Nakita ko may message si Lincoln doon at kain daw kami sa labas kasama ang lahat. Ngumuso ako dahil hindi ko alam kung pwede ako, gusto ko sana matulog pero nangako ako kagabi sa kanila.
Nakita ko ang message ni Andrea at Aileen sa akin.
“Sumama ka! Sinabi mo ha?!”
“Sama ka, girl, please?”
Nireplyan ko silang ‘Oo’, wala na akong nagawa. Siguradong aantukin ako mamaya sa Ace Club pero hayaan ko na lang. Bahala na paginantok, pupuslit na lang ako kahit sampong minuto lang sa pagtulog.
“Logan?”
Tinawag ang pangalan ni Logan at tumayo ako. Agad akong pumunta doon kasabay si Logan, kinuha n’ya ang isang plastic kung nasaan ang Milktea. Hawak-hawak n’ya lang ‘yon habang papalabas kami, agad ako pumasok sa loob.
“Here…” binigay n’ya sa akin ang isa.
Tinanggap ko ‘yon at mabilis na tinusok ang straw doon. Agad ako uminom at ninguya ang pearl sa bibig ko. Napapikit ako habang ginagawa ko ‘yon dahil miss na miss ko na ‘yon.
“May trabaho ka ulit mamaya sa Ace Club?” agad akong tumango dito, “ihahatid na kita---”
“Hindi na. May dinner kami nila Lincoln mamaya,” sagot ko dito at kumunot ang kanyang noo, “nakakapagtaka ka talaga. Iniisip ko bakit kinakausap mo ko? Hinahatid mo ko saka sinusundo kahit noon naman hindi talaga tayo nag-uusap…”
“Ewan ko din,” anong klaseng sagot ‘yon? Parang tanga.
Hindi na ako nagtanong, nakauwi kami sa bahay ay agad akong bumaba. Dala dala ko ang bag ko papasok sa loob at nakita ko agad si Mama sa sala. Agad kong inayos ang braso ko para hindi n’ya makita ang pamumula nito.
Lumapit ako dito para halikan sa pisnge, “magbibihis lang ako, Mama,” paalam ko dito.
“May trabaho ka ba mamaya?” agad akong tumango dito, “wag ka na pumasok, okay--”
“Ma! May lakad din ako mamaya. Kakain kami sa labas ng mga kaibigan ko at tutuloy na ako sa trabaho!” agad na sagot ko dito at inirapan ako.
Pumasok na si Logan kaya naman umakyat na ako sa taas. Agad akong dumiretso sa kwarto ko at binaba ang milktea sa side table ko. Binaba ko naman sa kama ang bag ko at umupo na din. Hinubad ko ang heels na suot ko at hinilot ang paa ko.
Sunod ay binaba ko ang ripped jeans ko, ngayon ay naka cycling na ako. Umupo muli ako sa kama at saka hinilot ang paa ko dahil sa masakit.
Bumukas ang pinto at napaayos ako ng upo, “what the hell! Kumatok ka kaya muna ‘no!?” naiinis na sabi ko kaya naman ngumuso s’ya.
Agad s’yang umupo sa kama ko. Hindi ko talaga alam ano tumatakbo sa isip n’ya bakit ganito s’ya. Ang bilis ng t***k ng puso ko, humiga s’ya sa kama kaya naman kumunot ang noo ko.
“Bakit ka nandito? Kwarto ko ‘to---”
“Iniisip mo ba sana hindi na lang naging mag-asawa ang Mama mo at ang daddy ko?” nagulat ako sa tanong n’ya sa akin, “I mean?---”
“Hindi mo pa rin gusto ang mama ko para sa daddy mo?” hindi ko maiwasan itanong sa kanya kaya naman tumingin s’ya sa akin.
“Hindi ko maintindihan. I like her but not for my daddy, alam mo ‘yun gano’ng feeling?” napalunok ako, “I never say something against to your mom, it always my dad. But when I heard they are getting married? It hurts big time and because your mom? Hindi natuloy. She respects me so much that’s why I like her,” ngumiti ako dahil doon.
“Ako kasi? Hindi ako sumusuway kay mama, kung ano gusto n’ya? Ayos lang sa akin,” nakangiting sabi ko sa kan’ya, “hindi ko pwedeng suwayin. I saw how much she was devastated when papa left. I saw how she cried every night and almost forget herself, but when she met your father? Hindi na ako nagsalita. I just want her to be happy, again…” huminga ako nang malalim.
“Ayaw mo ba maging masaya daddy mo?”
“Gusto, syempre.”
Napatango ako sa kan’ya, “ano ‘yung mga bagay na hindi mo mapaliwanag?” natatawang tanong ko sa kanya at napatitig s’ya sa akin.
“Wala, sa mama mo na lang ‘yon. Tutal na sabi ko naman na sa kan’ya,” kumunot ang noo ko at ngumisi s’ya.
“What do you mean, huh?”
“Nothing!”
Sinamaan ko s’ya nang tingin at hindi ko aakalain na doon magsisimula ang pagkakaibigan naming dalawa ni Logan.
“Kailangan na natin maging close, para sa dalawa,” tumango agad ako sa kan’ya, “kaya isama mo ako sa dinner mo---”
“No!” agad na tanggi ko, “lumabas ka na!”
“Isama mo ako!”
“Ayoko! Kami lang magkakaibigan ang dapat saka ayoko malaman nila na magkakilala tayo---”
“Bahala ka susundan kita!”
Agad s’yang bumangon at umalis sa kama. Lumabas s’ya at napailing na lang ako habang nakangiti.
Well, tama din s’ya. Kailangan namin maging close at hindi dapat ganito habang buhay. In- alarm ko ang cellphone ko para sa oras na gagayak ako. Agad kong binagsak ang katawan ko sa kama at agad akong natulog.
Nagising na lang ako dahil sa malakas na tunog ng cellphone ko. Binuksan ko ‘to saka chinarge. Humikab akong pumapasok sa closet ko at naghanap na pwedeng suotin. May nakikita akong bagong damit na mukhang mamahalin, kinuha ko ‘yon.
Isang fitted yello dress na hanggang ibabaw ng tuhod, manipis ang strap nito, sobrang fitted nito sa akin. Kaya naman eto sinuot ko dahil alam ko naman sa mamahalin nila ako dadalin.
Pag sila kasama ko ay lalaki ang gagastos. Kaya ayos lang sa akin. Agad akong pumasok sa loob ng Cr, alas sais pa lang naman at bibilisan ko na lang ang gayak para makarating ako sa ng alas syete sa lugar na ‘yon.
Sinend na nila sa akin ang Address dahil alam naman nila na hindi ako magpapasundo.
Mabilis na ligo ang ginawa ko. Sinuot ko ang panloob ko sunod bathrobe ko. Agad akong umupo sa harapan ng salamin saka pinatuyo ang buhok ko. Sinuklay ko ‘to straight na itim ang buhok ko. Bagsak na bagsak at kahit ano pwedeng gawin. Ayokong pakulayan ang buhok ko or ano pa man treatment dahil baka masira lang.
Natapos ko patuyuin ‘to ay kinuha ko ang liquid foundation ko. Kinalat ko sa mukha at saka ngumiti, konting blush on at manipis na lipstick lang.
Hinubad ko na ang bathrobe ko saka sinuot ang manipis na dress. Kinuha ko ang isang silver na bag ko. Syempre ang aking heels na three inches. Ang perfume ko na paborito ko at saka tumayo na ako.
Bumukas ang pinto at nakita ko si Logan na nakaayos na.
“Logan, hindi ka sasama---”
“Sinabi ko na kay tita, wala ka na magagawa,” bagsak balikat kong lumapit sa kan’ya.
Nauna s’yang lumabas at agad akong sumunod. Naglalakad kami papunta sa hagdan at pumupito s’ya. Nauna s’yang bumaba at sumunod ako, dahan-dahan lang ang lakad ko at nakita ko si Mama at si Tito Leo sa sala.
“Yaya, pakiayos naman po kwarto ko. Naiwan ko kasi milktea ko doon baka basa po table ko,” utos ko sa isang kasambahay.
“Sige, Hera.”
Ngumiti ako dito saka tumingin kay mama. Pumunta ako dito saka humalik sa pisnge. Nagmano ako kay Tito Leo saka nagpaalam na kami na aalis na.
“Logan, ingatan mo si Hera ha?” rinig ko na sabi ni Tito Leo.
“Oo, dad, ako pa ba?” umirap na lang ako at naunang lumabas.