"Bwesit!" Inis na mura ni Tiras matapos hindi matuloy ang naisip niyang plano upang mapasailalim sa kan'yang kontrol ang isa sa mga sugo. Naitulak niya ang babaeng katabi na nakalingkis sa kanya sa sobra niyang inis. Nawalan na siya ng gana ipagpatuloy ang ginagawa nila kaya iniwan na niya ito at ang dalawa pa sa kan'yang kama. Sa kan'yang pagtayo ay muntik pa siyang napatid sa dalawang babaeng natutulog sa sahig na walang mga saplot. Isang araw lang halos ang nakalipas mula nang mapaslang si Ohnmar at ang mansion nito ay napuno ng mga alagad ni Tiras. Hindi na maintindihan ang amoy sa loob ng mga silid kung saan malayang nagagawa ng kan'yang mga alagad ang kanilang nais anumang oras. Ang dating malinis at maayos na mansion ay naging madumi at masangsang ang amoy. Maging ang mga tagasil