa naman mapapatulala ka sakin. Hindi pala." Bahagya syang natawa dito. "Baliw ka nanaman. Kauuwi mo lang?"  tumango ito at mabilis na lumapit sa kanya. Nang nasa harapan na nya ito at mabilis sya nitong hinalikan sa noo. Narinig nya ang tili ng mga tao sa loob ng shop nya. Kahit sya ay nagulat dahil don. Hindi nya din maiwasan mahiya, bukod sa pawis sya ay hindi nya alam kung ano ang amoy nya. "Lumayas ka na nga dito! Shooo Shoo!" natawa lang ito sa kanya.  "Nandito ako kasi para sabihin sa'yo na bukas ang meeting 3Pm, bring cupcakes. Babayaran nalang nila mommy." "Okay. Gagawa na ko ngayon." she just smiled. "At hindi ka na mahihirapan pang humanap ng mag peperform sa pyesta. Okay na ang mag peperform don." nanlaki ang mata nya. "R-really?" he nodded. "Baka ginogoyo mo lang ako?" taas kilay nyang sabi dito na kinatawa nito. "Hindi ah! Tignan mo, dadayo ang ibang lugar satin!" ngumiti sya at tumango.  "Totoo?" tumango ulit to. "Osige. Shooo! Shoo!" "Susunduin din kita ng 6! May dinner sa bahay, my mom wants to see you!" Unti unti nawala ang kababaihan ng lumabas si Juros. Ngumiti lang sya dito, ayaw nya mag asshume dito, ayaw nyang isipin na may nararamdaman ito sa kanya. Pero sana wala, dahil sa sarili nya hindi pa nya alam kung tuluyan na bang nawala si Lyricko sa buhay nya. "WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" Nagulat sya sa pag tili ng dalawang babaeng empleyado nya. Tumingin sya dito at nag tatalon ito sa tuwa. Hindi nya maiwasan lumapit dito at tignan pareho. "Anyare?" "SI LYRICKO MENDEEEZ!" Sandali syang natulok sa kinatatayuan nya ng marinig nya ang pangalan ng lalakeng matagal na nyang gustong kalimutan. Nawala ang ekspresyon ng muka nya at akmang tatalikod ng bigla nanaman sumigaw ang dalawa. "NAKITA ANG KOTSE NYA DITO SA NUEVA ECIJA! PERO WALANG EXACT LOCATION KUNG NASAN TALAGA SYA!"  Nandito sya?   Mabilis syang pumasok sa loob ng Opisina nya at naupo nalang. Bigla nalang sya kinabahan sa di nya malaman na dahilan. Natatakot sya pero kailangan nyang umakto ng wala lang, dahil yun ang dapat. Alam nyang hindi sya masyadong malayo dito, pero still na nasa probinsya. Pero di naman nya alam na pupunta ito dito, pero para saan? Sakanya? Malabo. Alam nya kung gaano syang kaayaw na 'to, tinutulak nga sya palayo e. Tapos pupuntahan sya dito? Bakit ba umaasa parin sya? Umuwi sya ng saktong ala singko para ayyusin ang sarili nya. Tinext nya si Juros na umuwi sya at dito sya sunduin. Kumuha sya ng isang short at isang Vnect shirt na kulay black, sanay na sya sa ganitong ayos kahit san mag punta. Kinuha nya ang tsinelas nyang black nike. Nang matapos sya ay saka dumating ang sundo nya. "Hiii!" masayang bati nya kay Juros na naka Plain tshirt din black na tulad nya at kulay green naman ang short na suot. "Hindi ko nabasa text mo, pumunta pa kong shop." natawa naman ako sa kanya. "Tawag nalang kasi gawin mo, wag ng text." "Wala akong pang tawag, sorry." malungkot na sabi ko at ngumuso lang sya. "Imposible!" Lumapit na ko sa kanya ng tuluyan at ginulo ang buhok nya. "Where's my pasalubong by the way?" she asked. "Asa kwarto ko, nakalimutan kong ihatid. Si Mommy kasi excited na makita ka!" natawa naman sya dahil don.  "Saka nandon ang pinsan ko." "Miss na miss talaga ako ni tita!" natatawang sabi nya. "Mas anak ka pa kesa sakin."  "Wala kasing anak na babae kaya ganon. Well!" she flipped her hair. "Maganda kasi ako." "Tara na nga! Niloloko mo nanaman sarili mo!"  "Teka, Asan kotse mo?" nag tatakang tanong nya.  "Kotse, kotse pa! Tara na trysikel nalang!" Mabilis syang tumawag ng Trysikel na malapit sa bahay nya kung san sya nakatira at sumakay silang dalawa sa loob. Hindi naman kalayuan ang bahay ni Juros sa kanila kaya naman mabilis lang sila makarating. Nang makarating sila don ay pansin nilang may isang kotse na natatabunan ng isang malaki tarpauline na black. Hindi kay Juros yun sure sya dahil ayaw ni Juros na nagagasgasan ang sasakyan nito. "Uyy, pandak tara na!" she rolled her eyes to him. Sumunod agad sya dito at nakipag unahan  papasok sa loob. Nag tawanan silang pareho ng matumba sila sa kagaguhan nila. "Ako na una!" natatawang sabi nya. "AKo kaya!" "Ang daya! Tignan mo sa CCTV ako nauna!"  "Lyricko sa tingin mo sino ang nauna samin?" Natulos sa kinauupuan nya dahil don. Nawala ang kanyang ngiti at tawa dahil sa pangalan na narinig nya. Hindi nya to nagawang lingunin. "Uyy, Lyricko? Sino na?"  Lumapit sa kanya si Juros at dahan dahan syang tinayo nito. Unti unti syang lumingon dito at agad nag tama ang kanilang mga mata. Unti unti nabuhay ang kanyang puso dahil sa pag tama ng kanilang mga mata, may kung anong sakit sya naramdaman sa dibdib nya. Hindi nya maalis ang tingin sa lalakeng nasa harapan sya. Ngayon isa lang ang alam nya, Mahal nya parin ang lalakeng nasa harapan nya. ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD