Hiroki Yoshiro
"Happy birthday, Yessa..." I murmured, two weeks passed since she was in a state of coma, and within these two weeks, many changed.
Oo, today is her birthday, today is March 20. I know it is today since I read her diary which stated her birthdate, this was also her graduation day that changed her life forever, I hope she wakes up already.
Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay ni Yessa sabay tingin sa bintana ng kwarto niya, this time, her hand was warm, not cold, naging close agad kami ng Papa ni Yessa kaya naman ang tawag ko na sa kanya ngayon ay Tito Dreigon.
Humugot ako ng malalim na hininga sabay pikit, "Please God, wake her up already, today is her birthday, please don't let it pass while she's still fast asleep." Bulong ko, I know He is hearing me, I know He have plans... but I hope, I just hope he plans to wake her up, and not to let her with eyes closed forever.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Yessa -her room is actually pale blue, she have a lot of posters in her walls like some usual fangirl thing -bumungad si Tito Dreigan, "Hiro, ako na ang babantay kay Yessa, magpahinga ka muna at umuwi, thanks for guarding her today, anak."
Ngumiti lang ako at tumango, I let go of her hands even if it was hard, I didn't want to let a single second pass without her, I wanted to make the most with her timelimit-but miracles might happen, "babalik rin po agad Tito, maliligo lang ako sa condo." Ngumiti siya at tumango.
Kadalasan ako sa bahay nina Tito Dreigon dumidiretso pagkatapos ng school o kaya naman kapag weekends, gusto kong bantayan si Yessa. May tatlong araw rin akong um-absent, napilitan lang na pumasol dahil sa pakiusap ni Tito Drei, na baka maapektuhan ang grades ko kapag hindi ako pumasok.
"She is strong. Don't worry." Nakangiting tugon niya, "pupunta ulit ang doktor para i-check siya, sasabihin ko na lang ang results sa iyo." I nodded at nagpaalam na before exiting the room.
Nang on the way na ako sa bahay gamit ang big bike ko ay napadaan muna ako sa simbahan, I entered, pinagkatinginan ako ng mga tao pero hindi ko sila pinansin, nagulat ako nang ang bumungad sa akin sa loob ng simbahan ay seremonya para sa patay, may libing ata at ongoing pa ang death ceremony at blessings.
Humugot ako ng malalim na hininga, since malawak naman at malaki ang simbahan ay medyo malayo ako sa lamay, nagse-sermon pa ngayon ang pari habang ang mga taong naka-itim at puti naman ay naglalagay ng holy water sa bangkay.
Lumuhod ako sa kneel-pad at pumikit, I will always pray for a miracle that I don't even understand, I always pray for Yessa... hoping she'll wake up.
Today is her birthday, and I have a gift for her... a cute puppy.
"Dear God, I know palagi kong inuulit sa iyo ito, please wake Yessa now, she doesn't deserve this. Please... just please, at least be kind enough and grant me this for her birthday, today is special." Bulong ko, "please become a miracle to save the one and only girl who had my heart."
"Ngayon lang naman ako humingi sa Iyo, sana pagbigyan niyo po ako, para kay Yessa, para sa mahal ko, what did she ever do to deserve this? She only wants to feel loved, she only wants to feel happiness, she only wants to be normal. Why can't You give that life to her? She had enough, please stop giving her more pains, please God... save her, I'm begging you... alam ko na hindi ako nagdadasal at ngayon lang sa mga oras na ito ako nagdadasal, save her." I wiped my tears and sighed.
Paglabas ko sa simbahan ay mainit na paligid agad ang bumungad sa akin, summer na pala kasi... at salamat naman at wala nang pasok next week, mababantayan ko na ng maigi si Yessa, salamat naman, I can finally spend all my time with her. Even if it is just in her sleep.
Umuwi muna ako at naligo, matapos iyon ay agad naman akong pumunta sa pet shop kung saan ko binili ang puppy gift ko kay Yessa para ayusan, I named her Pachoy -combination of payatot and tabachoy, pinaalam ko na sa owner ng pet shop ang puppy, nang nakuha ko ang regalo kong cute na puppy ay bumalik na ako sa bahay nina Yessa, nagbuntong hininga ako saka ko sinuot ang dog-leash ni Pachoy na may pangalan niya.
"Arf! Arf! Arr!"
Napangiti na lang ako nang dahil sa pag-ingay niya, "Tito..." sabi ko sa kanya, halatang nagulat naman siya sa dala ko.
"Hijo," ngumiti siya sabay turo sa dala ko, "bakit 'yang puppy?"
"Gift ko po kay Yessa, birthday niya ngayon, di'ba?"
Ngumiti siya tsaka tumango, "alam mo bang gustong gusto niyang magkaroon ng pet na aso noon pero bawal since allergic sa dogs ang Mommy niya?" Nakangiting wika niya, "sabi niya, gusto niya ng aso para raw hindi siya magmukhang tangang kumakausap sa dolls, mabuti pa raw ang aso ay tumatahol kapag kinakausap." Natatawang sabi niya. "Homeschooled kasi siya, alam mo ba?"
Tumango ako, "nabasa ko po 'yong diary niya, Tito."
Binaba ko si Pachoy, agad naman siyang tumakbo sa paligid at naglaro, "hayaan na muna natin siyang gumala sa loob ng bahay, hindi naman siya makakalabas kaya hindi siya mawawala, bibili lang ako ng meryenda." Wika ni Tito Dreigon, "at sabi ng doktor ay wala raw pinagbago ang kondisyon niya..." malungkot na pahabol ni Tito sa akin, ngumiti na lang ako ng mapakla.
Kailangang tatagan namin ang aming loob para sa kanya. Hindi pwedeng mawalan ng pag-asa hangga't lumalaban pa si Yessa, hangga't may hininga pa rin siya.
Humugot ako ng malalim na hininga bago dumiretso sa taas at pumunta sa kwarto ni Yessa.
Please, wake up now... you'll miss your 18th birthday, will you let that happen now?
***