Chapter 2

2385 Words
Mabilis ko na lang inayusan ang sarili ko. Binagalan ko ang kilos ko, dahil ala una ang pasok ko ay sinuot ko na lang ang isang ripped jeans high waist ko at isang white small sleeveless top na hanggang ibabaw ng pusod ko. Wala naman uniform sa University na pinapasukan ko at kahit ano pwede doon. Pinatuyo ko ang buhok ko. Inalis ko ang nangyari kanina. Hindi ko na dapat pa iniisip ang bagay na ‘yon dahil wala naman s’ya nakita kung hindi ang nakatapis na katawan ko. Huminga ako nang malalim at nag simula na ako mag ayos. Alas dose na natapos ako. Agad kong kinuha ang mga gamit ko. Ang dalawang libro ko at isang maliit na shoulder bag ko. Agad akong lumabas at saka dumiretso sa hagdan. Bumaba ako at saka pumasok ako sa dining area. Ancheta’s house is big. Two storey pero sobrang lawak. My pool sa labas na may fountain sa gitna, plus sa Garden na sobrang inaalagaan dahil ‘yon ang bilin ni Logan dahil Mommy n’ya ang nag- ayos no’n. The house is color cream. Ang chandelier na babasagin na nagbibigay liwanag sa buong bahay. Ang mga gamit ay halatang mamahalin at nakakatakot hawakan. Ang mga portrait at painting na alam mong milyon ang halaga. Wala akong hinahawakan na kahit ano dito dahil takot ako, nakakatakot hawakan dahil lamang sa halaga. “Morning, mama,” agad akong lumapit dito para halikan sa pisnge, “morning, tito.” Mabuti na lang ay wala na si Logan dito. Kaya naman naupo na ako sa tabi ni Mama. Agad akong binigyan ng plate ng Maid. “Ako na po kikilos,” agad na sabi ko sa kanila. Ako na kumuha ng baso at nag timpla ako ng gatas ko. Nilagyan ko ng pagkain ang plate ko at iilang ulam. “Ija, mabuti na lang at hinatid ka ng anak ko kagabi,” napatingin ako kay Tito Leo, “sana naman magkasundo na kayong dalawa.” Hindi na ako sumagot dito. Binilisan ko na lang ang kain ko, uminom agad ako ng gatas saka isang basong tubig. “Sinabi ko na kasi na wag ka na magtrabaho. Nagmamadali ka tuloy---” "Ma, okay lang ako,” sagot ko dito. Namahinga ako nang kaonti. Agad kong kinuha ang cellphone ko saka binuksan ‘to. Napanguso ako dahil nakita ko na naman ang mukha ko. Andrea’s friend posted my face again in their social media account. Sinasabi nila kung gaano ako ka-cheap o ano pa. Agad kong tinago ‘yon at hindi ko alam bakit big deal sa kanila ang ginagawa ko? Halos nasanay na ako sa ganitong bagay, wala na talagang bago sa akin kapag nakikita ko ang sarili sa social media accounts. Wala naman akong pakielam sa gusto nilang sabihin dahil may mga kaibigan pa rin naman ako. Biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Andrea. Agad kong sinagot ‘to at tumayo ako. “Excuse me,” paalam ko sa kanila. Pumunta ako sa sala at agad naupo sa sofa, “I am sorry, Hera. Hindi ko naman alam na---” “No, it’s okay. I am used to it. Hindi naman sa akin importante mga sasabihin nila,” totoong sagot ko, as long as hindi alam ni Mama mga bagay na ‘yon ay ayos lang sa akin. “Alam mo naman ang mga ‘yon. Pag sasabihan nila Kuya Samuel mamaya ‘yon, pupunta daw silang University para doon,” napalunok ako, alam ko naman na mas magagalit ang mga kaibigan sa akin ni Andrea kung gagawin pa ni Samuel ‘yon. Hindi