Chapter 1

1166 Words
Wala naman traffic? Pero bakit parang ang bagal n’ya mag maneho? Palihim akong tumingin sa kan’ya. Busy s’ya na nakatingin sa daan habang mabagal ang pagma-maneho. Huminga ako nang malalim. Ang ganda ng kotse n’ya, ang bango. Ang amoy n’ya ang umiikot sa loob ng kanyang sasakyan. Hindi ako makapaniwala na makakasakay ako dito. Well, nakasakay na ako sa iilang kotse pero ito kasi? Sikat sa internet. Halos lahat ng kalalakihan ay gustong sumakay dito dahil sa sobrang ganda, pero ang mahal naman. Tapos s’ya? Mayro’n. Iba talaga pag anak ng mayaman. Isang Ancheta ba naman ang ama. “Wala na ba ibibilis?” napatingin s’ya sa akin dahil sa tanong ko, kitang kita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatingin s’ya sa akin, “inaantok na kasi ako at may pasok pa ako bukas.” Nagulat ako nang bumilis ang takbo. Mabuti na lang ay naka-seatbelt ako at kung hindi? Baka mapaano ako. Huming ako nang malalim saka hindi na lang pinansin ang ginawa n’ya sa akin. Ngayon lang naman siguro ‘to, bukas hindi na. Humikab ako at agad kong tinakpan ang bibig ko. Naluluha na ang mga mata ko dahil sa sobrang antok. Mabuti na lang ay malapit na kami sa village. Kaya naman nang makarating kami doon ay agad kaming pinag buksan ng gate ng security nila. Pinasok n’ya ang sasakyan at agad akong bumaba. “Thank you,” sabi ko bago isarado ang pinto ng kanyang sasakyan. Nagulat ako nang makita ko si Mama sa harapan ng pinto. Nakatingin sa akin ‘to at bakas sa mga mata ang gulat dahil sa pagbaba ko ng sasakyan ni Logan. Lumapit ako dito, alam kong nakasunod na sa akin si Logan dahil iisang lugar lang naman ang papasukan namin. “Mama, bakit gising ka pa?” hindi ko maiwasan itanong. “Hinihintay kita. Kasabay mo na pala si Logan sa pag-uwi,” sabay tingin n’ya sa likod ko kaya napatingin din ako roon. Logan is wearing a black tee-shirt na pinatungan din ng gray na coat. A black pants and white shoes. He’s handsome with his outfit, hindi ko naman itatanggi ‘yon dahil noong nasa University kami ay tinitilian s’ya. I was first year college and he was fifth college. He’s Civil Engineer like his father, may sariling firm. Malaki din tulad ng Smith. Hindi naman sila mag kalaban. In fact, mag kaibigan ang dalawa. “Doon po kasi ginanap ang party n’ya sa Ace Club, ma. Nakita n’ya po ako sa daan kaya sinabay n’ya po ako,” agad na paliwanag ko kay mama sabay iwas ng tingin kay Logan. “Gano’n ba?” hinawakan ni Mama ang kamay ko, “Salamat, Logan,” nakangiting sabi ni Mama dito. “Welcome, tita,” agad na sagot nito. Hinila na ako papasok ni Mama sa loob. Dumiretso agad kami sa kusina at agad ako nito pinaghain. Ayoko sana kumain pero alam kong alam n’ya na hindi pa ako kumakain. Kaya naman kahit antok na antok ako ay pinilit kong kumain. “Anak, hindi mo naman kailangan magtrabaho. Kaya ko naman tustusan ang pag-aaral mo,” agad na saad nito habang kumakain ako, “hindi ko na alam gagawin ko sa ‘yo. Imbis na sumama ka na lang sa mga kaibigan mo pero bakit pinipilit mo magtrabaho?” “Ma, kaya ko naman po. Saka nakakahiya kay Tito Leo kung wala po akong gagawin. Saka ayoko naman po kay Tito Leo umasa---” “Anak, hindi pera ng Tito Leo mo ang ginagamit ko para sa pag-aaral mo. Sariling pera ko, nagtatrabaho ako para sa ‘yo.” madiin na sabi nito kaya naman hindi na ako sumagot. Agad kong inubos ang pagkain ko at saka uminom ng tubig. She quit last year being an interior designer. Oo, maraming ipon. Pero gusto ko pa rin magtrabaho. "Tulog na ako, ma. Antok na antok na ako. Ikaw din po. Matulog na, baka magising si Tito Leo na wala ka sa tabi n’ya,” nakangiting sabi ko dito. “Konti lang kinain mo---” “Ma! Inaantok na ako!” napangiti s’ya dahil sa sinabi ko, “Please? Bukas na lang,” halos magmakaawa pa ako. “Fine.” Kaya naman nauna na akong umalis doon. Agad akong dumiretso sa hagdan at umakyat, antok na antok na talaga ako at nagulat pa ako nang makita ko si Logan. Oo nga pala, magkatabi lang ang kwarto n’ya at kwarto ko. Agad akong yumuko saka dumiretso sa kwarto ko, kahit na mabilis ang t***k ng puso ko ay hindi ko pinansin ‘yon. Agad kong sinarado ‘to at agad akong humiga sa puting kama ko. Puti ang kwarto ko, lahat ng gamit ko ay puti din. Sobrang lame ng kulay pero wala naman sa akin ‘yon. Kwarto ko nga noon? Ang liit. Wala pang Cr pero ‘to? May sariling Cr tapos ang lambot pa ng kama. Kahit na sabihin ni Mama na gusto n’ya baguhin ang design ng kwarto ay hindi ako pumayag. Hindi naman ako maarte, kahit ano lang naman ang akin ay lubos kong tinatanggap. Humikab ulit ako. Gusto ko sana maligo bago matulog pero hindi ko na talaga kinakaya ang antok. Hinayaan ko ang sarili ko na makatulog na. Nagising ako ay halos alas diyes na ng umaga. Kaya naman mabilis akong tumayo, maaga pa naman. Pero maaga din kasi ako naliligo, basta pag nagising ako ay sa Cr ako lagi dumidiretsso para paliguan ang sarili ko. Ngayong bumalik na si Logan? Kailangan ko na ulit magkulong sa kwarto para makaiwas sa kan’ya. Hindi ko alam bakit ganito epekto sa akin ni Logan mula noon hanggang ngayon. Hindi ko alam bakit sa tuwing malapit s’ya sa akin ay mabilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Binabad ko ang sarili ko sa tub, siguro naman wala na s’ya kung sakaling pupunta akong dining area ‘no? Narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko mula sa kwarto ko. Kaya naman wala akong choice kung hindi bilisan ang pag ligo ko. Lumabas ako ay tumutunog pa rin ‘to kaya naman inayos ko ang tuwalya sa katawan ko. I saw Greg’s name. “What?” agad na salubong ko dito sa pag sagot ko nang tawag. “May ginawa ba ako kagabi? Nagwala ba ako? Anong ginawa ko? Lasing na lasing ako!” agad kong nilayo ang cellphone ko sa tenga ko, “baka ma- turn off ka na sa akin dahil sa ginawa ko kagabi!" Gusto ko matawa dahil halos hindi ko nga s'ya napansin kagabi dahil kay Logan. “Greg, you are too kind last night, don’t worry,” agad kong pinatay ang tawag at nagulat ako nang bumukas ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Logan. Mukhang gulat din s’ya dahil doon pero agad din s’yang lumabas. “W-What the hell?” Sinampal sampal ko ang mukha ko baka sakaling nanaginip ako pero hindi. s**t! Ano ba ‘yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD