After Three years.....
"CHE, MAY ORDER. IKAW MUNA SA COUNTER!"
"Opo, Maria."
"CHI, palinis ng isang table. May uupo."
"Oo Maria."
"Jer! Nandyan ka na pala, dito ka na."
"Double time, maraming costumer!" sigaw nya sa mga empleyado nyang nakangiti habang nag sisilbi sa mga costumer nila sa Maria Angel na sya ang nag mamay ari.
Her name is Maria and her mom is Angel. Pinag sama lang ang kanilang pangalan.
Eto ang nagawa nya sa pera ng mommy nya, ang tinabi nitong malaking halaga para sa kanya ay nakagawa sya ng negosyo. Hindi nya aakalain na maraming tatambay sa shop nya at kumain ng mga na bake nyang cake. She loves baking pero hindi sya marunong mag luto.
Binuksan nya ang sliding Glass cake upang ilagay don ang cookies na ginawa nya and brownies. Marami syang gawang cake na chocolate cake, vanilla cake, cookies and cream na cake. Madalas kinukuha pa sya sa mga kasalan upang gawan sila ng wedding cake.
Hindi nya nagagamit dito ang kinuha nyang course, pero buti nalang habang bata pa sya at nabubuhay ang mommy nya at tinuturuan na sya sa maraming bagay. Para bang handang handa ang mommy nya sa mang yayare sa kanya in the future.
Napangiti nalang sya habang inaalala ang mommy nya. She really missed her, anim na buwan na syang hindi dumadalaw don, hindi na sya nag kakaroon ng oras dahil sunod sunod ang costumer nya. Lalo na't darating na ang pyesta sa kanilang baranggay.
Tumayo na sya at sya naman tumayo sa Cashier dahil marami nanaman pumapasok na costumer. May mga tinda din silang burger, fries at iba pa. Pero mas patok parin ang kanyang cake, ang coffee naman nya ay ang dating tinitimpla nya sa daddy nya. Kahit kailan hindi nya pinaalam sa daddy nya na sya ang nag titimpla non, dahil pag nalaman lang kasi baka hindi inumin. Kaya naman akala nya ay si Marine ang nag titimpla ng coffee nya.
Ayos na syang naririnig nyang masarap ang gawa nyang kape pag iniinom 'to ng daddy nya. Don lang ay masaya na sya. Hindi na sya humihiling ng kung ano pa.
"GoodAfter noon, what is your order?"
Ngumiti lang sa kanya ang lalakeng may hawak na bola habang naka jersey ito. Napairap nalang sya dito dahil don. "Pwede ba ma order ang may ari nito?" she rolled her eyes again. "Joke lang ano ba naman to."
"Baliw ka kasi! Nag tratrabaho ako e!" ngumiti nalang ito sa kanya.
He's Juros, Her guy friends for three years. Simula tumapak sya sa Nueva Ecija ay eto na tumulong sa kanya. Nung una hindi pa sya nag titiwala dito pero tinulungan talaga sya nito humanap ng pansamantalang tirahan. Hanggang sa sinabi nya dito ang plano nya at sakto ay nag bebenta ito ng lupa sa bayan. Lalo syang natuwa at simula ng araw na yon ay pinag katiwalaan na sya nito. Twenty minutes man ang byahe mula sa shop nya hanggang sa bukid ay okay lang. Marami na syang kilala dito sa Nueva Ecija at pakiramdam nya nahanap nya ang sarili nya dito.
"Tatlong araw ka nang busy, hindi na tayo nag na night market!" natawa nalang sya dito.
"Baliw, open din kasi to until midnight!" sagot nya dito.
"Pwede mo naman sa kanila pabantayan e!"
"Kulit kulit mo! Wala ka bang trabaho ah?" she asked again.
"Kahit di ako mag trabaho, kumikita ako. Ikaw din naman ah?" ngumiti ito sa kanya ng malapad.
Labas ang dalawang dimples nito kabilaan at pati ang ipin nitong pantay pantay. Napatingin sya sa buong paligid at halos lahat ng babae sa loob ng shop nya ay dito nakatingin. Lalong nag padagdag ng gwapo nito ang pawisan nyang leeg na bumaba sa dibdib. Matangos at singkit ang mata, nakakaakit ang bawat tingin.
Kahit s'ya ng una ay nag kagusto dito pero agad din nawala. Sa bawat lakad nito ay pag tinignan mo ay para bang inaaya ka nitong tignan.
"Tumulong ka nalang." she said.
"Pag ba tumulong ako, papayag ka sakin makipag date?"
Hindi naman nya to first date. Nung tumagal kasi ng isang taon ang pag kakaibigan nila ay nag bigay na ito ng motibo pero hindi nya pinansin. Nung nasa manila pa sya ay nakikipag date na sya kung sino sino upang kalimutan ang kanyang lalakeng mahal. Even rj, nakipag date sya dito. Pero hindi din sila nag work.
"Deal."
Mabilis itong pumasok sa loob ng storage room para kumuha ng uniform. Meron din naman kasi sya non dito dahil madalas syang tumulong sakin pag nag pa file sya ng leave. Binuksan ko ang speaker ko at pina tugtog ko ang isang kantang kahit kailan ay hindi nya malilimutan.
Isang gabing nag asshume sya na sya 'yon. Isang gabing sobrang espesyal sa kanya. Isang gabing kahit anong gawin nya ay hindi nya malilimutan.
I found a love for me
Darling just dive right in
And follow my lead
Well I found a girl beautiful and sweet
I never knew you were the someone waiting for me
'Cause we were just kids when we fell in love
Not knowing what it was
I will not give you up this time
But darling, just kiss me slow, your heart is all I own
And in your eyes you're holding mine
"What is your order, Sir?" she asked.
"I want Vanilla cake with cookies and Your special coffee please, take out."
Kumuha agad sya ng tray at pumunta sa sliding glass cake para kuha ito ng vanilla cake. Patuloy parin ang pag tugtog ng Perfect na sinasabayan na nya. Kahit sila Che and Chi ay sinasabayan sya.
"Ako na dyan."
Mabilis syang tumayo ng marinig nya ang boses ni Juros. Eto na ang kumuha sa baba at kumuha nalang sya ng Coffee. The Black coffee, Lyricko's favorite. At patok din to dahil sa kanya, marami syang taga hanga dito sa probinsya at kahit isang beses ay hindi sya napunta dito.
He's famous now, he's famous actor and singer. His dream came true and she proud of him. Dahil kung sya parin ang dating Brat na Mj ay baka lahat ng sumusuporta dito ay awayin nya. Sya lang naman ang harang sa pangarap nito kaya nga tinulak sya palayo. He chose his dreams over his bestfriend.
Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms
Barefoot on the grass, listening to our favorite song
When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath
But you heard it, darling, you look perfect tonight
"Favorite na favorite mo talaga ang cover ni Lyricko Mendez no?" Napatingin sya kay Juros at ngumiti.
"Oo e."
Umupo muna at si Juros ang pumalit sa kanya sa Counter. Pinunasan nya ang pawis nya gamit ang bimbong dala. Hindi nya mapigilan sabayan ang tugtog sa kanyang speaker na 'Perfect'
Well I found a woman, stronger than anyone I know
She shares my dreams, I hope that someday I'll share her home
I found a love, to carry more than just my secrets
To carry love, to carry children of our own
We are still kids, but we're so in love
Fighting against all odds
I know we'll be alright this time
Darling, just hold my hand
Be my girl, I'll be your man
I see my future in your eyes
Nung gabing yun, parang pinaramdam sa kanya nito na mahal sya nito na may nararamdaman sya nito. Umasa sya kahit isang beses, she's crying that night because of that song. She knows that song is for her. But she was wrong. Sasalubungin nya sana ito pero lumiko ito sa kabilang daan.
Mag isa nya, mag isa nyang sinalubong ang pasko. Si Gabriella ay busy asa asawa nito ang mga kaibigan naman nito ay mag kakasama, at yung tatlo naman ay umuwi sa kanilang bahay upang salubungin ang pasko habang sya ay wala. Mag isa at walang kasama.
Baby, I'm dancing in the dark, with you between my arms
Barefoot on the grass, listening to our favorite song
When I saw you in that dress, looking so beautiful
I don't deserve this, darling, you look perfect tonight
Baby, I'm dancing in the dark, with you between my arms
Barefoot on the grass, listening to our favorite song
I have faith in what I see
Now I know I have met an angel in person
And she looks perfect
I don't deserve this
You look perfect tonight
"Gusto mo ba sya makita in person?" napatingin ulit sya kay Juros na ngayon ay nakangiti ng malapad.
"N-no." mabilis nyang hiling.
She promised to him, kaya dapat nyang gawin yun. Saka kung mag kikita man sila, madidissapoint lang yun. "Idol mo ayaw mong makita?" nag tataka nitong tanong.
"I'm not his fan actually, but i like his songs, that's all." she said while smiling. "And i don't have a time for him. Sayo nga lang wala akong oras, sa kanya pa kaya." natatawang sabi nya.
Pero nagulat ito na nag iwas ng tingin. Napabuntong hininga nalang sya at tumayo. Pumunta sya sandali sa Opisina nya at bahagyang nakangiti.
Hindi nawala si Lyricko sa isip at puso nya at di nya alam kung ano pa nararamdaman nya dito. Hindi nya alam kung mahal nya pa ba dito, pero mas okay na yung malayo sya dito. Hindi na 'to madalas sumasagi sa isip nya and she thankful for that.
Dinukdok nya ang ulo nya sa table nya at pinikit ang mata. Hindi nya aakalain na makakatulog sya.
Nagising nalang sya sa mahinang topic sa pisnge nya at napabangon sya. She saw Juros smiling at her. "Let's dinner."
"What time is it?" she asked.
"7pm, sila Che na daw bahala sa shop. Mag date na daw tayo." Ngisi nito sa kanya at ngumiti lang sya.
"Osige, mag papalit lang ako ah?"
Tumayo sya at pumunta sa isang kwarto kung nasan ang mga gamit nila. Kinuha nya ang suot nya kaninang tshirt na white Vneck na may nalagay na finger heart, then suot nya naman sa baba ay isang short black na hanggang kalahati ng hita.
Ganito ang ayos nya, simple hindi tulad ng dati. Kailangan nyang mag tipid sa araw araw para sa sarili nya at para din sa mga taong tinutulungan nya.
Pumunta sila sa plaza Luz Kichennette na isang sikat na restaurant dito sa probinsya. "Yaman talaga e." she teased.
"Libre mo yan, Te."
"Tara labas na tayo." sabay hawak ko sa braso nya.
"Joke lang!"
Nag tawanan silang dalawa at pumasok sa loob. Maraming babaeng napapatingin sa kanilang dalawa este sa kasama nyang lalake na ang lakas mang hatak ng babae. Konting lakad ay nakukuha n'ya na agad ang mga atensyon ng kababaihan. Ang kanyang ngiti ay nag papalaglag ng panty ng kababaihan. Im one of them before. Pero nag bago 'yun, I like him because he's my friend.Kahit kailan hindi humigit don ang tingin nya kay Juros.
Umupo sila sa pang dalawahang upuan ay lumapit na sakanila ang isang lalake. "beef steak and beef kalderata, Green mango shake two and and water."
Hindi na nila tinanggap ang Menu dahil madalas silang dalawa ni Juros dito kaya alam na nila oorderin nila.
"So? Ano nga meron?" Panimula nya agad.
"I'm going manila tomorrow." tinaasan nya 'to ng kilay. "Tsk. Sasama ka ba o hindi? Anim na buwan na nakaraan simula dinalaw natin mommy mo." ngumiti sya ng malapad dito.