ko alam bakit galit sila sa akin galit? Dahil ba sa wala akong mamahalin na bags tulad nila? Hindi kasing mahal ang damit na sinusuot ko? O dahil close ko ang grupo nila Samuel? Aileen and Andrea are only my girl friends, Greg, Brix, Samuel and Lincoln are only my guy friends. Wala naman na akong balak makipag kaibigan pang iba. Okay na ako sa kanila dahil kahit konti ay alam ko naman maasahan ko sila. “Wag na, Andrea. Baka mas lalo lang sila magalit sa akin---” “No!” napangiti ako, hindi ko alam bakit nag tatagal si Andrea sa mga gano’n klaseng tao. Sobrang bait n’ya pero gano’n ang kaibigan n’ya, “basta! Papagalitan sila! Paalis na ako, see you!” Agad namatay ang tawag at huminga ako nang malalim. Tinago ko na ang cellphone ko at maya maya ay nakarinig ako nang yapak galing sa hagdan. I saw Logan there, pareho kami napatingin sa isa’t isa kaya naman agad ako umiwas ng tingin. Pumasok ako sa kusina, “Ma, Tito, pasok na ako---” “Gamitin mo na ang kotse ko---” “Ma, kaya ko nga sarili ko,” agad putol ko dito at pumaywang ‘to sa harapan ko. “Binili ko ‘to, bakit ayaw mo tanggapin ha?” “Kasi, ma? Kaya ko po mag-commute,” sagot ko dito at nagulat ako nang dumaan si Logan sa gilid ko at napaayos ako nang tayo. Hindi ko alam bakit ang bilis nang t***k ng puso ko. Pinanood ko ‘tong pumunta sa Ref, halatang may lakad dahil sa ayos n’ya. Agad akong umiwas ng tingin at tumingin na lang kay Mama na nakataas ang kilay sa akin. “Alis na ako, Ma, Tito.” Hindi ko na hinintay pa sasabihin ni Mama ay agad akong umalis doon. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng t***k ng puso ko. Inayos ko ang librong hawak ko ata saka lumabas na ng bahay nila Tito Leo. Lumabas agad ako ng gate, tanghaling tapat at napakainit. Kailangan ko pa mag lakad palabas ng village para lang sa taxi. Naiinis na akong naglakad, mabilis ang bawat lakad ko dahil sobrang init talaga. Nararamdaman kong pinag papawisan na ako. Pero mamaya sa taxi, doon na lang ako mag-aayos. Nang malapit na ako sa gate ng Village ay nagulat ako ng may bumisina sa tabi ko. Agad akong tumingin doon at nakita ko si Logan na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin. “Get in the car.” Malamig na utos nito. “Hindi na, may taxi naman sa labas ng Village,” agad na sabi ko at naglakad na papunta doon. Huminga ako nang malalim, hanggang kayang umiwas ay kailangan kong umiwas. Mabilis ang lakad ko at pansin kong sumasabay sa akin ang sasakyan n’ya. Hanggang sa makalabas ako, pumunta ako sa lilim. Nakita kong huminto ang sasakyan ni Logan at lumabas ‘to sa Ashton Martin n’ya. Masyadong agaw pansin ang itim na sasakyan n’ya at talagang ang ganda. “Sumabay ka na sa akin para makatipid ka ng pamasahe." Nagulat ako nang lumapit s’ya sa akin at kinuha ang libro at bag ko. Hindi ako makapaniwala sa ginawa n’ya kaya naman wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kan’ya. Ako na mismo nag bukas ng pinto ng sasakyan n’ya. Kinuha ko ang gamit ko para ipatong sa hita ko. “Hindi mo naman kailangan ihatid ako. Sanay na ako mag commute---” “I know. Narinig ko na nagtitipid ka hindi ba? Ayaw mong hayaan ka gastusan ni daddy? Then, mas makakatipid ka kung sasabay ka sa aking tuwing tanghali---” “Maaga ang pasok sa trabaho? Paano naging tanghali?” agad na putol ko at natawa s’ya sa akin, sumulyap ‘to at saka pinaadar ang kanyang sasakyan. “Umuuwi ako ng lunch sa bahay para makakain nang maayos at ‘yon din gusto ni Tita Hidalyn. Tatanggihan ko ba naman ang mabait kong step-mother?” napalunok ako at hindi na ako nag salita. Dati lang? Ayaw n’ya sa amin. Pero ngayon? Hindi ko maintindihan. Kaya naman hindi ko na lang s’ya pinansin. Twenty minutes ang byahe papunta sa University. Nagulat ako nang ipasok n’ya ang kanyang sasakyan papasok ng gate. Nakita ko ang mga estudyanteng na manghang mangha sa sasakyan ni Logan. I even saw Andrea and Samuel, there. Nang huminto ang sasakyan ay agad na akong lumabas. “Salamat, K-Kuya…” Kumunot ang noo nito dahil sa sinabi ko pero sinaraduhan ko na lang ng pinto. Nanlaki pa ang mga mata ni Andrea nang makita ako. Lumapit ako kay Samuel at Andrea. “Okay ka lang? ‘Yung naka- post?” “Okay lang ‘yon, Samuel. Hindi naman sa akin big deal ang mga pino- post nila. Sanay na ako,” natatawang sabi ko, pero nakatitig lang sila sa akin, “promise, okay lang ako---” “Anong Kuya na sinasabi mo?” nagulat ako sa paghila sa akin ni Logan. Madilim ang tingin nito sa akin habang hawak hawak ang braso ko. “M-Mas matanda ka sa akin kaya dapat Kuya, hindi ba?” nag tatakang sabi ko. “Bakait sila Samuel? Brix? Greg? Lincoln?” kumunot ang noo ko. “They are my friends…” agad na sagot ko saka tumingin kay Samuel and Andrea na halatang gulat. Hindi sila makapaniwala na kilala ko si Logan. Hindi nila alam na step-brother ko si Logan. Kaya naman sa unang pagkakataon. Agad kong hinila si Logan, papunta sa kanyang sasakyan. Pinasok ko s’ya doon at umikot ako para makapasok sa loob. “Hindi nila alam na magkakilala tayo at step-brother kita---” “Bakit? Magkakilala na tayo years ago? Bakit hindi mo sinasabi sa mga kaibigan mo?” huminga ako nang malalim. “It doesn’t matter, ayokong may nalalaman sila sa buhay ko. Ayokong may malaman sila sa buhay ko.” Madiin na sabi ko. “Paano ‘yan? Ako na maghahatid sa ‘yo. Binilin ka sa akin ng Mama mo---” “Kuya Logan---” “Just Logan, Hera. Hindi mo ko kapatid, hindi tayo magkadugo. I respect your mom that’s why I am here,” na- appreciate ko naman ‘yon, ang respeto n’ya sa Mama ko. “Then, okay? Logan, happy?” he nodded while staring at me, “Kaya wag ka na lang maingay. Sabihin mo na lang nagkakilala tayo but not that way na step-sister mo ako---” “Ayaw mo na maging step-brother ako? Edi Ayoko din,” napatango ako sa kan’ya. Bababa na sana ako ng sasakyan n’ya pero agad n’ya ako hinila at napalingon ako sa kan’ya. Nagulat ako nang mag tama ang ilong namin at sabay no’n ang mabilis na t***k ng puso ko. Agad ko s’yang tinulak at nakita ko na parang gulat din s’ya sa nangyari. “What are you doing?” “S-Sorry---” Agad akong lumabas ng sasakyan n’ya at napahawak ako sa kaliwang dibdib ko. Nakita ko si Andrea and Samuel na naghihintay sa bench. Lumapit na ako sa kanila at ngumiti ako. “Papasok na ako, five minutes na lang simula na ang klase. Mamaya na lang,” agad akong umalis doon at napapikit ako. May iilan na napapatingin sa akin. Hindi na sa akin bago ‘to. Huminga ako nang malalim habang naglalakad ako sa building namin. Lakad takbo na ginagawa ko hanggang sa makapunta ako ng Second floor. Pumasok ako sa loob at wala pa ang Prof namin. Napatingin sila sa akin kaya naman dumiretso na lang ako sa upuan ko. “Danica posted your face, again, wearing a waitress uniform,” someone told me. “Let her, wala akong oras sa kan’ya,” malamig na tugon ko. Nasa isipan ko pa rin si Logan, hindi ko alam bakit hindi kumakalma ang puso ko sa sobrang bilis. Hindi ako makapaniwala sa nang yayari. Dumating ang Prof namin ay umayos na ‘to. Nakangiti ‘to at ginala ang mga mata sa loob. She’s Brix’s Mom, we are close. Nakakatuwa dahil kahit unang kita nito sa akin ay gustong gusto ako. Bukod sa nangunguna ako sa klase ay dinadamitan n’ya ako at ginagawang barbie. Kaya naman nahihiya si Brix sa akin dahil sa ginagawa ng Mommy n’ya pero ayos lang naman sa akin. Lahat ata ng pamilya ng mga kaibigan ko ay gusto ako. Buti na lang, at hindi ako mahihirapan pakisamahan silang lahat. “How’s the second week?” Prof. Santiago asked us. Kasisimula lang kasi ng klase last week kaya hindi pa gaanong busy. “Okay naman, po!” sagot ng lahat except sa akin. Sa buong bakasyon ata nagtrabaho lang ako nang nagtrabaho. Wala ata akong ginawa kung hindi magtrabaho. Ayoko nasasayang ang oras, malapit na ako grumaduate, at kailangan ko na din maghanap ng trabaho. “May mga mahihirap na subject ba kayo?” she asked us. Hindi ako sumagot kahit alam kong napapatingin s’ya sa akin. Ngumiti lang ako dito. “Mukhang wala naman pala? I will check the attendance, okay?” Humikab ako habang hinihintay tawagin ang pangalan ko. “Trinidad, Hera Cline?” “Present.” Ako ang huli kaya nahinto na ang pagtawag. Agad nilabas ni Prof. Santiago ang kanyang laptop at pinakita ang power point kung nasaan ang mga topic namin. Tahimik lang ako nakikinig sa introduction n’ya sa tatalakayin namin. Tahimik lang ako sinusulat ‘yon mga sinasabi n’ya habang iba at pinipicturan ang nasa power point kahit isesend naman mamaya. “Guys, alam ko naman kaya n’yo mag-drawing. Dahil kailangan ng mga sizes, creativity, at iba pa. Hindi ‘yung nag-drawing lang kayo ay tapos na… Paano kung may kumuha sa in’yo ay Alvarez? First class agad papasok sa isipan na ‘tin! Hindi ba?” tumango-tango ako. “Kaya guys, alam naman na ‘tin ang Star University at Lopez University ay sobrang taas na paaralan? Kung baga nasa pang-apat lang ang university na ‘tin pero ipakita na ‘tin na hindi dahil pang-apat tayo ay wala tayong magandang natutunan!” nakangiti ‘to habang sinasabi ‘yon, “nakita n’yo naman noong third year? Nag-present si Hera ng kanyang gawa sa Gym? Hindi ba? Ang alam ko gustong kunin ‘yon ng Funtabella? Tama ba ako?” “O-Opo…” nahihiyang sabi ko. “Magkano binayad?” napalunok ako. “Wala pa po kaming deal pero pag daw po tapos ko nang pag-aaral? Kukunin daw po nila ako.” napangiti ‘to sa narinig ko at napahanga naman ang mga ka- blockmates ko sa sinagot ko. “Talino n’ya talaga,” rinig ko na sabi ng isa. “Sana all…” Nagtawanan sila at natawa din ako ng bahagya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD