Chapter 1

2022 Words
"Mananalo 'yan! Sayang pusta ko kung hindi mananalo!" masayang sigaw ko habang pinanonood ang bestfriend ko sa gitna ng laban. Pero naalala ko ang kanina. Sabihin ko kaya? Hindi wag na. Alam n'ya kaya na nand'yan ang Mommy n'ya? Alam kong masasaktan s'ya once na malaman n'ya 'yun. Napabuntong hininga ako. Ayokong mangialam, siguro wag ko na lang sabihin. Hayaan ko na lang sila mag kita sigurado naman ako na magkikita sila ngayon. Hihintayin daw s'ya ng nga 'to. "Muka kang stressed. Wala ka bang tiwala sa bestfriend mo?" tinignan ko ng masama si Adrian. "Malaki ang tiwala ko sa kan'ya. Saka pwede ba! May iniisip ako!" naiiritang sabi ko. Tumingin ako sa yellow na sports car. Five hundred thousands ang pusta ko na sapilitan p. Nakapangalan sa iba ang pera ko dahil ayokong malaman ni Lolo na nag susugal ako. Baka mapurnada pa ang pamana. "Tabla amp!" nanlaki ang mga mata ko. Pero kita sa board na mas nauna si Imogen! Napapalakpak ako ng malakas dahil doon. Kaya naman tinakbo po ang lugar na 'yun at agad pinuntahan ang kaibigan ko. "You won!" inirapan lang ako nito. Hinagis nito sa akin ang susi. Nag lakad na s'ya pero sinalubong s'ya ng isang lalaking may asul na mga mata. Ang swerte ko naman ngayong gabi dahil ilang gwapo na ang nakikita ko na pasado talaga sa taste ko. Hindi ko maiwasan kiligin pero ang bwisit na babae ay hindi tinanggap ang kamay ng gwapo. "Sis, Kieferson Nievez 'yun!" kinikilig na sabi ko sa kan'ya pero muka s'yang pakielam. I know him, of course! Sa youtube nakita ko s'yang lumalaban sa isang event! Tapos ganito? Nakakatuwa talaga! Ako na naman ang mag uuwi ng sasakyan n'ya. Huminga ako ng malalim at pimasok sa loob ng kotse. Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko kaya naman agad ko 'tong kinuha. "Where is my sister?" Oh! Ivan is texting me. Napangiti ako at tahimik na nag type. "Pauwi na." Sinave ko ang kan'yang number. Nilagay ko ay 'Babe.' napatawa ako ng muina. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nag karoon ng interest ng ganito sa isang lalaki. Gwapo ang lalaki, sobrang gwapo. Tanggap naman na agad ako ng ama at kapatid, nakausap ko na ang Mommy nila. Kaya naman tanggap na siguro ako. Ang kailangan ko lang ay paibigin 'to. "I will play a Romeo and he will be my Juliet." Umuwi na ako sa bahay at nakita kong gising pa si Mommy sa sala at tahimik na kinakain ang cake na dala ko. Lumapit ako dito para bigyan ng isang halik sa pisnge. "I checked your account? Ang dami mong pera ha." "Of course. Ayoko naman hingi ng hingi sa'yo." umupo ako sa tabi nito. "Mommy, ayaw mo ba mag bakasyon kasama ako?" "Bakit hindi ka pumunta sa daddy mo? At sinabi mong hindi ikaw ang natawagan n'ya? Akala mo ba palalampasin ko 'yun?" "Mom, ayoko ngang kausap at makita s'ya. Bakit n'yo ba ako pinipilit?" umiling 'to sa akin. "That's your dad! Nakakalimutan mo na ba ha?" huminga ako ng malalim. "Ayokong kausap ka, Mommy." Mabilis akong tumayo at umakyat sa taas. "Shania Iana!" hindi ko s'ya pinansin. Dumiretso ako sa kwarto ko at agad kong nilock 'to. Agad kong hinubad lahat ng suot ko. Binagsak ang sarili ko sa kama kahit walang saplot. Tumingin ako sa kisame ko na salamin. Kung saan kitang kita ang sarili ko na walang kahit anong saplot. Tumagilid ako at saka pinikit ang nga mata ko. I met him weeks ago but i told him na wag sasabihin kay Mommy na nag kita na kaming dalawa. At bukas, sa dinner alam kong mag kikita ulit kami. Sinabi ko na sasama ako at walang alam si Mommy sa desisyon ko. Kinabukasan ay agad akong gumayak sa pag gising ko. Alam ko na wala si Mommy sa ganitong oras. Anong oras na din dahil hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi dahil sa pag iisip. Sinundo ko si Imogen. Hiyang hiya ako dahil hindi ko alam na nandito ang kanyang kapatid. Napatitig sa akin 'to at agad ako nag iwas ng tingin. Mabilis ang t***k ng puso ko. Pumasok ako back seat ng sasakyan nito dahil sa kan'yang senyas. Huminga ako ng malalim saka tumingin sa labas ng bintana. Tinext ko ang driver namin para kunin ang sasakyan sa bahay nila Imogen. Nararamdaman ko ang pag tingin n'ya sa mirror. Tumingin ako doon at agad nag tama ang tingin namin pareho. I am wearing a shiny spaghetti crop top and high waist short. Isang coat at isang channel bag na parehong suot ni Imogen. Ngumiti ako dito nang muling nag tama ang aming mga mata. Kahit na sa loob ko ay kinikilig na talaga ako sa kanyang kagwapuhan. Nakarating kami sa Star University at agad bumaba si Imogen. Naunang bumaba 'to at tumingin ako kay Ivan. "Do you want to go out with me?" nagulat s'ya sa tanong ko at agad akong ngumiti. Lumabas ako para sundan ang bestfriend ko. Hindi naman siguro narinig ni Imogen ang sinabi ko sa kapatid n'ya? Ngayon lang ako nagkagusto sa isang lalaki kaya naman hindi ko hahayaan na mawala na s'ya. Dapat akin na s'ya at hindi na dapat s'yang mawala sa akin. Nag susulat kami ng Form nang dumating si Devin at agad tumabi kay Imogen. Tumingin ako sa Registrar kung nasaan si Ivan at Kieferson... what?! Kieferson?! Una n'ya akong tinignan bago ang kanyang kapatid. Kumunot ang kan'yang noo dahil nilalandi na ni Devin ang kanyang kapatid. Agad naman pumunta si Ivan sa amin. May sinabi s'ya na hindi ko maintindihan. Dapat mag pakita ako na isa akong mabait na mapapangasawa n'ya. Kailangan ko ilagay ang kanyang kapatid sa ikakabuti. "Devin, umalis ka nga!" Sumulyap sa akin si Ivan at sunod sa kanyang kapatidd. s**t! Ang bilis ng pag t***k ng puso ko. Imo is teared eye when her brother said something to her. Mabilis 'tong umalis at sinundan ni Ivan na agad kong sinundan. Kasabay namin sila nag lunch dahil nag aya sila. Sa isang Filipino Restaurant kung saan nag hihintay ang kanyang Mommy. Hindi ko maiwasan maging malungkot dito. Alam kong nasasaktan s'ya. Alam na alam ko kung ano pakiramdam non. Ilang taon s'ya nag hintay hanggang sa sumuko na s'ya. Malamig lagi ang tugon n'ya sa kan'yang Mommy habang kinakausap s'ya nito. Halos hindi ako makakain dahil doon. Tumingin ako kay Ivan na ngayon ay nakatitig pala sa akin. Kaya agad akong umiwas ng tingin dito. Napapikit ako dahil sa puso ko. Nakakainis! Nag wawala ang puso ko. Huminga ako ng malalim. Mabilis s'yang tumayo at ako din. Yumuko ako sa harapan ng mga 'to bilang pag galang ko saka hinabol si Imo. Napabuntong hininga ako dahil nakaalis na 'to. "Sakay na!" agad akong ngumiti sa kan'ya. "Nakakainis ka! Akala ko iniwan mo na ako 'e!" "Ayoko lang doon." ngumiti ako sa kan'ya. "Alam na alam ko." mahinang sabi ko at sinandal n'ya ang ulo n'ya sa balikat ko. Inaasar ko pa s'ya pero puro tawa lang kaming dalawa. Nakauwi ako sa bahay at saka nag text ako kay Imogen. Humiga ako sa kama at huminga ng malalim. I realized that Mom and Imogen are my home, not this house. Sobrang lungkot dito. Sobrang nakakabagot. Nagulat ako sa pag vibrate ng cellphone ko. Tamad ko 'tong tinignan pero agad akong nauapo ng makita ko na galing kay Babe ang text. Hehehe babe, Ivan babe. Mukang bagay. Speed na speed. Wala naman siguro s'yang girlfriend 'no? Kaya lang ang cold n'ya pero ang warm ng titig n'ya. Kinikilig ako sa kan'yang titig. Ang gwapo n'ya sobra. Payag naman si Imogen dahil pinag usapan namin kanina bago kami umuwi. Irap nga lang sinagot n'ya. "Are you home?" Mabilis akong nag type dito. "Yes, Imogen, too." "I know. " kumunot ang noo ko. "Okay." tipid na reply ko. Hindi ko alam ano pa ire reply ko. Ano? Lalandiin ko na ba o wag muna? Nakakainis! "Do you want to go out with me?" nanlaki ang mga mata ko sa text n'ya. Pero may kasunod. "You asked me earlier and my answered is yes." natawa ako ng mahina dito. "When?" "Are you free later?" Mukang mapapadali akong makuha 'to. "Maybe tomorrow? Kung hindi ako tatawagan ni Imogen, i am not busy but if she calls me? Sorry :((" Natawa ako sa emoji ko. "You are really close with my sister." umupo ako ng maayos sa kama. "Since High school." sagot ko. Napatitig ako sa cellphone ko. Bakit ba ang bilis n'ya mag reply? Hindi ko din tuloy maiwasan bilisan ang reply ko. Nakakainis ha? "Okay, tomorrow." "K." Hindi na s'ya nag reply pag katapos non at napairap ako. Hinintay ko na mag six para makagayak na dahil Seven Pm ang dinner. Kaya naman noong nag six na ay mabilis akong gumayak. Naligo lang at saka nag simula na mag ayos. Kinuha ko ang isang dress ko na binili sa akin ni Mommy. Isang light pink dress na hanggang ibabaw ng tuhod. Isang pumps na silver. Inayos ko ang buhok ko saka huminga ng malalim Wala pa si Mommy. Tumunog ang cellphone ko. I saw babe's name. "Sorry, got so busy in the company." Wait, what? Company? Ilang taon na ba sila? Estudyante pa lang sila dahil nag enroll sila kanina. "You are still student. Why are you handling your company." mabilis na reply ko dito. "I am not student. We are in just your school for extra, i mean not really student. Just for my sister." napabuntong hininga ako at saka binaba ang cellphone ko. I want to see Imogen before i go there. But how? Tinignan ko ang picture ni Imogen sa cellphone ko at ngumiti. Sabay non ang pag labas ng pangalan ni Daddy. Mabilis ko 'tong sinagot. "What?" "Anak, andito na kami. Anong oras ka dadating?" hindi ako sumagot dito. "We are waiting you. I am with your----" "K." Mabilis ko pinatay ang tawag at hindi na hinintay pa ang susunod na sasabihin n'ya. Napapikit ako. Lumabas na ako ng kwarto ko at saka bumaba ng hagdan. Agad akong sumakay sa sasakyan ni Imo at agad ang drive paalis. Hanggang sa makarating sa Resto ay hindi ko magawang ngumiti. Inikot ko ang mga mata ko, and i saw Daddy with a young woman. Mas mukha pa s'yang matanda kay Mommy. Kaya hindi siguro naka move on? Dahil siguro ang pangit ng pinalita n'ya kay mommy. "Anak..." akmang hahawakan ako nito ay agad akong umantras. Umupo ako sa tabi ng anak n'ya na ngayon ay nakangiti sa akin. "I heard paborito mo daw ang steak? Inorder kita ng dalawa." nakangiting sabit nito sa akin. "Iana, this is your Tita Agnes, and your sister and brother, Angelo and Angel." hindi ako sumagot dito. Dumating ang order namin at agad inayos ng asawa ni Daddy ang pag kain. She even cut the steak for me. Sagad ang ngiti nito. "Is that Shania?" napatingin ako sa nag salita. Nagulat ako ng makita ko si Ivan kasama si Kiefer at ang Mommy n'ya. Dahan dahan akong yumuko dito para pag bati. Lumapit sa akin si Tita Ara habang sagad ang ngiti. Tumingin ako kay Daddy na mukhang nag tataka. "You are here." ngumiti ako dito. Hindi ko alam ano sasabihin ko. "Well, this is your family?" Family? Gusto ko matawa sa sinabi n'ya. "H-Hindi po." pag tanggi ko kaya napatingin 'to sa daddy ko. "Sorry, i just happy to see my daughter's bestfriend." tumikhim si Daddy. "I am Fernan Ferrer, her dad." tumayo si Daddy para makipag kamay. Iniwas ko mapatingin kay Ivan. Kinagat ko ang ilalim ng kabi ko. "Well, I am Ara. This is my Son, Ivan Roman and his best friend." ngumiti si Daddy dito. "My wife, Agnes and my children." hindi ko magawang sumabat sa usapan. Hinawakan ni Tita ang aking mukha at saka hinaplos 'to. "You are so beautiful." my cheeks heated up. "I am look like my mom, po." sagot ko dito. "I hope I can meet your mom. Do you want to spend your Christmas with us?" nagulat ako sa tanong n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD