Chapter 11

1109 Words
Hiroki Yoshiro I was furious with my own feelings, I only felt sadness... and guilt for invading her privacy without her knowing it, and I am so disappointed with myself for calling myself as her bestfriend when in fact, I don't even know the real her, all I know is that with her simple and strong façade lies a weak and a fragile girl, Yessa. Naglalakad ako ngayon sa corridor while holding the forgotten bag of Yessa -ibibigay ko sa kanya kapag makita ko siya, hindi sana ako papasok ngayon pero kailangan ko para makita ko ulit siya at maibalik ang bag. Lahat ng mga estudyante ay napapatingin sa akin, may mga bumati rin sa akin pero hindi ko sila pinansin, my eyes were only searching for her... until it darted to the noisy olympic designed swimming pool, anong nangyayari at ang daming nagkukumpulan sa pool?! My eyebrows frowned, curious about what was happening inside that building wherein lies an olympic sized pool. "Hey!" Tawag ko sa lalakeng napadaan, napatigil naman siya at halatang kinabahan, "what's happening sa loob?" Tanong ko sabay turo sa may pool. "S-Si Marga, Hiro." "H-Huh?" Tanong ko, I am feeling something bad about this. "M-May binu-bully po siya." Sagot niya sabay takbo palayo, magtatanong pa sana ako kung sino ang binu-bully niya, until I realized something. Someone. Her. Iisa lang naman ang binu-bully ng babaeng 'yon. Hindi ko alam pero bigla na lang akong tumakbo papuntang pool habang nakakuyom ang kamao ko, nagulat ako nang nakita ko si Yessa doon na pinahihirapan ni Marga at ang kanyang mga alipores, they were slapping her at sinasabunutan pa. Gulong g**o ang uniporme at buhok ni Yessa, marami siyang pasa sa katawan, for a moment, her lonely and hurt eyes darted mine. Akmang susugod ako para pigilan sila ngunit nginitihan lang niya ako ng mapakla bago umiling, as if saying na huwag, mas lalong lalala ang lahat. I felt so helpless while watching, hindi siya nagpatinag at umiyak, she did not cry to sooth these damn girl's satisfaction, she is strong... but she does not know how to fight back. Bigla akong nakaramdam ng galit, "ito para sa iyong malandi ka para sa pag-agaw kay Hiroki!" Biglang tinulak ni Marga si Yessa... nahulog naman siya sa swimming pool, nagtawanan pa sina Marga at ang kanyang mga kasama dahil sa kanilang ginawa, there's really nothing funny there. Mas lalong kumuyom ang kamao ko dahil sa galit. I waited for Yessa to swim in the pool pero nagulat ako nang ilang segundo na ang lumipas at hindi pa siya lumilitaw. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko, napalingon sina Marga sa kinaroroonan ko nang napansin ang presensya ko, nanlaki ang kanyang mga mata, "H-Hiro..." Tinignan ko siya ng masama kasama ng kanyang mga kasamang nanakit kay Yessa bago tinignan ang pool, sa pagkakaalam ko ay 8 ft. ito, malalim... Kinabahan na ako dahil nang ilang saglit ay hindi pa rin umaahon si Yessa sa pool, can she swim? Humugot ako ng malalim na hininga bago ko tinanggal ang polo ko, sapatos at medyas at saka agad na nag-dive sa pool para sagipin si Yessa, my heart was beating so fast as I search her inside the pale blue water, then there... sa may pinaka-floor ng pool ay nakita ko siya, she was gasping for air, her long hair was floating with the water, agad kong binilisan ang aking paglangoy para sagipin siya. Sana hindi pa ako huli. I hope I'm not yet too late to save her, if anything bad happens, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Nakita kong napatingin siya sa akin, she was painfully being tortured with the loss of air, I felt pain in my chest when I saw her condition, kahit na nasa loob kami ng tubig ay nakita ko ang paglabas ng mga luha sa kanyang mata. Nang malapit na ako sa kanya ay agad kong hinila ang braso niya, I gave her a kiss and transfered air to her through that kiss, agad naman akong lumangoy pataas ng pool habang hila hila siya at saka siya inahon sa gilid ng pool, sina Marga naman ay tahimik lang sa gilid habang pinagmamasdan kami ni Yessa. Tinignan ko sila ng masama, "kung may masama mang mangyari kay Yessa, I'll make all your life a living hell." Galit at may halong diin na wika ko. I've never been this mad in my entire life. Napatingin na lang ako kay Yessa na basang basa, kagaya ko rin pero wala na akong pake roon, nang hindi pa niya minumulat ang kanyang mga mata ay alam ko nang wala siyang malay. Humugot ako ng malalim na hininga at saka ko binuka ang bibig niya, then in a flash, my lips landed on her as I give her more air, good thing I know something about CPR. I pressed my hands to the skin of her air passageway and did another CPR. "Yessa... wake up..." I cried. Matapos ang ilang sandali ay biglang umubo si Yessa ng malakas, maraming tubig ang lumabas sa kanyang bibig, I was relieved... parang nabunutan ng tinik ang puso ko, I can't help but hug her tight. "I thought I was about to lose you." Bulong ko. "H-Hiro..." I smiled at her, "oo, ako ang super hiro mo, don't make me worry so much again," bulong ko sa kanya, sina Marga at ang kanyang alipores ay bigla na lang nawala sa silid, "let's go and get ourselves dried, baka magkasipon pa tayo kung hindi tayo magpatuyo," sabi ko saka ko siya hinila papuntang locker room ng swimming club, syempre inalalayan ko siya, mabuti na lang at may malaking closet sa locker at may mga twalya, so while we were drying our clothes ay may saplot kami sa katawan. "Yong bag mo pala." I said as I give back her bag. Hindi siya kumibo at kinuha lang ito, nang hindi na basa ang mga damit namin (thanks to the dryer and the electric fan) ay nagpalit na kami, palabas na sana siya nang habulin ko siya at pigilan sa braso. "U-Uhm, I guess you have the right to know..." bulong ko, alam kong narinig niya iyon, tinignan lang niya ako, "I-I, I actually read your diary... sorry," nanlaki ang kanyang mga mata. Bago ko pa man maulit ang sorry ay bigla na lang siyang tumakbo paalis, I didn't went after her since I know that she wants to be alone, I just watched her back as she retreat, pumikit ako, feeling a regret that I should have ran after her when she was still on my sight. I hate myself for being such an idiot. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD