Nagising ako na nasa Hospital na naman ako. Sobrang bigat ng pakiramdam ko na para bang lalagnatin ako. Wala akong naririnig at sa tingin ko ay wala sila Mommy dito. Masakit ang ulo ko pero na kasing sakit kanina. Ramdam ko ang malamig na pawis sa katawan ko. Hindi muna ako bumangon at hinayaan ang sarili ko na mag pahinga. I don't think I can attend a class for tomorrow. Midterm week ngayon pero wala akong makukuhang exam kahit isa. Imogen... Malungkot akong napangiti. Wala na akong choice kung hindi umalis. Kung gusto kong humaba ang buhay ko ay kailangan ko umalis. Iiwan ko muna si Imogen pansamantala pero babalik ako para sa kan'ya. Pipilitin kong bumalik dito hindi para sa ibang tao. Kung hindi para sa kan'ya lang. Narinig ko ang pag bukas ng pinto. Nakita ko si Mommy na mukhan