Muling hinagupit ni Midas ang isang buntot ng ni Ohnmar ng buo niyang lakas. Tuluyan na niyang naputol ito. Napaatras si Ohnmar nang tumilapon ang isa niyang buntot at isa pang malakas na hampas ang tumama sa kanyang katawan. Tumilapon at nagpaikot-ikot ang kan'yang katawan hanggang sa humampas sa malaking puno ang dambuhalang alakdan. Naglakad palapit sa kanya si Midas upang tignan ang kapatid diretso sa kanyang mga mata na punong-puno ng pagkasuklam sa nakatatandang kapatid. "Matanda ka lang ng di hamak sa akin ng ilang libong taon ngunit hindi ka kagalang-galang at hindi ka nararapat na respetuhin bilang nakatatanda sa lahat. Pareho lang kayo ni Tiras, wala naman kayong naidulot na mabuti sa pamilya. Hindi ko alam kung bakit ikaw ang pinapaburan ng ating ama at ina ngunit ngayong tata