Nang malaman ng mga kamag-anak nila ang pagdating ng dalaga ay agad silang bumisita. Isa-isa silang nagsidatingan at napuno bigla ng mga tao ang maliit nilang tahanan. Doon napansin ni Victoria kung gaano kalaki ng pinagkaiba ng buhay niya sa Japan at buhay ng kanyang mga magulang sa Pilipinas sa loob ng sampung taon na malayo siya sa kanila. Napakasaya ng lahat. Umaalingawngaw ang mga boses nila sa buong kabahayan. Nagsisigawan, nagtatawanan, naghaharutan at may mga batang naghahabulan. Umingay bigla ang tahimik na buhay niya na sampung taong ginugol niya lamang sa pag-aaral at pagsasanay ng iba't-ibang paraan ng pakikipaglaban. Sa lahata ng mga naroon, ang pinakamasaya ay ang kanyang Lola Elizabeth na yata. Hindi siya makapaniwala na muli siyang magkikita g kanyang nag-iisang apo sa an