Natapos na ang klase ay napahikab ako. Gusto ko na lang agad umuwi at matulog kahit konti. Tapos magigising ako ay trabaho na ulit. Agad akong pumunta sa locker ko, nilagay ko sa mga libro ko doon. Nagulat ako dahil may dalawang papel doon na naka-pink na sobre pa. Nilagay ko ‘yon sa bag ko at saka sinarado ‘to.
“Hoy, waitress! Bili mo nga kaming tubig,” napatingin ako sa tumawag sa akin, at alam kong grupo ni Andrea ‘yon pero wala si Andrea roo .
“Kayo na lang, may paa at kamay naman kayo,” agad na sabi ko at saka umalis doon.
“Aba! Aba!”
Hindi ko sila pinansin. Mabilis ang lakad ko kahit alam kong nakasunod sila sa akin.
"Hindi mo kami susundin?” hindi ko pa rin sila pinapansin hanggang sa makalabas na ako ng building.
Marami pa ring estudyante at wala akong pakielam sa kanila.
“Waitress!”
Nagulat ako nang hablutin nito ang braso ko kaya napatingin ako sa kan’ya.
“Pag inuutusan ka namin? Sumunod ka! Cheap ka lang naman nag- iinarte ka pa!” may mga estudyante na napapahinto sa amin pero ako ay nakatingin sa lang sa kan’ya, malamig. Hindi ako inuutusan sa bahay, hindi ako ginagawang katulong at kung gagawin akong katulong? Sinisigurado ko na may sahod ako.
Agad kong binawi ang braso ko saka tinignan n’ya, “anong silbi ng paa at kamay nyo?” malamig na tanong ko sa kanila, “kung hindi n’yo kaya bumili para sa sarili n’yo? Wag na lang kayo bumili,” nakangiting sabi ko sa kanila at akmang aalis ako pero hinablot nito ang buhok ko na kinagulat ko.
“Aray! Ano ba!” sigaw ko at tuluyan na dumami ang tao sa loob.
Shit! Hindi pwede magkagulo dahil sigurado ako ipapatawag si mama! Ayoko mag-aalala si Mama kaya dapat ayusin ko agad ‘to. Pero sadyang masakit ang hila nila sa buhok ko at may humahawak pa sa braso ko.
“Ano ba?!”
“Anong karapatan mo sagutin kami---”
“Anong karapatan mong utusan ako?” putol ko agad sa kan’ya at bahala na.
Tinulak ko ang dalawa sa gilid ko kaya napabitaw ‘to sa akin. Huminga ako nang malalim saka tumingin sa kanilang tatlo. Hindi ko alam ano ang gusto nila at gustong gusto nila akong ginaganito. Wala akong ginagawa sa kanila.
“Utusan ka lang naman sa Ace Club bakit hindi mo lubus-lubusin ang pagiging utusan hanggang dito?” natawa ako nang mahina saka tumingin sa kanila, “ano nakakatawa?”
“Wala lang. Nakikita ko kasi mga inggit sa mga mata n’yo sa akin,” kumunot ang noo nilang tatlo.
“Hoy, hindi kami naiinggit sa ‘yo,” naiinis na sabit ni Britany sa gilid n’ya.
Ngumisi lang ako saka huminga nang malalim.
“Okay? Edi hindi? So, anong kinaiinit ng ulo n’yo pag nakikita ako? Dahil ba? Mas maganda ako sa in’yo?” lalo sila nainis sa sinabi ko, “oh, dahil? Mas angat ako kahit ganito buhay ko---”
“Yuck! Never! You are just f*****g cheap waitress and we wil not stoop that low---”
“Sorry, but you already did, Lorainne,” malamig na sabi ko, “you just did, five minutes ago. When you pulled my hair---”
“b***h! Walang maiinggit sa ‘yo rito!” sigaw nito sa akin at kitang-kita ko ang galit sa mga mata n’ya.
Nagulat ako ng sumugod sa akin ‘to at pipikit na sana ako pero wala na akong maramdaman pa. Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko at nanlaki ang mga mata ko dahil putil long sleeve polo ang bumungad sa akin. Tinaas ko ang tingin ko at doon nanlaki lalo mga mata ko.
“’L-Logan…” mahinang tawag ko dito.
“What’s happening here?!”
Napatingin ako sa President ng student council namin. Huminga ako nang malalim at pumunta na sa gilid ko si Logan at napatingin muli ako sa kanila.
“These three woman are hurting Hera.” malamig na sabi ni Logan dito at napatingin ako kay Lorraine, Britany at Gail.
Lahat sila ay tulala pa kay Logan at naalala ko na nandoon sila sa party kagabi at invited sila. Isa isa din sila lumapit dito pero hindi sila kilala ni Logan. Napapikit ako at pakiramdam ko pagod na pagod ako dahil lang sa nangyari. Ayoko ng ganito, ayoko ng away or gulo man lang. Pero bakit ang lapit ko sa kanila?
“Totoo ba ‘yon?” The President asked them.
“Oo, sinabunutan pa nga nila si Hera saka inunsulto. Iniiwasan nga sila ni Hera pero sinusundan pa nila,” sagot ng isa kaya naman nakahinga ako nang maluwag.
“Kayong tatlo? Sumunod sa akin!” agad na utos ni President at unti unti na nawala ang mga tao.
Huminga ako nang malalim at tumingin ako kay Logan na ngayon ay nakatitig sa akin. Inayos ko ang buhok kong magulo dahil sa pagsabunot nila sa akin. Sinuklay-suklay ko ‘to gamit ang mga daliri ko saka tumingin muli lay Logan.
“Salamat,” agad na sabi ko, “uuwi na ako---”
“Tara na!”
Nagulat ako nang bigla akong akbayan nito. Pilit ko inaalis ‘yon pero mabigat ang kanyang braso. Napairap ako at hinayaan na lang s’ya, may iilan na napapatingin sa amin pero hindi ko na lang pinapansin. Hindi naman siguro kami pagkakamalan ng mag- jowa.
“Logan, mabigat braso mo!” naiinis na sabi ko kaya tinaasa n’ya ang braso n’ya.
Hindi ko maintindihan bakit naging malapit sa akin si Logan. Hindi ko maintindihan bakit ganito? Noon, sa bahay? Halos iwasan namin ang isa’t isa. Halos hindi namin pansinin pero noong bumalik s’ya ay bakit parang close na close s’ya sa akin kahit hindi naman kami nag uusap noon?
Tapos ngayon?
“Okay ka lang ba?”
“Oo,” agad na sagot ko at nauna akong nag lakad patungo sa sasakyan n’ya.
Hinintay ko s’yang dumating. Tumunog ang sasakyan n’ya kaya naman binuksan ko ang pinto sa gilid ko at pumasok sa loob. Naramdaman ko ang sakit sa braso ko, namumula ‘yon kaya naman napapikit ako. Sana lang hindi mapansin ni Mama ‘to.
“Madalas ka bang I- bully no’n?”
Tango lang sinagot ko dito at tumingin ako sa daan, “kailangan mo sila sampahan ng kaso para naman mag tigil sila---”
“Mom would worried about me. Wag mo sasabihin sa kan’ya ang nangyayari or else she will nagging me nonstop,” natawa s’ya nang mahina sa sinabi ko.
“I would love to be nag by your mother. Mamimiss mo ‘yon, ako nagsasabi sa ‘yo,” hindi na ako sumagot sa kan’ya.
“Mas hindi ko na lang gugustuhin malaman ni mama kaysa mag- aalala s’ya. She would be sad if malaman n’ya na ginagano’n lang ako sa University for past years. And I don’t want that,” normal na sabi ko, “saka? I used to it, every week days ba naman ikaw sabihin ng cheap?” natatawang sabi ko pero wala man ako narinig sa kan’ya.
Nagulat ako nang huminto ang sasakyan n’ya sa isang shop. Agad s’yang bumaba at nakita kong isang Milk tea shop ‘yon. Is he fan of this? Pumasok s’ya sa loob, ako naman ay nanatili lang sa loob ng kotse.
Halos sampong minuto s’ya nandoon, naiinis akong lumabas ng sasakyan saka pumasok sa loob ng shop. Gusto ko umuwi para makatulog ako at makapasok sa trabaho pero ang tagal-tagal s’ya.
Nakita ko s’ya nakaupo sa isang upuan. Agad ako lumapit doon at napatingin s’ya sa akin.
“Ang tagal mo, dapat nakauwi na ako kanina pa. Alam mo ba kailangan ko pa matulog---”
“Chill. Si tita nag-utos sa akin na bumili ng milktea para sa in’yong dalawa,” pinakita n’ya sa akin ang text.
“Kailan pa kayong naging close ni Mama?” agad na tanong ko dito pero nag kibit balikat lang s’ya sa akin.
Umupo na ako sa gilid n’ya at tahimik lang tumingin sa counter. Hindi ko alam ano in- order n’ya. Napahikab ako, dahil naiinip ako ay binuksan ko ang cellphone ko.