Tama nga siya. Pinilas na pahina ng talaan iyon at itinago ng madre. Kulay pa lamang at tekstura ng papel ay alam na alam na niya dahil ilang beses na niya iyong binalik-balikang basahin. Nilabas na ni Victoria ang piraso ng papel at unti-unting sinilip kung ano ang nakasulat. Bago pa man tuluyan mabasa ni Victoria ang nilalaman niyon ay ay nagsalita ang madre dahilan upang mapabaling ang tingin niya sa matanda. "Patawarin mo ako kung kinuha ko iyan. Iyan kasi ang parte kung saan nakasulat kung kailan at paano tayo magkakahiwalay. Ayoko sanang makita mo at mabasa ngunit naisip kong mangyayari ang nakatakdang mangyari at mabasa mo man o hindi ang pahinang iyan ay malulungkot ka pa rin. Isa pa'y ang kabilang pahina ay napakahalaga. Hindi ko kayang itago at dapat mong mabasa upang mapaghan