Lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Victoria sa Pilipinas maaga sa kanyang inaasahan. Nasa himapapawid pa lamang ay kita na niya ang makapal at maitim na mga ulap na nagsasama-sama nang napakabilis na para bang may bagyong parating. Naging maalog ang biyahe nila at may mangilan-ngilan na ring pagkulog at kidlat silang narinig at nakita ilang minuto bago sila nag-landing. Dahil sa nagbabadyang malakas na ulan ay hindi na niya hinayaang makabalik ang dalawang pilotong nagmaneho ng pribadong eroplano. Balikan lang kasi ang kanilang usapan at baka hindi rin sila payagan sa paliparang iyon na umalis dahil sa masamang panahon. Magbo-book na lamang raw sila ng hotel at aalis kapag maganda na ang panahon. Bagay na labis na sinang-ayunan ni Victoria. Nagpaalam na siya sa kanila at nagtungo na s