"Malapit na ang pyesta satin. Maraming gagawin alam mo naman isa ako sa nag vo-volunteer diba? Maraming gagawin. Paliga, pa sta Cruzan, design pa sa basketball court, tshirt for youth for us. See? I don't have a time." she said.
"For your mom?"
"Just buy a flowers for her Juros, tell her that im okay." she said while smiling. "I will visit her, after the pyesta."
"Okay. I will."
Dumating na ang kanilang pag kain at nag simula na silang kumain. Nilista nya lahat ng sinasabi ni juros about sa design sa liga at iba pa. Ang daddy ni juros ay Mayor sa lugar nila kaya naman kilala si Juros ng lahat at kilala ang pamilya na nila mababait at tumutulong. Kahit sya, nakita nya 'yun kung pano alagaan ng daddy nito ang lugar kung san sya nakatira ngayon.
Natapos ang kanilang dinner ay agad sila pumunta sa plaza upang tignan ang banda. Ang banda sa lugar nila, hindi ito sikat pero masasabi mo na magagaling ang mga ito. Nakikita nya ang mga kaibigan nya sa mga lalakeng ito.
"May gusto ka bang bilin?"
Nawala ang atensyon nya sa stage at napatingin kay Juros na nakangiti. Umiling lang sya dito bilang sagot nya sa tanong nito, binalik nya ulit ang tingin sa apat na lalakeng nasa stage.. Idol nila si Lyricko at halos lahat ng kanta ni Lyricko ay kinakanta nila dito sa lugar na to.
Tinapos lang nila ang isang kanta at nag aya na agad sya sa bench. Maraming lovers ang nakikita nilang nag lalambingan dito sa San Vincente Plaza.
"Ang swi -sweet nila no?"
"Yeah." tipid na sagot nya. "Bakit ikaw di ka pa nag ka ka girlfriend ata? Since dumating ako di pa kita nakikitang may kasamang ibang babae except sa mga ka youth natin." she asked.
Ngumisi lang ito sa kanya. "Daming magagandang babae nag kakandarapa sa'yo pero wala kang magustuhan at sila na nag papakita ng motibo sa'yo."
"Ayoko sa mga babae na sila gumagawa ng first move." napatango sya.
"So you hate me?" natatawang sabi nya.
"Bakit ganon ka ba?"
"Yeah, before." Huminga sya ng malalim. "I was inlove with him. He's my bestfriend, we're close, we're happy hanggang sa lumaki na kami. Natatakot ako may umagaw sakanya dahil sya nalang meron ako. Sya lang ang nandyan para sakin pero nag laho lahat yun dahil sa kagagahan ko.I'm Brat and immature, most of all girls na nag papakita sa kanya ng motibo ay inaaway ko, lahat ng girlfriends nya inaaway ko, kasi ayokong may kaagaw e. Pero hanggang sa dumating si..." Hindi nya mabanggit ang pangalan ng babaeng yun dahil eto mismo ang ka Loveteam ni Lyricko. "Basta, yun na yon. I was so desperate, i love him so much. Inamin ko sa kanya yun pero tinulak nya lang ako palayo." she laughed weakly. "He always pushing me, kahit napapahiya na ko. Go parin ako, pinag tatawanan ako ng lahat hanggang sa mapagod ako. Gusto ko na syang kalimutan, i dated boys, even his friend. Pero wala, ang ending sya parin."
"Are you still into him?"
"No." walang pag alinlangan nyang sagot.
"Good. Ayokong nakikita malungkot ang boses at mata mo." she just smiled.
"Mag iingat ka don ah! Pasalubong ko!" natawa silang dalawa. "Pero totoo? Bakit wala kang girlfriend?" tumingin lang ito sa kanya ng seryoso.
"I'm inlove with someone, secretly. Pero wala pa kong lakas sabihin yun." Napatango nalang sya.
"Well, masakit kasi ma reject." sagot nya dito.
"Kaya nga nag dadasal ako na sana wag nya ko ireject." natawa lang ulit silang pareho.
~