Epilogue His POV>>> Love? Naranasan mo na bang magmahal? Masaktan dahil sa pag-ibig? Umiyak dahil naiwan? Pero naging masaya ka rin ba dahil nagmahal ka? Ngumiti ka ba dahil andoon siya? Sa liit ng panahon ng pagsasama namin ng isang babaeng nagkaroon ng mahalagang parte sa buhay ko ay naranasan kong magmahal, masaktan, at umiyak, ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay naramdaman ko rin ang maging masaya at ngumiti salamat sa kanya. Nagsimulang magbago ang pananaw ko sa mundo simula noong nakita ko siya, sa una naming pagkikita ay umiiyak siya at sa huli na'y nakangiti. Bakit may mga taong dumarating sa buhay natin ngunit umaalis rin sa huli? Bakit hindi na lang pwede na maging permanente sila? Iisa lang ang litrato naming dalawa na magkasama, lahat na ng alaala namin sa lumang