Victoria's Point of View Nagsalubong kami sa ere. Nagkasalubong ang aming lakas at naharang niya ang aking katana gamit ang mahahaba at matatalim niyang mga kuko. Napakalaki ng kanyang mga braso't mga binti, pati na ang kanyang kamao. Hindi ko akalaing ganoon kadali niyang ipapakita sa akin ang kanyang totoong anyo. Hindi ko tuloy mapigilang mapangisi dahil ang kaharap ko'y madaling mauto. Hindi na ako nagulat pa sa itsura niya. Nakita ko na sa talaan kung ano siyang talaga at lahat sila'y magkakaiba. Ang kaharap ko'y mistulang isang malaking paniki, na nakalaylay lamang ang mga pakpak at mukhang wala namang silbi. Ang taas ay halos sampung talampakan. Payat at bahagyang kuba ang katawan dahil sa laki at bigat ng kanyang mga braso kumpara sa maliit at payat niyang katawan. Mahaba ang da