Victoria's Point of View Matapos magdilim ang buo kong paligid, mistulang nakulong naman ako sa isang lugar na puro kadiliman lamang ang nasa paligid. Wala ni maliit mang liwanag akong nakita at wala ni anumang ingay na narinig. Napakatahimik. Para akong nakatayo sa isang lugar na hindi ko alam kung kailan darating ang panganib. Hindi muna kumilos, nanatili lamang sa lugar kung saan ako natayo dahil sa takot na kapag humakbang ako'y bigla na lamang akong mahulog. Pakiramdam ko'y nasa isang mataas akong lugar at anumang pagkakamali sa matatapakan ay akin nang katapusan. Naghihintay ako ng aatake sa akin ngunit wala ni sinuman ang lumitaw. Hindi ko alam kung gaano katagal. Nabasag ang katahimikan sa lugar na iyon nang makarinig ako ng boses. Tinatawag nito ang aking ngalan at humihingi n
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books