Chapter 5

748 Words
Pumunta ako sa kanyang sasakyan. Tumunog ‘to kaya naman binuksan ko na ang pinto sa gilid ko. Agad akong pumasok at umikot naman s’ya pakabila. Biglang nag-ring ang cellphone ko kaya naman sinagot ko ‘to. “Nasaan ka na? Seven na oh? Ikaw na lang ang kulang!” “Oo, paalis na ako ng bahay, Andrea,” natatawang sabi ko. “Ano?! Paalis ka pa lang?!” napailing ako. “Mabilis lang ‘to, okay? Nakasakay naman na ako,” sagot ko dito. Agad umandar ang sasakyan ni Logan at mabilis na nag-drive palabas ng gate. Pinatay ko na ang tawag at sinabi ko kay Logan kung saan kami pupunta. Sa malapit lang sa Ace Club ‘yon, agad din kami nakarating doon at nag park s’ya. Bumaba na ako at sumunod na s’ya. Agad kong inayos ang suot ko at pumunta na sa entrance, alam kong nakasunod sa akin si Logan. Kumaway si Andrea sa akin kaya naman agad akong lumapit doon. Pang-waluhan ang table na ‘yon kaya naman may space pa para kay Logan. “Ang ganda mo ngayon!” Hinalikan ni Aileen ang pisnge ko sunod ay si Andrea. “Crush ko!” umirap ako kay Greg dahil doon. Lumapit sa akin si Brix saka hinalikan ang pisnge ko kahit may suot na mask, natatawa ako sa itsura n’ya. “Walang taping?” “Tumakas ako!” proud na sabi pa n’ya kaya naman sinuntok ko s’ya. Dumating na si Logan at ngumiti ako sa kanila. “L-Logan…” “Brix.” malamig na tawag ni Logan dito dahil nakakapit sa akin si Brix. Umupo na ako sa tabi ni Samuel at agad n’ya ako tinanong. Bakit parang iba? Umiiwas sila sa akin ng tingin. Hindi ko maintindihan. “Ginulo ka na naman daw ng mga kaibigan ni Andrea?” “Ayos lang, nandoon naman si Logan kaya hindi ako gaanong nasaktan,” sagot ko sa kan’ya kaya naman napatango s’ya sa akin. Umupo si Logan sa tabi ko at tumingin sila sa aming dalawa. “A-Anong mayro’n?” tanong ni Greg. “Magkaibigan kami, bakit?” agad na tanong ko sa kanila at tumikhim si Samuel. “Kilala ko ang mga kaibigan ni Logan, Hera. Kaya ano? Nanliligaw ba?” agad akong umiling sa kanila at natawa naman si Logan. “Okay lang ba ligawan ko si Hera?” agad na tanong ni Logan kaya napatingin ako sa kan’ya at bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa ngiti n’ya. “Hindi!” tumayo pa si Greg at mukhang naiinis, “bawal! Ako nga crush ko s’ya pero hindi ko naman nililigawan! Bawal pa sya dahil hindi pa tapos sa pag-aaral,” napapikit ako dahil sa lakas ng boses nito. “Greg, umayos ka nga. Ang ingay mo!” Para talagang bata kahit kailan. Inabot sa akin ni Lincoln ang menu habang nakanguso at nagpipigil ng tawa dahil sa ginawa ni Greg. Agad kong binuksan ‘to at tumawag ako ng waiter, sinabi ko ang order ko. Sumunod na din sila at saka tumingin muli ako sa kanila. “Hindi s’ya nanliligaw o ano,” totoong sabi ko, “magkaibigan talaga kami.” Napatitig lang sila sa akin. “Kuya Logan, umamin ka nga? Kaya ba tuwing gagala tayo noon tapos aayain ko si Hera ayaw mo na sumama? Anong mayro’n?” kumunot ang noo ko dahil doon. “Okay, fine. Aamin na ako,” kumunot ang noo kong tumingin sa kan’ya, “Crush ko si Hera, noon pa!” nanlaki ang mga mata ko. Alam ko naman na biro lang ‘yon pero naiinis ako. Bakit parang umaasa ako? No, hindi ako aasa. Duuh! “Sabi na ‘e---” “BAWAL!” Tumayo na naman si Greg at ang lakas talaga ng boses n’ya. Natawa na si Samuel at Lincoln si Brix naman ay nakasimangot habang nakatingin kay Logan. Tawa din nang tawa si Aileen at Andrea, alam ko naman bold si Greg sa mga sinasabi n’ya pero hindi ko naman sineseryoso dahil wala lang sa akin ‘yon. “Manahimik na nga kayo! Step brother ko si Logan, happy na?” lahat sila ay nanlaki ang mga mata at wala na akong choice kung hindi sabihin ‘yon, “nag-iiwasan kami ni Logan noon pa kaya hindi sumasama si Logan pag kasama ako,” dahan dahan ‘tong tumango. “Kuya Logan,” tawag ni Greg dito with matching ngisi pa at napapikit ako. “f**k you!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD