SIMULA

3696 Words
Nakangiti ako habang sinasalubong nang aking mukha ang malamig na simoy ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam, kakaiba. Nakakahinga ka ng maluwag. "Bibilisan ko pa ba?" "Go! Step on the gas, Imomo!" Tumawa kami pareho at binilisan ang pag-drive nito. Imogen Roman, my bestfriend. Magkasundo kami sa lahat nang bagay. Siguro dahil pareho kami nang pinagdadaanan. Dad left us because of his mistress, now he's happily married with his new wife while me and mom, masaya, masayang masaya kami. Wala na ang bigat na nararamdaman ni Mommy at tanggap ang lahat. Ayaw na din magmahal ni Mommy dahil sa nangyayari. I understand her. Nandoon ako sa mga araw na paano s'ya magmakaawa si Mommy na wag n'ya kaming iwan. Pero wala, kahit anong iyak ni Mommy ay parang wala lang sa kan'ya. I was there when dad pushed her and left her. I was there whole time, watching them secretly and crying. Wala akong magawa dahil alam ko naman na ayaw na nito sa amin. Ayaw n'ya sa amin. Dahil may bago s'ya, mas bata mas maganda. Bakit gano'n sila? Pag ba nakakita ng bago required na iwanan? Required na hindi magpakita? Hindi n'ya ko sinuportahan bilang ama. Thanks God, because mom is rich. Walang problema sa pera, walang problema kahit saan. Nakakatawa lang dahil nakukuha ko ang gusto ko pero hindi pa rin ako masaya. Kung hindi ko pa makikilala si Imogen, hindi ako magiging masaya ng ganito. "Thank you." hinagis n'ya sa akin ang susi at saka lumabas ng kan'yang kotse. "Tuloy kayo sa Davao?" nilabas ang ulo ko sa bintana at saka s'ya tumango sa akin. "Aww. Sana all. Mommy is busy pag talaga summer 'e." "Mas gusto ko na lang magbakasyon kaysa mag-race at kasama ka. Nakakainip kaya minsan." tumango s'ya sa akin. "Sayang lang." napabuntong hininga s'ya. "Alis na ako, bye bye." "Ingatan mo ang kotse ko 'no?" lumapit na ako sa driver seat at nagsimulang mag-drive. Binukas ang gate ng katiwala namin ang gate at saka ako nag-drive papasok. Sa pagbaba ko ay tinignan ko paikot ang kotse para tignan kung maayos pa. This is Imogen's Car. I need to take care of it. Halos dalawang buwan pa naman ang bakasyon ng babaeng 'yun. Papasok na sana ako pero napahawak ako sa ulo. Tinagilid ko 'to dahil sa biglaang pagsakit nito. Madalas ko na 'to maramdaman ngayon at hindi ko alam kung bakit. Hinilot ko 'to at muli akong naglakad papasok sa loob. Habang naglalakad ako ay hinihilot ko ang sintido ko. Pumunta agad ako sa kusina at kumuha ng pain reliever. Hindi naman ako stress o ano? Maayos naman lagi ang tulog ko pero bakit ganito? "Kauuwi mo lang?" napatingin ako kay Mommy. Bumaba ang kanyang mga mata sa hawak kong gamot. "Ano masakit sa'yo? Madalas ka ata umiinom n'yan. Wala naman akong pakielam sa grades mo as long as you are happy." "I know, Mom. Pero kasi ang pangit tignan." natawa 'to sa akin nang mahina dahil sa sinabi ko. "Wala naman pangit sa akin kung ikaw." ngumuso ako dito. "I will sleep na. Binusog ako masyado ni Imogen 'e." Lumapit 'to sa akin at agad hinalikan ang pisnge ko. Ininom ko na ang pain reliever nang walang tubig. Basta ko na lang 'to nilunok. Umakyat na ako sa taas. Napairap ako nang makita ko ang Portrait ni Mommy na kasama si Daddy at havang ako naman ang nasa gitna. Hindi mo alam sa kan'ya bakit hindi n'ya pa tinatapon ang bagay na 'to. Hindi naman na kailangan pa dito. Pero mukhang hindi makalimot ang mommy sa kan'ya at ang nakakainis lang ay bakit si Daddy masaya habang si Mommy ay nasasaktan ng sobra? Bakit si Mommy ang nahihirapan? Wala naman ginawa si Mommy kung hindi mahalin s'ya. "Oh bakit ka pa nandito?" i pointed the Portrait. "Sakit sa mata." "Ikaw talaga!" Mabilis ako tumakbo paakyat at dumiretso sa kwarto ko. Agad ko 'tong ni-lock dahil alam kong kukutusan na naman ako ni Mommy. Wala akong ginawa buong summer kung hindi mag-shopping, maglibot o kumain. Dahil nga laging inuuna ni Mommy lagi ay trabaho mag-isa akong umaalis. Bigla ko tuloy namiss si Imogen. Kaso alam kong hindi naman ako papansinin ni Imogen pag kasama n'ya ang daddy n'ya. Lalo na ang kapatid nitong si Aria. Napabuntong hininga ako at binato na lang ang cellphone ko kung saan. We had friends, pero ayoko sa kanila. 'Yung tipong alam mo na hindi sila totoo? Oo, minsan nakiki-join ako. Minsan lang pero kahit kailan hindi ko sila inuna, laging si Imogen. Inikot ko ang mga mata ko sa kwarto. Kahit saan talaga pareho kami. Kahit sa paboritong kulay. My bed is sunflower, hindi s'ya pa square, pabilog talaga at design n'ya mismo ay sunflower. My curtains are yellow, my two seater sofa is yellow, my study table is yellow, my walk in closet is yellow, my make up table yellow. Yes, even my cr is yellow. Sunod na sunod ang gusto ko sa bahay. Lahat ng sabihin ko kay Mommy ay agad n'yang binibigay sa akin. Hindi s'ya nagkulang sa akin, sa pagmamahal at oras. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. "Shania, did your father contact you?" my forehead creased. "I gave your number to him, he wants to see you---" "What? Mommy!" ngumiti 'to sa akin. "Bakit mo binigay at nakipagkita ka? Hindi ka naman nasaktan?" "I am fine now, anak. And give your father chance, okay?" i sighed and comb my hair. "Hindi ako natutuwa, Mommy." tumawa lang 'to nang mahina. "Kay Lolo muna ako." "Okay. Handle the Racer, properly. Para sa'yo mapunta hindi sa mga pinsan mo mayayabang." inirapan ko lang 'to saka tamad na umupo sa kama. Kaya naman mabilis ako nag-impake. Hindi naman kalayuan ang lugar nila Lolo dito. Pero masarap doon dahil sa mga pagkain. Med'yo nakakainis lang dahil sa mga pinsan ko. Hindi namin alam kung bakit gano'n na lang sila kagalit sa amin ni Mommy. Wala naman kaming ginagawa. Maybe my mom is successful in her young age? My mom is still pretty, she looks like a young lady. Pero kahit gano'n? Hindi naghanap ang Mommy na iba. Si Daddy lang talaga. She's interior design also Entrepreneur. Yes, dalawang degree ang kinuha n'ya at talagang pinaghirapan n'ya. She had furnitures here in Philippines. Maraming kumukuha sa kan'ya, tapos interior designer pa s'ya. She also has a shop, Cafe shop kung tawagin. Ginamit ko ang sasakyan ni Imogen pauwi sa bahay nila Lolo. Agad akong pinagbuksan ng mga security doon. May nakita akong iilang kotse and for sure? Lolo has a visitor. Well, wala pa kasi s'yang kinukuhang tagapagmana. Maraming business pero isa lang ang gusto ko makuha. Ang Racer n'ya. Tulad sa mga palabas? Bago mo makuha ang gusto mo ay kailangan magpakitang gilas ka sa kan'ya sa lahat ng bagay. TWO Nakita ko agad ang pinsan kong babae na kasama ang kapatid nitong lalaking panganay. Masamang tingin agad ang pinukol ng mga 'to sa akin pero hindi ako aantras. Pumasok ako sa loob ng bahay at agad nakita ang lolo sa sala at may kausap na mga tao. "Lolo!" napatingin agad 'to sa akin. "Ang maganda kong apo, nandito na!" mabilis akong dumalo sa kan'ya at hinalikan sa pisnge. "I missed you." "Hindi ako natuwa sa grades mo ha? Ang galing mo humawak ng Racer pero ang baba ng grades mo." tumayo na ako at mabilis s'yang tinalikuran. "Shania, hindi ako natutuwa sa grades mo." pahabol nito at huminto ako. "Lolo, hindi clown ang grades ko para patawanin ka." Natawa ang mga kaharap n'yang lalaki kaya naman napatingin s'ya sa mga 'to. May lumapit sa akin isang lalaking katiwala dito at agad akong tinulungan iakyat ang maleta ko sa kwarto ko. Umikot ikot ako sa dilaw kong kwarto. Yellow din ang lahat except sa cr. Syempre, si Lolo ang nagpa-ayos nito. Mahal na mahal n'ya talaga ako. Tinanong n'ya kami isa't isa tungkol sa design ng mga kwarto pero sila umastang hindi kailangan, syempre ako? Humiling ako. Binagsak ko ang katawan ko sa kama. Nakamiss dito. Pero kailangan ko na agad lumabas. Bumaba ako at dumiretso sa Sala. Paalis na ang mga lalaking 'yun kaya naman mabilis akong umupo sa gilid ni Lolo. "What do you need?" Pumunta din ang mga pinsan ko sa gilid. Si Laida, Grasya and Leo. Si Grasya ay kasing edad ko habang si Kuya Leo ay mas matanda sa akin ng dalawa. Mas bata maman si Laida sa akin ng isang taon. "Wala naman akong kailangan. Pero sana payagan mo akong pumunta ng---" "No. Like what i've said? Once you are in my house? Bawal gumala." tinaasan ko 'to ng kilay. He glanced at me. "Your mom told me na puro shopping ang ginagawa mo! hindi ka na nasiyahan pa! Madami kang bagong damit, sapatos, ano pa kailangan mo?" "Lolo, bike lang ako sa village mo. Hindi naman ako aalis 'e." tinignan n'ya ako mabuti. "Mas gusto ko pa na mag-aral ka kaysa ubusin mo ang oras mo sa gan'yan." sumibi ako sa kan'ya. "Look at your cousins, they have a good grades at ikaw?" hinilot nito ang sintido n'yo. "You are comparing me again." malungkot na sabi ko. Alam ko mga nakangisi ang mga pinsan ko dahil doon. Pero hindi ako papatalo sa kanila, mapapayag ko si Lolo. "Okay, i am sorry. Even you have a bad grades? You can handle the Racer Properly." "Mana ako sa'yo." "Hindi mababa grades ko noong college ako." bumusangot ako dito pero agad din 'to ngumiti. "Wag lalabas ng village ha? Understand?" umiling ako. "I didn't hear anything. Thank you, Lolo." "Shania Iana Ferrer!" Tumakbo ako papuntang garahe. Kinuha ko ang yellow na bike at saka sinakyan 'to. Mabilis ako nagpedal papunta sa labas. Pinagbuksan naman ako ng batay sa gate. Masayang masaya akong nagpepedal habang tumitingin sa kabahayanan. Napahinto lang ako ng tumunog ang cellphone ko. Isang unknown number agad ang bumungad sa akin at agad ko 'tong sinagot. "Hello? Who's this?" "Shania, anak..." nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa boses na narinig ko. Agad kong pinatay ang tawag nito at muling nag bike. Mabuti na lang ay hindi sinusumpong ang ulo ko. Pakiramdam ko may migraine ako. Iinom ko na lang siguro ng gamot lagi para mawala. Hindi ko maiwasan maalala ang nangyare years ago. Muntik na kami mapahamak ni Imogen. Ang hirap. Alam kong maganda si Imo pero hindi ko aakalain na maraming obsessed sa kan'ya na dumating sa point na gano'n na. Hinampas pa ako sa ulo no'n, mabuti na lang talaga may dumating na tao para iligtas kami. Ginamot lang namin ang sugat ko sa ulo at hindi sinabi kahit kanino ang nangyari. Magsasampa sana kami ng kaso noon, kaso umantras ang witness namin 'yung lalaking mismo tumulong sa amin. Tinakot pa kami ng lalaking 'yun na papatayin kami once na magsumbong kami sa pulis. Hininto ko ang bike ko sa isang malapit na puno. Muling nag-ring ang cellphone. Unknow number again. Alam kong s'ya 'to. Nilagay ko na lang muli ang cellphone ko sa bulsa ko. Hindi ko gusto s'yang makausap at kahit kailan ay hindi ko gugustuhin. Ilang taon na akong walang communication sa kan'ya. Hindi ko din makakalimutan noong iniwan n'ya kami ni Mommy. Halos lumuhod sa kan'yang harapan para lang na wag kami iwan. Pero iniwan pa rin kami para sa ibang babae. Naglaho na parang bula tapos? Biglang tatawag? Para saan? Masaya na ako na si Mommy na lang ang kasama ko. Hindi na ako naghangad, oo nasaktan ako. Pero hindi ko na hiniling na bumalik s'ya. I was needed a father but now? Hindi na. Mommy can provide all things i want. She can handle me very well. Kaya hindi ko na kailangan pa s'ya. Nag-aaral ako mabuti, my mom can pay my tuition fee in my University. Si Lolo din nand'yan para sa akin at alam kong hindi ako nito kayang pabayaan. Malakas ang hangin sa ilalim ng puno. Nang namatay na ang tawag ay agad akong nag-selfie at sinend kay Imo. "Uwi na." that was my text to her. Nagulat na lang ako dahil agad 'to nag-reply. Nag-send s'ya sa akin ng picture na naka-two piece 'to habang nasa beach. "Kakairita ka." Sinend ko 'yun at muling nag-ring ang cellphone ko. Kaya naman sinagot ko 'to. "Hello, i am not Shania. You called wrong number." may halong inis na sabi ko. "Am i?" napairap ako. "Sorry..." Natawa ako dahil mukang naniwala naman s'ya. Pinagpasyahan ko na lumabas para bumili ng milktea na paborito namin maging iniinom ni Imogen. Pero nagulat ako nang hindi ako palabasin. "Sorry, miss. Pero sabi ng lolo mo, wag ka daw hayaan lumabas." "W-What? No! Bibili lang ako milktea!" "Sorry, sumusunod lang kami sa lolo mo. Boss namin s'ya." bumagsak ang balikat ko dahil doon. Kaya naman umuwi akong nakasimangot. Agad akong pumunta sa sala kung nasaan sila. Nilalambing nila si Lolo para lang masabi na mababait na apo sila. Napairap na lang ako. "Lolo!" naiinis na tawag ko dito. "Bakit? Bibili lang ako ng tea." "Padeliver ka." tinignan ko s'ya ng mabuti. "Isa lang bibilin ko? Ipapa-deliver ko pa?" hindi 'to sumagot sa akin. Nakita ko ang pag-irap ng mga pinsan ko sa akin dahil sa kaartehan ko. Huminga ako ng malalim saka pumunta sa sofa. Tahimik akong nanonood doon at hindi pinansin si Lolo. "Fine! Go, sasabihin ko na pwede na. I will give you half hour! Dapat andito ka na!" mabilis akong tumayo at pumunta sa kan'ya. Hinalikan s'ya ng madiin sa pisnge na kinatawa nito. Kaya naman sumakay ako ng bike ko para lumabas na. Hinayaan na nila akong lumabas ng Village at pumunta lang sa pagtawid kung nasaan ang shop. Pumasok ako sa loob at mabilis ba um-order nang gusto ko. Tinignan ko ang aking watch, wala pang five minutes. Stay muna ako dito dahil mahaba pa ang oras ko. Umupo ako sa isang upuan katabi ng glass wall. Pinanood ko ang mga tao na pumapasok. Pawisin sila mukang galing sila sa isang laro. Well, i need to act like a class woman. Umupo ako nang diretso sa upuan ko. Hindi ko sila pinansin. "Miss. Shania." mabilis akong tumayo. Andon sila sa counter at bumibili. Hindi tea ang kanilang binibili kung hindi mineral water, gatorade, available halos lahat ng inumin dito. Of course, may mga sweets dito. Kinuha ko ang order ko, pansin kong nakatitig sila sa akin. Tinignan ko sila at agad tumalikod. Umupo ako sa dating upuan ko. Ayokong sumakay ng bike dahil andito sila. Kailangan ko ata hintayin matapos ang kalahating oras para sunduin nila ako. THREE. Napatingin ako sa kanila dahil umupo sila sa malapit sa akin. Sinimulan ko na uminom ng tea at muling tumingin sa glass wall. Well, i am wearing a leggings and round pink tee-shirt. Tuloy tuloy ang pag-inom ko habang nakatingin sa labas. "Miss?" napatingin ako sa kanila and i pointed myself. "Yes, you. I bet you are just living near of this shop?" "Yes. Well, sa Village lang. Sa lolo ko." napatango s'ya sa akin. Nakita ko pa ang pagtulak ng iilang kaibigan n'ya sa kan'ya. Well, he's handsome. Pasado naman sa taste ko, kaso lang? Ayokong pumatol sa mga lalaki na malapit dito. Baka malaman pa ni Lolo, ano pa sabihin. Wala naman akong nagiging boyfriend pero marami akong naka-fling. "Well, Village lang din naman ako." ngumiti lang ako dito at muking uminom ng Tea. "Can i get your number?" "For what?" umubo 'to ng mahina. "Well, i want to be your friend." natawa ako ng mahina at saka umayos ng upo. "We can catch up without getting my number. D'yan lang naman ako sa malaking bahay, sa mga Lopez." Tumingin ako watch ko. Konting minuto na lang ay kalahating oras na. Sigurado ako susunduin ako ng kotse dito. "Are you waiting someone?" napatingin ako sa kan'ya. "Must be your boyfriend?" I know that moves. Hindi naman na sa akin uubra ang kan'yang moves. Marami na akong kakilala na puro gan'yan na lang. Wala bang bago? "No. I don't have a boyfriend and i don't do. I am waiting for my driver." Tumingin ulit ako sa watch ko. Lumagpas na sa kalahating oras akong nawawala. "In three two one." Nagtataka sila kung bakit ako nagbibilang pabalik. Tumingin ako sa labas, and i saw my Lolo's driver. Lumabas 'to nang sasakyan at saka pumasok sa loob. Ininom ko ang Tea ko. "Ms. Iana, your Lolo wants you get home in five minutes." mabilis akong tumayo at tumingin sa mga lalaking nasa tabi. "Byeee." malambing na paalam ko sa mga 'to. Mabilis akong lumabas ng shop at agad sumakay ng sasakyan. Nakita ko pang tinupi ang bike ko ng driver ni Lolo at nilagay sa backseat. Habang ako ay patuloy na umiinom ng tea. Mabilis 'tong pumasok at saka nag-drive na pabalik. Nakarating agad kami at agad akong bumaba. Pumasok ako sa loob. Andon pa rin ang mga pinsan ko na nakadikit kay Lolo. Napairap na lang ako sa mga 'to at umupo sa harapan ni Lolo. Lumapit ang driver ni Lolo sa kan'ya. "She's with some boys, sir." napatitig sa akin si Lolo. "I am not. You can check the Cctv if you want. I get there first and order my tea." totoong sabi ko sa kanila. "Check the Cctv, now." malamig na utos ni Lolo dito. "Ang hilig mo bigyan ng sakit ng ulo si Lolo 'no?" naiinis na sabi ni Grasya sa akin. "Hindi ko kasalanan na maganda ako at namana ko ang gandang babae ko kay Lolo." tumikhim si Lolo dahil sa sinabi ko. "Right, Lolo?" "Of course, kamuhkang kamuhka kita." tinignan ko ang mga pinsan ko. "I am sorry, Lolo. You have a very beautiful Granddaughter." Tumayo si Lolo at agad lumipat sa tabi ko. "And i don't want you to get a boyfriend." tumango ako dito na para bang isang mabait na apo. "Well, if i will have? Ikaw ang unang makakaalam. I will make sure na mayaman 'to." natawa sa akin si Lolo. "Nasa right age na ako." "Well, i like that. Kahit hindi mayaman, as long he can takes care of you." tinap nito ang ulo ko. Nag-ring ang cellphone ni Lolo at agad nitong sinagot. Ni-loud speaker pa nito at saka nagsalita. "What is it?" "Sir. Ms. Iana telling the truth. She get first in the shop and drinking a tea silently when those boys are approached her. She didn't tell them her name." agad pinatay ni Lolo ang cellphone. "See? I am not going to lie to you, Lolo. I will be a very honest Granddaughter." "I don't trust you." sinamaan ko s'ya ng tingin pero natawa lang 'to ng malakas. Mabilis lang dumaan ang araw. Madalas ang pagpaparinig ng mga pinsan ko sa akin tungkol kung gaano ako kasipsip sa lolo ko. Well, i don't care about them. Dahil pag nandito ako ay halos hindi na sila pansinin ni Lolo. Well, dahil siguro kamukhang kamukha ko si Lolo. Kung baga ako daw ang babaeng version nito noong binata 'to. Kaya ako ang masasabi na paboritong apo. "I will visit you, Lolo. Saka andon ako sa Lopez Racer, mamaya." nakangiting sabi ko. "Take care, okay? Your grades. Hindi naman gan'yan ang grades mo noong high school ka." ngumiti lang ako dito at bahagyang napahawak sa ulo ko. "Sumasakit na naman ulo mo? Hindi na sabi ko sa'yo na mag pa-check up ka." "Lolo, i am fine. Okay?" hinalikan ko 'to sa pisnge at agad kumaway dito. Magkikita kami ni Imogen mamaya sa Racer mismo. Mabilis akong sumakay sa sasakyan ko. Mabilis akong nag-drive pauwi. Gabi na at kailangan ko na talaga umuwi. Anong oras pa ang start ng Racer. Huminto muna ako sa isang shop para bumili ng cake para kay Mommy. Agad akong pumasok sa loob. Sa pag-antras ko ay agad tumama ang likod ko sa isang bagay. Napaharap ako doon at nanlaki ang mga mata ko. Shit! Parang nakikita ko si Imogen sa lalaking 'to. Napakagwapo! Sobrang gwapo! Hindi ko maiwasan titigan ang kan'yang kagwapuhan! "Miss." agad akong umayos ng tayo. Dalagang Pilipinas, Shania Iana! "Sorry." Pinipigilan kong maihi sa kilig. Napaka bango n'ya pa. Lalaking lalaki ang amoy na hahanap hanapin ko. Tinuro ko ang cake na para may Mommy. For sure magugustuhan n'ya 'to. Binayaran ko na agad 'yun, pinigilan kong mapatingin sa lalaking sobrang gwapo. Nakakahiya naman kung susulyapan ko. "Ivan, bilisan mo! For sure, Imogen is waiting!" nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. "I-Imogen Roman?" napatingin sila sa akin at saka ko lang napagtanto. Hindi ko alam na may kapatid s'ya. "Yes? Do you know her." kinuha ko ang cellphone ko para ipakita sa kan'ya ang picture namin ng bestfriend ko naka lock screen sa akin. "I am her bestfriend, Madame." nahihiyang sabi ko dito. "Well, i am sure nasa bahay na s'ya. Pero may lakad po kaming mamayang 10 pm." nakangiting sabi ko dito. Ivan is his name huh? He's too hot. Bumagay ang kan'yang pangalan sa kan'ya. But Imogen's father is also Ivan. Is he a jr or what? "Saan naman? Matagal ba ang lakad n'yo?" "Well, mga one hour po." Should i tell them about the race? But, i am sure she will get mad if sasabihin ko. "Okay. Siguro kung maghihintay na lang ako sa bahay nila." ngumiti ako dito at saka yumuko. "I have to go na po, Madame. My mom is waiting for me." ngumiti 'to sa akin at tumango. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko ng magtama ang mga mata naming dalawa. Agad akong tumalikod doon at saka pinukpok ang ulo ko. "Dalagang Pilipina, Shania!" naiinis na sabi ko. "Wait!" napahinto ako at tumingin dito. Pinipigilan kong pagmasdan s'ya pero hindi ko talaga mapilagan. "Can i get your number, miss? Para naman alam ko kung nasaan ang kapatid ko. Araw araw ba kayo nag-uusap?" "Yep, of course." kinuha ko ang cellphone n'ya at agad kong nilagay number ko. "Tomorrow at Ten am, we are going to Star University for enrollment." update ko agad. I need to be a good girl. He will be my future husband. I swear. He will be my first boyfriend and last. I will get him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD