"Labassss!!!!" Nakakabinging sigaw ni Ohnmar pagpasok niya sa loob ng kanyang mansyon. Naroon ang mga tagasilbi at ginagawa ang kani-kanilang mga trabaho nang madatnan niya ang mga ito. Mabilis na umalis ang mga tagasilbi at iba pang naroon sa takot. Galit na galit siya nang dumating dahil sa biglaang paglaho ng presensiya ng dalawa sa kanyang mga kapatid. Batid niyang umalis sina Linnaeus at Aquinas ng magkasama. Sumama sila sa pagdakip sa dalawang pinaghihinalaan nilang pumaslang sa kanilang kapatid na si Asmit at ngayon nga'y napatunay nilang iyon nga ang mga pinaghahanap nila dahil maging ang dalawang pumuntang kapatid nila upang magkumpirma'y hindi na muli pang makakabalik. Bilang panganay sa kanilang pito, may kakayahan siyang maramdaman ang mga presensiya ng anim na nakababata s