Chapter 6

1968 Words
I didn’t know that Logan and me became best of friends, kung may gala ang barkada ay lagi kami sasama at magkasama. Of course, ang trabaho ko? Hindi ko nakakalimutan. Dahil gabi-gabi ako may trabaho ay gabi-gabi din si Logan sa paghatid sundo sa akin sa trabaho, minsan naman nag- I- stay s’ya mismo sa lugar na ‘yon para lang bantayan ako. Marami s’yang nakakasama sa gabing ‘yon at para bang ang dami n’yang kaibigan. Nahihiya ako dahil kasi? May pasok pa s’ya ng 7 Am tapos sinusundo n’ya pa ako ng madaling araw. Minsan sinabi ko na wag na n’ya ako sunduin dahil may taxi naman kahit papaano pero ayaw n’ya. Sa buong buwan gano’n ang nangyayari. Hindi pa rin naman lumulubay sila Britany, Loreinne at Gail. Well, hindi naman na sila umaabot na sinasaktan ako pero puro parinig sila. Hindi ko na lang pinansin at si Andrea? Hindi ko na nakikitang kasama nila. Mukhang umiiwas na lang din si Andrea sa kanila at mas mabuti nga dahil hindi bagay na kasama nila si Andrea dahil sa bait nito. Sabay-sabay na din kami kumakain, kung dati ay puro iwas. Si Mama at Logan naman ay laging nagke- kwentuhan at natutuwa ako dahil magkasundo sila. Si Tito Leo naman natutuwa kay Logan dahil malaki daw pinag bago nito. “Wala kang trabaho ngayon? Weekends,” tumango ako kay Mama saka ngumiti. Umagang umaga ay nagising ako ay inaantok pa rin ako. Pero kailangan kong gawin ang routine ko. Logan is still sleeping in his room, dapat nga kagabi doon s’ya sa kwarto ko matutulog pero tinulak ko lang ‘to. Isang beses lang naman kami nagtabi at hindi na naulit. Nakatulog kasi ako sa pinanonood namin at nagising ako ay nakahiga na ako sa dibdib n’ya at nakakahiya. Mabuti na lang hindi pumasok sila mama sa kwarto namin dahil baka makita pa nila. “Jogging?” Isang leggings at fitted sando ang suot ko. Isang puting rubber shoes at nakatali na ang buhok ko. Kumuha ako ng sandwich saka kinain ‘to. “Opo, ma,” sagot ko agad dito, “pag nagising si Logan at hinanap ako? Sabihin mo nag-jogging ako. Hindi ko na po ginising dahil lasing na lasing kagabi noong umuwi kami. Buti nakauwi kami maayos,” sagot ko dito saka tumango ‘to. Nagpainom kasi si Logan sa mga ka-trabaho n’ya kagabi tapos ayun nakisali s’ya. Nandoon pa nga si Tito Leo pero agad din umuwi dahil pinapauwi ni mama. “Anak, nagkakasundo na talaga kayo ni Logan. Wala ka naman nararamdaman?” Well, mayro’n. Pagbilis ng t***k ng puso ko habang magkadikit kami. Iba ang dating n’ya sa akin pero binabaliwala ko dahil hindi naman kailangan. Step-brother ko s’ya at hanggang doon na lang dapat, kahit hindi kasal si Mama at Tito Leo ay gusto kong rumespeto sa kanila. “Wala, Ma,” sagot ko dito saka ngumiti, “magkapatid turingan namin ni Logan---” “Paano kung hindi gano’n ang gusto ni Logan?” kumunot ang noo ko dahil sa pag putol n’ya sa akin. Ano ibig n’yang sabihin? Wala naman talagang nararamdaman sa akin si Logan kahit ano dahil alam kong mabait s’ya at gusto n’ya lang kami mag kasundo. Hindi rin babaero si Logan dahil noon pa man ay wala akong nakikitang babaeng kasama ‘yan, may mga babae na nag papansin pero wala naman s’yang pakielam doon. “Ma, pwede ba? Magkapatid kami,” sagot ko dito at tumango na lang si Mama sa akin, “aalis na ako? Sabihin mo sa park lang ako sa malapit,” tumango muli sa akin ‘to. Kinain ko ang sandwich ko, isang tumbler ang dala ko habang nag lalakad palabas at kinakain ang sandwich ko. Gusto ko lang magkalaman ang tiyan ko kahit papaano dahil ayokong ginugutom ako. Nagsimula na ako mag jog, tahimik lang ang pagtakbo ko hanggang sa makalabas ako ng village. Diretso ang takbo ko, may nakikita akong tulad ko na tumatakbo din. Nakarating ako sa park, karamihan dito ay bisiklet at mayro’n din naman mga sasakyan. Humikab ako at saka pumunta doon sa isang upuan. Simulan ko I- warm up ang katawan ko. Nakatingin lang ako sa paligid, marami ding bata na tumatakbo habang kasama ang pamilya n’ya na kinangiti ko. Uminom ako ng tubig at saka nagsimula na tumakbo sa Oval ng park. Tahimik lang ang pagtakbo ko ar may nakakasabay akong lalaki. Binabagalan ko ang takbo ko para mas mauna sila sa akin pero parang sinasadya nila na sumabay. Naglakad ako at nauna na silang tuluyan. Muli akong tumakbo, may iilang babae ako nakikita. Natapos ko ang isang ikot ay nakita ko si Logan na nakaupo sa isang upuan, may mga malapit na babae sa kan’ya pero umiikot ang mga mata nito parang may hinahanap. “Logan!” kinaway ko ang kamay ko at agad nag liwanag ang mga mata nito ng mapatingin sa akin. Agad s’yang tumakbo papunta sa akin. He’s wearing a white jersey shorts and fitted tee shirt. May dala din s’yang tumbler tulad ko, napailing ako dahil alam kong may hang over s’ya at halatang kulang din sa tulog pero eto s’ya? Gusto din mag-jogging. “Dapat nagpahinga ka na lang sa kwarto mo. Alam kong may hang-over ka,” agad kong hinawakan ang noo nito para icheck ang temperature n’ya. “Mas gusto kong tumakbo saka nakainom naman na ako ng gamot,” tumango na lang ako dito, “good morning!” “Morning, Logan,” nakangiting bati ko saka tumingin sa paligid, “nakakaisang ikot na ako? Tara pa?” Tumingin ako sa kan’ya at doon ko lang napansin na nakatitig s’ya sa akin, kumunot ang noo ko saka tinitigan s’yang pabalik. “Tara na?” Humikab ako at ngumisi s’ya, “matulog na lang tayo!” Agad kong sinimulan ang pagtakbo at sumabay naman s’ya sa akin, “final na? Ayaw mo matulog?” he asked me. “Ayoko, hindi ako pwedeng hindi tumakbo dahil lumalaki hita ko saka binti ko!” natatawang sabi ko. “Isang ikot lang kain na tayo sa labas tapos matulog na,” tumango ako dito at napa ‘yes’ naman s’ya. Binilisan n’ya ang takbo n’ya kaya naman naiwan ako, kahit naman bilisan ko ay hindi ko talaga s’ya maabutan dahil sa laki ng hakbang n’ya. Huminto ako para uminom ng tubig at maya-maya ay may bumangga sa akin kaya nalunod ako sa iniinom ko. “Miss, sorry!” Naubo ako ng ilang beses at pakiramdam ko lumabas sa ilong ko ang ininom ko. Ubo ako nang ubo habang sinasarado ang tumbler ko. Tatlong lalaki sila na mukhang nag tutulakan. Pinunasan ko ang mukha ko at saka muling umubo dahil sa dami ng tubig. “Miss, sorry talaga!” agad na sabi nito sa akin. Pilit akong humihinga nang malalim pero ang daming tubig. Akmang hahawakan ako nito pero may brasong pumigil dito, “don’t touch her.” Tumingin ako kay Logan na ngayon ay madilim ang tingin. Agad nitong binitawan ang kamay ng lalaki saka tinignan ako. Kinuha nito ang hawak ko at saka tinignan ako. Agad nito hinagod ang likod ko. Nang pakiramdam ko ay maayos na ako ay ngumiti ako dito. Tinignan nito ang mukha ko at pinunasan ang tubig sa pisnge at parteng ilong ko. “You okay, baby?” “Yeah, okay na ako,” sagot ko habang mabilis ang t***k ng puso ko dahil sa tinawag n’ya sa akin. Tumingin ako sa tatlong lalaki na nakabangga sa akin, “next time more careful, okay?” they nodded saka tumingin ako kay Logan. “Kumain na tayo?” tumango ako dito at agad nito hinawakan ang kamay ko at saka hinila ako paalis doon. Ngumiti lang ako habang nakatingin dito. Tumatama na ang araw sa amin at hindi ko maiwasan mapatitig sa kan’ya dahil sa tumutulong pawis sa kan’ya. Huminga ako nang malalim saka umiwas ng tingin dahil alam kong gusto ko s’ya pero hanggang dito na lang ang lahat sa amin. “What do you want to eat?” “Pwede naman sa MCdo na lang tayo kumain,” sagot ko sa kanya pero umiling s’ya. Nakalabas kami at doon nakita ko ang kanyang isa pang sasakyan. Isang gray 2020 BMW, tumingin ako kay Logan na hindi binitawan ang kamay ko. Agad s’yang pumunta doon para pag buksan ako ng pinto at saka pumasok ako sa loob. Gray lahat ng sasakyan n’ya at iba’t ibang model. “Oo nga pala? Nabanggit sa akin ni Tito Leo na may condo ka? Bakit hindi ka doon tumuloy?” hindi ko maiwasan itanong hababg kinakabit n’ya ang seat belt n’ya. “Ayoko doon,” sagot n’ya sa akin. “Mas malapit sa trabaho mo ‘yon ha?” “Mas okay sa bahay. May kasama, pag kasi nandoon ako wala akong kasama. Nawawalan ako nang gana,” napatango na lang ako. Sinimulan na n’ya paandarin ang kanyang sasakyan. Tahimik lang ako sa byahe habang nakatingin sa bintana. Sa isang Resto kami pumunta na hindi kalayuan sa village namin. “Paano ‘yung Unit mo? Ibebenta mo ba?” sumulyap s’ya sa akin dahil doon. Nauna s’yang bumaba at tinanggal ko ang seatbelt ko. Umikot s’ya pakabila at pinag buksan ako ng pinto. Agad akong lumabas, hinawakan nito ang baywang ko at dumiretso na kami papasok sa loob ng Resto. “Gusto mo doon tayo tumira para may kasama ako?” agad akong umiling dito at narinig ko mahinang tawa n’ya. Pumunta kami sa bandang dulo at naupo, inabutan agad kami ng Menu ng waitress at saka sinabi ko ang order ko. “I want Lasagna with Garlic bread and milk, one fresh orange juice also and water.” Tumingin ako kay Logan na nakatingin sa akin, “ikaw? What is your order?” “Lasagna, too, and one black coffee,” sagot n’ya habang nakatingin sa akin. “Please, add more garlic bread,” nakangiting sabi ko dito. Binigay ko na ang menu at saka tumingin dito. “Ibenta mo na lang unit mo, sayang. Wala naman titira,” agad ‘tong umiling sa akin kaya naman tinaasan ko s’ya ng kilay. “That was from my grandfather, hindi ko pwede ibenta,” napatango ako sa kan’ya, “kung gusto mo tirhan na lang na ‘tin. Malapit ‘yon sa University mo ha? Saka sa Ace Club? Walking distance lang ang Ace Club kaya hindi na kita pwede sunduin no’n,” agad akong umiling dito. “Ayokong iwan si mama, Logan. Gusto ko kasama lagi si mama---” “Uuwi naman tayo dito ng weekends! Saka pwede naman mag overnight ang mga kaibigan na ‘tin doon!” nag kibit balikat lang ako. Dumating ang order namin at tahimik na ako nagsimulang kumain. Inuuna ko ang garlic bread at sinunod ko ang lasagna. Ininom ko muna ang gatas ko, tahimik lang ako kumakain. “Kakausapin ko si tita,” napahinto ako sa pagkain, “sayang kasi kung hindi naman titirhan. Saka for sure papayag naman si tita, uuwi naman tayo ng weekends!" Napailing ako dito dahil mukhang pinipilit ako. Naubos ko ang pagkain ko. Kumuha ako ng tissue saka pinunasan ang bibig ko. Ininom ko ang fresh juice ko habang nakatingin ako sa labas. “Taas mo sando mo, nakikita ko cleavage mo,” agad ako napaayos ng upo dahil sa sinabi ni Logan. “Logan!” natawa s’ya nang mahina kaya naman tinaas ko ang harapan ng sando ko at umirap s’ya. “Cute nga ‘e, pwet ng baby.” Inirapan ko lang ‘to pero natatawa lang s’ya sa akin. Humikab ako at saka inubos na ang juice ko. Gusto ko sana uminom ng tubig pero yung tiyan ko parang sasabog sa sobrang busog kaya wag na lang. Marami naman ako nainom kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD