Maaga nagising si Elias upang maghanda ng agahan nila mag-asawa. Nasa bakasyon siya ng dalawang linggo upang matutukan muna ang pag-aalaga sa kanyang mag-ina. Isang linggo lamang sana iyon ngunit ang kanyang mabait na amo ay ginawang dalawang linggo dahil alam niyang unang anak nila iyon at alam niya ang labis na pagkasabik ni Eli na magkaroon ng anak sa napakahabang panahon.
Isa siyang karpentero at naglilingkod rin sa simbahan. Relihiyoso sila mag-asawa at ang pagkakaroon ng supling ang pinakahihiling nila sa lahat.
Bago siya bumaba sa kanilang kusina'y sinilip niya muna ang kanilang anak na tahimik na natutulog sa crib nito na siya rin ang gumawa. Awtomatiko siyang napangiti habang papalapit sa sanggol ngunit ang ngiting iyon ay mabilis na nabura matapos niyang makita ang bagay na nasa kamay ng kanyang anak.
Agad niyang ginising si Beatrice upang ipaalam at itanong kung siya ba ang nagpahawak ng bagay na iyon sa kanilang anak ngunit hindi ang sagot nito.
Bumangon na ito sa pagkakahiga at pinuntahan ang anak at tignan kung totoo ba sinabi ng kanyang asawa. Gulat na gulat siya nang makumpirma.
Sinubukang alisin ni Eli ngunit mahigpit ang paghawak ng bata at natatakot sila na baka masugat o masaktan ang kanilang anak kung hihilahin niya ito biglaan kaya niya binitiwan.
"Subukan ko." Pagbubuluntaryo ni Beatrice. Maingat niyang binuksan dahan-dahan ang kamay ng anak sa pamamagitan ng paisa-isang pag-angat ng mga daliri nito ngunit nang makukuha na niya ang Kuwintas ay muli nitong sinara ang kamay at mas lalo pa nitong hinigpit ang pagkakahawak rito.
"Sa palagay ko'y mas mabuti kung hayaan na lang muna natin siya, hintayin na lang nating bitiwan niya." Mungkahi ni Beatrice.
"Papaano napunta ang bagay na 'yan rito?" Takang tanong ni Eli sa asawa.
"Ewan ko. Alam ko itinago mo 'yan sa drawer kagabi." Naguguluhang sagot ni Beatrice habang nakatingin sa natutulog pang anak.
"Baka kinuha mo." Dugtong niya Beatrice.
"Hindi! Bakit ako? Ako nga ang may ayaw na isuot ito sa anak natin." Protesta ni Eli.
"Oo nga, kung hindi ikaw at hindi ako? Sino?" Naguguluhang tanong ni Beatrice.
" Baka binisita tayo ng kaluluwa ng iyong Tiyahin kagabi at siyang nagbigay ng kuwintas sa ating anak." Pananakot ni Eli sa asawa.
"Itigil mo 'yang imahinasyon mo. Huwag mong takutin ang sarili mo." Suway ni Beatrice sa kanya at pinandilatan ito ng mata.
Gulong-gulo ang dalawa. Huling pagkakatanda ni Eli ay ibinalik niya sa kahon ang kuwintas at nilagay sa loob ng drawer. Bagay na pareho sa natatandaan ni Beatrice bago sila natulog mag-asawa.
Ayaw mag-isip ng nakakatakot ni Beatrice kagaya ng sinabi ni Eli kanina kaya naman sinabihan niya itong daanan ang kanyang ina at isama sa kanilanh bahay pagpunta niya ng bayan.
Lumabas na si Eli ng silid upang bumaba na sa kanilang kusina ngunit habang naghahanda ng agahan ay hindi niya maalis sa kanyang isipan kung paano napunta sa kanilang anak ang kuwintas na itinago na niya kagabi.
Matapos mag-agahan ay umalis na si Eli upang mamalengke. Naiwan sa kanilang bahay ang kanyang mag-ina. Bago umuwi ay dinaanan niya ang ina ni Beatrice ngunit hindi niya sinabi rito ang dahilan.
Inasahan na ni Beatrice ang pagdating ng kanyang asawa at na kasama ang kanyang ina. Binilin niya na sabihin kung bakit ngunit hindi naman sinabi ng kanyang asawa. Nang makarating sila ay dumiretso ang Ginang sa silid ng anak at kinumusta't nagtanong kung may problema ba dahil personal pa siyang pinuntahan ni Eli, pwede naman niya itong tawagan lang.
"Hindi po ba sinabi ni Eli?" Tanong ni Beatrice sa ina.
"Ang alin? Wala naman bukod sa sinabi niyang may gusto ko raw sabihin sa akin." Sagot ng matandang Ginang.
Sinabi niya rito ang tungkol sa regalo, pati na rin ng liham na kasama nito. Nakaupo sila sa kama at inabot ni Beatrice ang drawer kung saan magkasamang nilagay ni Eli ang kahon at ang sulat. Ibinigay niya sa kanya at nanlaki ang kanyang mga mata habang binabasa ang nakasulat.
"Kilala ko sulat-kamay na ito." Bulalas ng Ginang.
"Kilalang-kilala." Ulit niya pa.
"Nasaan ang kwintas?" Sunod naman nitong tanong at matapos mabasa ang liham ay hindi na ito mapakali.
Nasa kamay pa rin ni Micaela ang kwintas at ayaw pa ring pakawalan ito. Tinuro ni Beatrice ang anak na gising na, nilapitan naman ng Ginang ang apo at agad siniyasat ang kuwintas na hawak nito.
"Nakita ko na ang kwintas na ito dati ito ang parehong kuwintas na ibinigay ng lolo mo kay Diana bago siya pumasok sa kumbento. Banal ang kuwintas na ito na pinagpasapasahan na ng mga kung sinu-sino." Paliwanag niya habang hawak ang pendant na mismong kuwintas na hawak ng apo.
"Ayaw pong bitawan iyan ni Micaela. Hindi po namin alam kung paano napunta sa kamay niya iyan." Ani Beatrice habang pinapanood ang maglola.
"Okay lang, hayaan mo siyang hawakan kanya na ito. Isuot mo sa kanya, matutuwa si ang ate Diana." Wika ng matanda at laking gulat nila nang bitiwan ng sanggol ang hawak at hinayaan ang kanyang lola na kunin ang kwintas at isuot sa kanyang leeg.
"Ito ay pagmamay-ari mo na ngayon munting anghel. Alagaan mo itong mabuti gaya ng pag-aalaga ng iyong lola Diana dahil aalagaan ka rin nito at puprotektahan laban sa anumang kapahamakan." Bulong nito sa paslit at saka hinalikan ito sa noo.
"H-Hindi ako makapaniwala na makakabasa muli ako ang liham na nagmula sa iyong Tiya Diana sa loob ng maraming taon. Nararamdaman ko siya sa bawat salitang nakasulat dito." Niyakap ni Beatrice ang kanyang ina.
Ang kanyang ina at ang kanyang Tiya Diana ang pinakamalapit sa kanilang magkakapatid. Namatay siya at ang kanyang ina at kanilang buong pamilya ay hindi man lang nagkaroon ng pagkakataong masilayan siyang muli sa pinakahuling pagkakataon dahil sa hirap ng kanilang buhay noon. Mga madre na ang nag-ayos ng libing ng kanyang kapatid at ni minsan ay hindi pa nila ito nadadalaw.
Napaiyak na lamang si Elizabeth nang maalala ang mga panahon na iyon. Mga panahon na labis-labis silang naghirap kasabay ng mga problema. Inakay ni Beatrice ang ina upang maupo. Inalo at nang tumahan ay nag-umpisa siyang magkwento.
Tungkol sa kakaibang kakayahang taglay ng kanyang kapatid. Isang kondisyon na na galing sa kanilang mga ninuno. May kakayahang makakita ng kanyang Tiya Diana ng mga bagay na kasalukuyan pa lamang magaganap. Mga bisyon sa kanyang panaginip.
Noong una raw ay inakala nilang may sakit ito sa pag-iisip dahil kung anu-ano ang sinasabi nito. Pati ang pagpanaw ng mga tao ay nakita niya rin, alam nito ang iksaktong araw, buwan, taon at oras.
Hinala niya ay nakita na nito ang pagsilang ng sanggol sa araw na ito, pati pangalan ng sanggol ay alam rin nito. Ang pinagtataka lamang ni Elizabeth ay kung sino ang nagpadala nito sa kanila at paano nalaman ang eksakto nilang address.