III

1511 Words
"Saan ang anak mo?" Usisa ni Beatrice matapos hindi makita ang anak sa loob ng silid nito. Dalawang taon na si Micaela at lumalaking bibo at masayahin ngunit habang nagtatagal ay nagiging mailap naman ito sa mga tao. Ayaw makipaglaro sa mga ka-edad niyang mga bata at ayaw makakita ng hindi niya kakilala. "Hindi ko alam." Mabilis na sagot ni Elias at nabigla sa tanong nito. Kakarating niya lamang galing trabaho at kasalukuyang nagpapahinga bago maligo. Nataranta sila bigla at ang kaninang pagod na Ginoo ay biglang nabuhay ang dugo matapos malaman sa asawa na wala sa silid nito ang nag-iisa nilang anak. Naghiwalay sila sa paghahanap. Sa likod-bahay pumunta si Beatrice at si Elias naman sa harap ng kanilang bakuran ngunit wala ito. Umiiyak na si Beatrice at nag-aalala. Tinawagan na nila ang mga kakilala upang pagtanungan kung nakita ba nila ang bata ngunit wala ni isa sa kanila ang nakakita at nakapagturo ng kinaroroonan ng bata. Gabi na at madilim ang paligid. Nireport na nila sa pulis ang nawawalang anak at nag-aabang ng balita. Balisa na sila't hindi pa naghahapunan nang may tumawag na hindi nila kilala sa kanilang telepono bandang alas otso ng gabi. Sinabi nitong kasama niya ang kanilang anak, nakita niya raw itong nasa loob ng simbahan at natutulog sa paanan ng isang santo. Isasara na raw sana niya ang mga ilaw sa simbahan nang mapansin ang nakahigang maliit na bata na tanaw lamang kung nasan ang mga switch ng mga ilaw. Nakilala niya raw ito dahil madalas niyang makita ito sa simbahan at kilala ng marami ang mga magulang nito. Dali-daling pinuntahan nila Elias ang simbahan sa kanila lamang bayan. Naroon nga ang kanilang anak, kakagising lamang nito nang dumating sila. Labis-labis ang galak ng dalawa ng makita siya at walang masamang nangyari sa kanya. Gusto man nilang itanong kung paano siya nakarating doon ngunit hindi pa ito nagsasalita. Nagpasalamat sila sa sakristan na tumawag upang ipaalam kung saan ang kanilang anak. Inuwi na nila ito at dinoble ni Beatrice ang pagbabantay sa anak mula noon dahil sa takot na baka mawala nanaman ito. Dahil lagi silang magkasama at hindi na niya ito iniiwan sa kanyang silid mag-isa ay napansin niya ang lakat ng kilos ng anak. Madalas ay tinatakpan nito ang mata lalo na kapag may mga dumadaang tao sa kanilang bahay. Bigla rin itong tumatakbo papasok ng bahay at pupunta sa kanya na parang may humahabol sa kanya. Sinabi niya lahat ng mga ito kay Elias isang gabi bago sila matulog at nagdesisyon na ipatingin sa doktor ang bata upang malaman kung bakit ganoon siya. Araw ng sabado, araw na walang trabaho si Elias. Magkasama nilang dinala ang anak sa pinakamalapit na espesyalista. Naging maayos naman ang pagsusuri sa bata at wala naman daw mali sa kanilang anak. Normal lang daw na may sariling mundo ang mga edad na kagaya niya at mawawala rin kapag tumanda sila. Hindi sang-ayon si Beatrice sa sinabi nito kaya naman pinilit niya sa Elias na maghanap ng ibang doktor upang tignan ang anak nila. Pumunta sila matapos ang isang linggo sa ibang doktor at habang sinusuri niya ang bata ay biglang pumasok sa silid ang isang babae. Humalik siya sa pisngi ng doktor at pinakilala niya kila Elias na asawa niya raw ang babae. "Masama ka." Nabiksan ni Micaela ng walang anu-ano. Nagulat ang mag-asawa dahil hindi pa nakakapagsalita ang kanilang anak at iyon ang unang beses na may binigkas itong salita. Hindi alam ni Beatrice kung matutuwa o magagalit ba sa sinabi ng anak ngunit ang nagpagalit sa kanya ay ang muntikan ng paghablot ng babaeng kakarating ang anak niya na nasa kanyang kandungan. "Walang hiya kang bata ka!" Sigaw ng babae. Nabigla ang doktor sa sinabi ng bata ngunit ang ginawa't sinabi ng kanyang misis pagkatapos mas kinagulat niya sa lahat. Naharang siya ng doktor. Yakap niya ito at pilit nilalayo sa bata. Nanlilisik ang mga mata nito na parang mabagsik na hayop. Iba rin ng lakas nito ngunit pilit nilalabanan ng doktor kahit nakalmot at nasapak na siya nito. Pinapakalma niya ito at habang ginagawa'y nakiusap siya sa mag-asawa na ilabas na ang bata upang hindi masaktan at makarinig ng di magagandang salita. Lumabas na sila't inuwi na lang ang anak. Habang nasa biyahe ay tulala si Beatrice at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Samantala ang doktor at asawa nito ay nagbubuno pa rin sa loob ng klinika. Huminto lamang ang babae nang makadama ng paghilab sa tiyan nito at sunod niyon ay ang pagdaloy ng pulang likido sa pagitan ng kanyang hita. Halos mamura ng doktor ang asawa. Isa siyang doktor at alam niya kung ano iyon at ang hindi niya matanggap ay buntis ang asawa samantalang baog siya't walang kakayahang mabigyan ito ng anak. Itinakbo nila siya sa ospital. Muntik na raw itong makunan. Sa araw na iyon ay ibinunyag ng kanyang asawa na mayroon siyang ibang lalaki at nabuntis siya nito. Nang araw rin iyon ay nakipaghiwalay ang doktor sa kanya. Nakarating sa kanilang bahay sila Elias at nakatanggap ng tawag. Ang doktor na kanilang pinanggalingan. Humingi ito ng paumanhin at sinabing libre niyang susuriin ang kanilang anak sa susunod na pumaroon sila ngunit ayaw na ni Beatrice ipatingin ang anak sa takot. Sinabi ng doktor na tama ang kanilang anak, masamang tao ang kanyang asawa dahil niloloko niya ito patalikod hindi nga lang niya alam kung paano nalaman ng bata. Sa sunod na mga araw ay napansin naman ni Beatrice ang mga sinasabi ng bata na hindi niya maintindihan. Minsan ay parang galit ito, minsan ay masaya na parang may kalaro. Isang araw, sinama niya sa parke ang anak ngunit ayaw nitong makipaglaro sa mga bata. Nasa sulok lang ito't at nagtatago. Nangagamba na sila mag-asawa dahil palala ng palala ang kakaibang kilos at pananalita nito. Minsang may pumuntang kamag-anakan nila sa kanilang tahanan ay nakita niyang nagsasalita mag-isa ang bata at may itinataboy kahit wala naman silang nakikita. Sinabihan silang ipatingin sa doktor sa utak ang bata, bagay na hindi nila ikinatuwa. Kumalat sa lugar nila ang kondisyon nito at may nagpadala ng pari sa kanilang bahay dahil may nasabi na mukhang nasapian ng demonyo ang kanilang anak ngunit pinatunayan ng pari na mali sila ng iniisip dahil walang demonyo bagkus ay presensiya ng isang anghel ang kanyang nadama. Dahil sa mga tsimis at panghuhusga na naririnig nila ay natakot sila para sa kaligtasan ng kanilang anak kaya lumipat sila ng bahay. Ibinenta nila ang kanilang mga ari-arian sa bayang iyon at naghanap ng lugar na magiging ligtas ni Micaela. Nakabili sila ng bahay sa isang bukirin sa maliit ng halaga. Nagkataon kasing aalis na sa lugar na iyon ang may-ari at sinuwerte sila na matagpuan ang lugar. Walang pagbabago sa kanilang anak ngunit nagkaroon ng katahimikan ang kanilang buhay. Matino naman nila itong nakakausap, natuturuan at tumutulong rin ito sa mga gawain, sadyang may mga oras lamang talaga na tahimik ito't parang may kausap. Sa kanyang ika-labintatlong kaarawan ay may dumating na di inaasahang bisita. Nagpakilala ito bilang Alika Kowamoto, isang madreng hapon ngunit marunong magtagalog. Isa raw siyang kaibigan ni Diana, ang Tiyahin ni Beatrice. Duda ang dalawa kung paano niya natunton ang lugar nila dahil ang ina lamang ni Beatrice at malalapit na kamag-anak ang may alam. "Narinig at nakita ni Diana ang lahat." Sagot nito. Mas lalong naguluhan ang dalawa dahil matagal ng patay ang kilala nilang Diana ngunit inisa-isa nito ang mga detalyeng tungkol sa kanila, mula sa kaarawan, mga importanteng araw ng kanilang buhay, ang pagsilang ni Micaela, ang problemang kinaharap nila at ang kondisyon ng bata. Nais niyang isama si Micaela sa pagbalik niya sa Japan, ang dahilan aniya. "Mas ligtas po ang bata sa akin." Gulung-gulo ang mag-asawa at nagdududa sa katauhan ng madre, kaya hindi sila pumayag. Umalis ito at sinabing babalik, hindi sinabi kung kailan. Ilang mga gabi matapos bumisita ang madre sa kanila ay nagising ang mag-asawa sa pagsigaw ni Micaela mula sa silid nito. Tinakbo ni Elias ang silid kasunod ni Beatrice at nakita nila ang nagwawalang anak. Inihahagis lahat ng mahawakan at ang mga gamit sa loob ay nasa ere at lumulutang. Nagimbal ang dalawa at mas nagimbal sa biglaang pagdating ng madre sa loob ng silid. "Lumabas kayo't isara ang pinto." Agad nilang sinunod sa takot kahit nag-aalala sa kanilang anak na nasa loob. Nabasa na niya sa talaan ang pangyayaring iyon, hindi nga lang niya napigilan. May dinampot siyang maliit na bagay sa sahig na kanina niya pa namataan na nagliliwanag. Hinablot niya si Micaela palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. Nagpupumiglas ito at naglalabanan sila ng lakas. Sumigaw ito at sa malakas niyang pagsigaw ay lumabas sa katawan ni Micaela ang maitim na usok hanggang sa mabuo ang pigura ng isang nakakatakot na nilalang. Agad niyang kinuha ang patalim na maliit sa kanyang medyas at ibinato sa pigura. Napasigaw sa sakit ang nakakatakot na pigura at matapos ang nakakabinging sigaw ay nagtalsikan ang maitim na likido sa paligid na maya-maya lang din ay naging abo at lumabas sa bintana ng silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD