Hiroki Yoshiro "Please wake up... please don't stay in your dreams, please let go of your nightmares, please, please open your eyes..." I silently prayed with my eyes closed when suddenly, I felt a movement in her bed. Minulat ko ang aking mga mata at nagulat ako sa aking nakita, nakita kong gumalaw ang daliri ni Yessa kasabay ng dahan dahang pagmulat ng kanyang mata, tulad ko ay halatang nagulat rin siya nang nakita ako. "H-Hiro..." Nanghihinang saad niya. Hindi ko maiwasang hawakan ang kanyang kamay, dati'y malamig ito... pero ngayon, mainit na at punong puno ng buhay, nginitihan ko siya, kahit na nanghihina siya ay tinaas niya ang kanyang kamay, dumapo ito sa aking pisngi, gamit ang kanyang hintuturo ay pinunasan niya ang aking luha. "B-Bakit ka... umiiyak?" Niyakap ko siya kasaba

