Chapter 2

1377 Words
Ayokong marinig ni Kiella ang mga away nila. Ayokong may isipin ang kapatid ko, ang mga kapatid ko. Mga bata pa sila at ako pa lang siguro ang nakakaintindi sa lahat. “Bakit ba? Mag-a-apply ng Scholar ang anak natin? Bawas gastusin---” “Hindi mo ko naiintindihan?! Hindi mo sinabi sa akin kung magkano ang utang mo?! Magkano inabot?” natahimik si mama at mukhang hindi makasagot. Dahan dahan kong hinawakan ang doorknob at bubuksan ko sana ‘to pero sumigaw muli si mama. “Mababayaran natin ‘yon? Ano ka ba---” “Ano? Ibibigay mo bahay natin para mabayaran? Saan titira ang mga bata? Hindi mo iniisip na bata pa si Kiella at Kiel? Si Akella? Nag-aaral pa! Mataas pangarap ng panganay natin--- Ahhh!” Nanlaki ang mga mata ko at agad kong tinulak ang pinto para tignan ‘yon. “P-Papa!” Agad akong lumapit doon. Hawak hawak ni papa ang kanyang kaliwang dibdib. Agad akong bumaba at pumunta sa labas. Pumasok ako sa gate kung saan nagdu-dugtong ang bahay namin nila Kiel. Malakas akong kumatok doon at agad din bumukas. “What happened, Akella?” “S-Si papa…” nanginginig na sabi ko. “Daddy! Daddy!” malakas na sigaw ni Kiel at tuloy tuloy na bumuhos ang luha ko sa takot na baka mapaano si papa. “Ano nangyari?” “Si tito raw po. P-Pumunta tayo kela Akella.” Agad lumabas si tita at tito para pumunta sa amin habang ako ay nanghihina. Napahawak ako kay Kiel pero inalalayan ako nito. Napapikit ako dahil sa nangyayari. “What happened?” “N-Nag-aaway sila tapos…” Hindi ko na masabi ako nangyari dahil wala akong alam. “K-Kiel, ‘yung sasakyan! Bilisan mo!” natatarantang sabi ni tita at agad akong iniwan ni Kiel sa pinto. Agad s’yang pumasok para kuhanin ang susi. Nakita ko si papa na ngayon ay hawak hawak ni tito at mama habang nilalabas ng gate. Tumutulo ang luha ni mama habang papasok sa gate nila Kiel. Pumunta ako sa malaking gate para buksan ‘to. Kahit natatakot ako at nanginginig ay hindi ko ininda dahil mas kailangan ako ni papa. Huminga ako nang malalim at tumingin sa kanila. Lumapit sa akin si Kiel at inalis sa gate. Tuluyan na umalis sila umalis habang tumutulo ang luha ko. “Baby…” “A-Ang papa ko…” nanginginig na sabi ko saka tumingin sa kan’ya. “K-Kiel, k-kinakabahan ako.” “Kaya ni tito ‘yan, okay? Bakit ba sila nag-aaway?” hindi ko masagot ang tanong n’ya dahil tumutulo ang luha ko. Inalalayan na ako nito papasok sa loob. Inupo n’ya muna ako sa d**o bago isarado ang gate. Pagkatapos n’ya isarado ang gate ay agad pumunta sa akin. Inalalayan ako nito patayo dahil nanginginig pa rin ang katawan ko. Para bang pag naglakad pa ako mag-isa ay tuluyan na akong babagsak. “Umuwi muna tayo sa in’yo. Sasamahan kita, okay?” tumango ako dito. Sa kwarto n’ya ako diniretso at hiniga sa kama. “Kukuha lang kita ng tubig.” Tulala ako habang nakatingin sa kisame. Hindi ko alam, bakit ganito? Gaano ba kalaki ang utang ni mama at ganito na lang si papa? Dumating pa sa point na may mangyari dito. Bakit ginagawa ni mama ‘to? May sakit pa si papa kaya paano? Ano na mangyayari kay papa kung ganito? Huminga ako nang malalim at saka umupo sa kama ko. Tuloy tuloy bumubuhos ang luha ko. Niyakap ko ang tuhod ko habang patuloy na tumutulo ang luha ko. Narinig kong bumukas ang pinto at alam kong si Kiel ‘to. “Uminom ka muna,” agad akong tumingin sa kan’ya. Nanginginig ang kamay ko habang tinatanggap ang baso pero hinawakan n’ya ang kamay ko. “Ako na. Baka mabasa ang kama mo,” tumango ako dito. Pinainom n’ya ako ng tubig, halos makalahati ko ‘to at saka hiniga n’ya na ako sa kama. “Do you want me to sleep here?” “K-Kiel.” tawag ko dito at ngumiti ako. “Baka hindi ako sa University mag-aral, ha?” napatitig s’ya sa akin dahil sa sinabi ko. “M-May problema kasi kami pero kung sakaling makapasa ako sa scholar, tapos sasali na lang ako sa mga sports para makaya namin ang tuition fee sa University.” “May problema ba kayo sa pera kaya nag-aaway ang mama at papa mo?” agad akong tumango. Hindi ko sinabi na tungkol sa utang ni mama. Hindi naman sila kasali sa problema namin kaya mas mabuting wag na lang sabihin. Ayoko rin naman magkaroon din sila ng problema dahil may problema kami. Kilala ko si tita. Alam kong gagawin n’ya ang lahat para matulungan kami. Kahit kailan, hindi n’ya kami iniwan. Kilalang kilala ko s’ya at sa kabaitan n’ya. “Tell me. Baka makatulong kami,” malambing na tanong nito sa akin. “J-Just stay here...” mahinang sabi ko. Pinahiga na ako nito. Hinawakan n’ya ang kamay ko habang tahimik lang ako nakapikit. Tumulo pa rin ang luha ko dahil sa pag-aalala kay papa. Naramdaman ko na lang na pinunasan ni Kiel ang luhang tumulo sa pisnge ko at dinilat ko ang mga mata ko. “Hindi ko alam kung makakatulog ako, Kiel. N-Nag-aalala ako masyado kay papa…” totoong sabi ko dito. “I know, baby. I know. Bukas? Aalis tayo. Para makapag-apply ka ng scholar. May kilala si daddy. Mataas ang grades mo, kaya pasok ‘yan sa kakilala namin.” Tumango ako dito. “S-Salamat.” “We made promised, right? Walang iwanan. Sabay natin aabutin ang pangarap natin hindi ba?” tumango ako dito. “You will be most famous singer in our country, Kiel. And I will be your forever fan…” nakangiting sabi ko dito. “You should. Isang nurse ba naman ang magiging number 1 fan ko?” nagtawanan kaming dalawa. “Come! Higa ka!” nakangiting utos ko dito at agad n’yang ginawa. Since we were kids, madalas na kami matulog na dalawa na tabi. Hindi naman kami binabawal dahil minsan nakakatulugan namin ang paggawa ng assignments at iba pang school activities na pinauuwi sa amin. Lagi pa kami magka-group sa mga activity at ayaw kasi ni Kiel na nahihiwalay sa akin at talagang nakikipag-away sa magiging partner ko. Alam naman ng mga teachers namin ‘yon. Kungbaga? Para raw kaming kambal na dalawa na hindi mapaghiwalay. Madalas kasi si tita naghahatid sa aming dalawa noon sa University. Minsan si mama, minsan silang dalawa at nakikita naman nila na super close kami ni Kiel. At ako lang tumatawag sa kanyang Kiel short for Ezekiel. Ako lang hinahayaan n’ya bigyan s’ya ng nickname. Kaya alam na ng mga teachers namin ang kalakaran ni Kiel. Kahit noong senior kami? Nagpalipat s’ya ng section para makasama ako. Kinasabwat pa at ginamit ang connection ng pamilya nila para lang makasama ako. Kaya naman lagi kaming magka-group. May nakakasama kaming ka-group pero hindi naman nila makausap si Kiel. Hindi ko naman matatanggi. Kiel is handsome. Laman s’ya dati ng mga commercial ng hotdog at iba pa. Nakakatawa lang dahil ngayon? Ang laki laki na n’ya. Kasama pa ako minsan para sa commercial n’ya para panoorin s’ya. Hindi ako kagandahan pero hindi rin naman ako pangit. Pero mas pipiliin ako ni Kiel kaysa sa mga naging muse n’ya noong elementary kami. Mas gusto n’ya akong maging muse kaya walang choice ang mga teacher na piliin ako. Dahil hindi maglalakad si Kiel na hindi ako kasama. “What are you thinking?” Humiga ako patagilid sa kan’ya at ngayon ay magkaharap kaming dalawa. “Inaalala ko lang ang mga ala-ala natin noon kung gaano ka ka-clingy sa akin,” napangiti s’ya dahil doon. “I am jealous, baby. Sa mga lalaki na nakakatabi mo.” Tinaasan ako nito ng kilay. “Dadating kaya ang panahon na maghihiwalay tayo?” nagulat s’ya sa tanong ko. “I mean? Hindi ba sa pag-a-artista? Minsan kailangan hindi ka pwedeng dumikit sa lalaki. Nandoon ang bawal mag-girlfriend or what---” “Hindi mangyayari ‘yon. Hindi naman kita girlfriend ‘e.” tumango ako dito. “Except na lang kung papayag ka ngayong gabi?” Nagulat ako sa sinabi n’ya at hindi ako makapaniwala sa sinabi n’ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD