Chapter 9

1804 Words
Hiroki Yoshiro I took a quick shower before changing into my comfortable pajamas, mula sa kinaroroonan ko ay nakita ko agad ang diary ni Yessa na nakapatong sa study table ko, humugot ako ng malalim na hininga saka ito kinuha, binuklat ko ito at nagsimula na akong magbasa... August 3, 2003 Nasa playground ako kasama si Mom at Dad, ang saya ko dahil ito ang unang beses na pinayagan nila akong lumabas sa mansion, at sinamahan pa nila ako! September 12, 2004 Mom died due to a heart failure. Dad begun to change since that day, his business was bankrupted at napabayaan niya ako... December 25, 2004 I spent my whole week in the hospital, nalamang may sakit pala ako sa puso tulad ni Mama, I guess I inherited her disease through genes. So unfortunately, I was confined in the hospital during the Christmas, saka lang ako nakalabas pagkatapos ng new year. Think all you want diary, masakit. Masakit kasi sa hospital ako nagpasko at bagong taon. March 20, 2004 Graduation day. At birthday ko. Valedictorian pa ako, sabi ni Dad sa akin na darating siya, male-late lang siya siguro dahil may aasikasuhin pa siya, but he'll try his best to come and give me my medals, my awards... and all. Umasa ako, diary. Umasa akong darating ang nag-iisang tao sa buhay ko, umasa ako na darating si Dad kahit na male-late siya, umasa akong darating siya dahil lahat ng ito ay para sa kanya, para sa kanila ni Mom. Umasa akong siya ang darating... pero asan na siya? Patapos na ang graduation, tapos na rin akong maawardan since ang guro na lang ang nagbigay sa akin ng awards at merits ko, I was crying. He failed me. March 21, 2004 Nalaman kong naaksidente pala si Dad kahapon kaya hindi siya nakarating sa graduation, naaksidente pala siya, nakalimutan ko na rin na birthday ko pala kahapon... why is the world so cruel? Why is it that the world keeps on taking everything away from me? I silently prayed to God, hoping he'll accept my prayers... please heal my Dad, he's all I have. Please, I want a miracle. March 24, 2004 Kakatapos lang ng operasyon ni Dad, at nasa coma siya ngayon. Dumating ang kanyang mistress sa hospital, sinabihan niya ako na siya muna raw ang mag-aalaga sa akin ngayong wala pa si Dad sa huwisyo. Tumatambay na lang ako sa playground sa gabi kasi hindi ako makatakas ng umaga sa mansion dahil mahigpit ang mistress ni Dad. April 21, 2004 Hindi pa rin nagigising si Dad, at ang mistress niya ay palagi akong pinagbubuhatan ng kamay na hindi ko pa kailanman naranasan sa kamay ni Mom noong buhay pa siya, akala mo reyna reynahan ng mansion, walang araw na umiyak ako simula noong nasa coma si Dad, palagi akong sinasaktan ng mistress niya at binabantahan na kung magsumbong ako ay papatayin niya ako, I was afraid, while Dad was fighting to be alive on his coma I was fighting to be strong with his mistress' cruelty. April 23, 2004 Nag-uwi ng lalake ang mistress ni Dad sa bahay, asawa raw niya... at planado raw ang lahat, sila raw ang rason kung bakit naaksidente si Dad, niloko lang raw niya si Dad para makuha ang mga kayamanan niya... ang sakit diary. They were only after Dad's wealth. May 20, 2004 Nang nag-iisa ako sa mansion kasama ang asawa ng mistress ni Dad ay nagulat ako nang bigla na lang niya akong hinila at pilit halikan, sinikmura niya ako at saka pinagsasampal, pilit niyang pinupunit ang damit ko, tinulak ko siya at tumakbo kahit na nahihirapan, he was going to r**e me... takbo lang ako ng takbo habang siya hinahabol ako, sumisikip na ang dibdib ko... at nahihirapan na akong huminga, he was chasing me while laughing devilishly, he was out of his mind. He will r**e me... I was asking for help, but no one was there to hear me. Nahihirapan na talaga akong huminga and any minute by now ay mahahabol na ako ng lalakeng iyon. Mabuti na lang at may napadaang police car sa harapan ng mansion kaya naman sumigaw ako ng tulong, the police car stopped, at nang nakita nila ang sitwasyon ko ay agad nila akong tinulungan, pinosasan rin nila ang asawa ng mistress ni Dad at kinulong, ako naman ay tinungo nila sa hospital kung nasaan si Dad ngayon para gamutin. May 21, 2004 Nagising na si Dad, umiyak lang ako ng umiyak nang tumingin siya sa akin at ngumiti, marami siyang pinayat, pero si Dad ito, he's awake! I told him everything, halatang nagulat siya, he told me na wala siyang mistress at mga opurtunista lang ang mga nagpanggap, since that day, nang nakalabas si Dad sa hospital ay pinahuli niya ang nagpanggap na mistress niya dahil sa pagbubuhat sa akin ng kamay at pagnanakaw ng aming mga arihan. June 1, 2006 Kakatapos ko lang ma-check up, I'm sorry diary kung ang tagal tagal na bago kita nasulatan, nagpapa-heart checkup kasi ako at parati na akong naka-confine sa hospital, nagho-home study na lang rin ako since bawal magpagod, sabi ng doktor ay lumulubha na raw ang kondisyon ko, trauma raw ata dahil sa nangyari sa akin noong muntik na akong magahasa, sabi naman ng psychiatrist ay dapat wag nang bumalik sa lugar na sanhi nito, kaya naman nagpatayo si Dad ng bagong bahay, simple lang at hindi magarbo tulad ng mansion, Binenta ni Dad naman ang mansion noon, he sold all our happy memories with Mom in that big house, as well as my nightmares with the fake mistress. August 3, 2009 Diary! Pinayagan ako ni Dad na hindi na mag-home school at mag-aral na talaga sa isang paaralan. Sa kabila ng kondisyon ko ay pinayagan niya akong maging normal man lang kahit sa kaunting panahon. Ang saya! Sana magkaroon ako ng kaibigan! October 9, 2009 Nang nag-aral ako sa Royalle Academy bilang nag-iisang scholar ay naging mas malala ang buhay ko, pinahihirapan ako ng mga estudyante rito, sabi nila hindi raw ako bagay rito dahil salot ako, gustong kong umiyak pero hindi ko magawa, hindi ko maaaring ipakita sa kanila na mahina ang kalaban, ayaw kong ipakita sa kanila ang mga luha kong nagbabanta nang umagos sa pisngi ko, sinasampal nila ako... sinasabunutan, binubuhusan ng kung ano anong mga bagay, binabato tulad ng libro, minsan na rin nilang napagtripan ang buhok ko't nilagayan ng bubble gum, pero hindi ako kumibo. I won't let them to take away my chance to become normal. So I stayed quiet and did not tell anything to Dad dahil for sure, iho-homeschool ulit niya ako kung sakaling malaman niya ang kondisyon ko sa school and that will be the end of my dream, to find somebody who'll hear me out, to find a friend, pero mukhang walang kakaibigan sa akin. Bukod sa napagtitripan rin ang lumalapit sa akin ay baka maging target rin ng bully ang magiging kaibigan ko. Isa akong dakilang loner. So I have to endure every pains. Siguro nga ay naging manhid na ako dahil sanay na akong nasasaktan. Siguro... akala ko totoo noon ang mga fairytales, inisip ko pa nga na ako ang prinsesa, and someday, my prince will come and rescue me. Pero imposible. Hindi ako prinsesa, ako lang naman ay si Yessa Jaycee. January 12, 2015 Diary, may lalake kanina sa playground, sa kanya ata ang bolang tumama sa ulo ko. Hanggang dito pa ba naman ay may bully pa rin? Wala akong magawa kundi ang takasan na lang siya habang tulala-ewan bigla na lang natulala, baka saktan lang niya ako kahit na... mukha namang wala siyang masamang balak sa akin. January 15, 2015 Nagkita ulit kami... sa playground ulit. At kumakanta pa ako noon, at umiiyak. Biglang sumikip ang dibdib ko at bigla akong nawalan ng malay, paggising ko ay ang maamong mukha niya ang agad na bumungad sa akin, bigla niyang tinanong kung pwede ba kaming maging kaibigan, biglang bumilis ang t***k ng puso ko. He is asking to be friends with me? Is he joking?!  Diary, for the first time... nakaramdam ulit ako ng saya sa puso ko. Akala ko hindi ko na ito kailanman mararamdaman simula noong lumisan si Mom. Hindi ako makasagot kahit na masaya ako sa nalaman ko, nagulat na lang ako noong kunin nya ang kamay ko at sabihin na friends na kami kahit hindi pa naman ako pumapayag. January 29, 2015 Diary, ang pangalan ng lalakeng espesyal sa buhay ko ay Hiroka Yoshiro, ay Hiroki pala. Ang bait niya at gwapo, kapag kasama ko siya ay bumibilis ang t***k ng puso ko, sana hindi niya marinig. At oo, may crush ako sa kanya, sa bestfriend ko. Oo, bigla na lang naging bestfriend ang turing ko sa kanya... at sa tingin ko, hanggang doon na lang dapat. February 11, 2015 Nagpa-checkup ulit ako, diary ang sakit. Sabi ng doktor ay... wala na raw tsansa pang mawala ang sakit sa puso ko kahit na magpa-opera ako, diary ang sakit. Masyado na raw malala at malaki ang butas. Sabi niya sa akin na may tatlong buwan na lang raw akong natitira, diary... tatlong buwan. Bakit kung kailan pa naging masaya ang lahat? Bakit kung kailan pa nakilala ko ang lalakeng nagpapasaya sa akin?! Saka naman lahat ay parang naglalaho? Ito na ba ay isang senyales na... hindi kami pwede at dapat ko nang tigilan ang pakikipagkaibigan ko sa kanya para mawala na rin ang pagkagusto ko sa kanya? My life is now limited. Three months... I have only three months left to continue living when dying, I only have three months for a miracle to come and save me. I only have three months, before I leave this world. Sana kahit na limitado na lang ang buhay ko... sana ay maranasan ko pa ring maging normal, sana kahit na tatlong buwan na lang ang natitira sa akin ay sana... hindi maging sanhi ng pagkabigo ko ang sakit ko sa puso.  I want to be normal... Hindi ko namalayan na may mga luha na palang tumutulo sa aking pisngi habang binabasa ko ang diary niya, she was dying? Anong klaseng kaibigan ako para hindi malamang may sakit siya at malubha na ang kondisyon niya? Kaya ba siya parating umiiyak? Kaya ba ang lungkot niya? Kaya ba ang payat niya at putla? Bakit hindi ko na-realize? All her life, she was fighting to live. All her life, she was enduring so much pain fighting to be normal. Yet she still choose to continue instead of stopping, I don't know what I was feeling... All I know is that I will grant her wish, sa tatlong buwan niyang natitira sa mundo, I'll make her the happiest girl ever despite everything. I'll pray for her miracle to come. God, please save her... Yessa Jaycee... ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD