Narrator Nang pagsikat ng araw, roon lamang naramdaman ni Victoria ang pagod sa magdamag na labanang naganap. Hindi niya akalain na ganoon pala iyon katagal. Hindi na niya namalayan ang tumakbong mga oras at ang sumilip na araw na lamang ang nagpaalala sa kanya na isa nanaman iyong bagong umaga. Bigla na lamang nanginig ang buo niyang kalamnan at nanlambot ang mga tuhod. Hapung-hapo at masakit ang kamay sa paltos na nakuha niya sa kanyang katana at ilang mga gasgas sa balat na hindi na niya maalala kung paano niya nakuha. May mahapdi rin sa kanyang noo at pisngi. Maging ang talampakan niya'y masakit. Wala na si Asmit, humalo na sa hangin ang pinong buhangin ngunit di mabura sa kanyang isip ang mukha nito. Ang paraan kung paano siya nagsalamat na tinapos niya ang paghihirap nito sa loob