Hiroki Yoshiro
Two months had passed, and within those two months, Yessa and I spent it nicely, may mga araw na bigla bigla na lang siyang nawawalan ng malay, o bigla bigla na lang siyang magsusuka ng kinain niya na may halong dugo, each days and times that passed, mas lumalala ang kondisyon niya but she still kept her smile.
Si Pachoy rin ay medyo malaki na, since isa siyang half labrador at pomenarian at the same time, galing raw si Pachoy sa pet dog ng owner ng pet shop kung saan ko siya binili-kasama na siya-pero matapos ang ilang araw ay namatay rin naman ang mommy dog, tama nga ang sabi nila, there's always something new that comes once someone important disappears.
Pero iba si Yessa, she's not just important to me, she's everything to me. She will remain irreplaceable no matter what.
Kagagaling ko lang sa hospital, since kailangan nang ma-hospital si Yessa, malubha na talaga ang kanyang sitwasyon, I will always go to the church or chapels and pray for her, I will always pray everyday that God will heal her, though she told me I was her miracle, that I happened to her.
How come I became her miracle when I, in fact, is helplessly watching her getting worst everyday and everynight?
Umuwi na ako sa bahay at hindi sa condo, more than an hour ang biyahe.
"Anak, kumusta na ang girlfriend mo?" Bungad sa akin ni Mama, kauuwi lang nila dito sa Pinas last week para daw makapag-family bonding kami pero sinabi kong may mahalaga akong taong binabantayan, sinabi ko sa kanila ang lahat at halatang nagulat sila Mama at Papa, they asked me her name, I told them Yessa Jaycee, at halatang nagulat sila, then they told me that she is the daughter of their deceased bestfriend -whom is the mother of Yessa -and Dreigon was their former business partner.
"S-She's getting worse..." malungkot naman na sagot ko, at oo, girlfriend ko si Yessa, and it will not end that way, I'll marry her... I will make her my wife, my queen, then we will have a family, I already planned ahead of time.
"Can we visit her as well? She changed you, for the better, anak." Sabi naman ni Papa na nakahawak ng tabloid.
Nagkibit balikat ako, "sige, let's visit her together sa hospital, Dad..." Tugon ko saka ako pumasok sa bahay para maligo na ri't nagbihis, pababa na sana ako nang biglang tumahol si Pachoy.
"Arf! Arf!"
Nginitihan ko lang siya bago lumuhod para i-pat ang kanyang ulo, she loves it when I do it, "be a good girl, Pachoy. Ok?"
"Arf! Arf!"
Napangiti na lang ako, tama nga ang sabi ni Tito Dreig... kaya pala mas gusto ni Yessa ang aso kesa sa doll kasi ang doll hindi sumasagot kapag kinakausap, mas mabuti pa ang aso tumatahol kapag kinakausap.
Bago ako lumabas ay pinakain ko muna si Pachoy, sina Daddy at Mommy naman ay nag-aabang na pala sa akin sa kotse, "anak, tara na?"
I know they were talking about us going together to the hospital, ngumiti lang ako sa kanila kahit na halatang pilit bago pumasok sa sasakyan, tahimik lang kami sa buong biyahe, nadaanan pa ng sasakyan namin ang dating playground... na ngayon ay isang kindergarten school na ng Royalle Academy, inisip ko 'yong mga alaala namin ni Yessa sa lugar na ito, basta na lang naglaho.
Tulad ng inaasahan ay umiyak nang umiyak si Yessa nang nakita niya ang playground noon, nawalan pa siya ng malay noon dahil dito, at 'yong inukit ko naman sa punong kinuha ko ay naka-display sa kwarto ni Yessa.
Tahimik lang akong nakamasid sa paligid nang biglang nag-ring ang phone, tinignan ko ang caller ID at nagulat nang nakitang si Tito Dreigon.
"Hello Tito?" Mahinang sagot ko.
Mula sa kabilang linya ay dinig ko ang pagpanik ng mga nurse at doktor, "h-hijo! Si Yessa!"
Nabitawan ko naman ang aking phone dahil base sa boses at paraan ng pagsasalita ni Tito ay may masamang nangyari, Tito Dreig was crying so loud na kahit hindi naka loudspeaker ang phone ay rinig na rinig, huminga ako ng malalim bago kinuha ulit ang phone sa sahig ng sasakyan, "Andyan na ako Tito!" Sabi ko nang pinark ni Dad ang kotse sa harap ng hospital, halatang concerned sina Mama at Papa sa akin.
"Bilisan m-mo!" Tugon ni Tito, rinig ko ang ingay ng mga doktor sa kabilang linya bago naputol ang koneksyon ng tawag.
"M-Mom, Dad... sumunod na lang kayo sa akin, Room 341." Sabi ko, hindi ko na sila hinintay na sumagot pa, every second counts, tumakbo ako ng mabilis papuntang private room ni Yessa.
Bumungad sa akin si Tito Dreig na umiiyak sa corridor sa harap ng kwarto ni Yessa, tumingin siya sa akin at saka ako niyakap, "s-she's waiting for you," mahinang usal niya.
Tumango naman ako at agad na tumakbo, pumasok ako sa loob at nakita ko ang isang doktor at mga nurse na nakapalibot kay Yessa, maraming mga makinang nakakonekta sa kanyang katawan, mga life machines na siya na lang na bumubuhay sa kanya, hindi ko maiwasang mapaluha noong makita ko siya.
Dried na ang lips niya, may malalaki siyang eyebags, mas lalo siya pumutla na parang walang dugo at ang payat na niya.
"I w-want to be... a-alone... w-with... him..." Nanghihinang bigkas ni Yessa sa mga tao sa silid, tumango naman sila at pinagbigyan na siya, lumabas naman sila at sumilip na lang sa may salamin ng pintuan, mula sa aking kinakatayuan ay nakita ko sina Mama at Papa na nasa labas ng kwarto at kausap si Tito Dreig na umiiyak, mukhang pinapatahan nila...
Ngumiti si Yessa sa akin, I went to her side and held her hands, it was cold... "H-Hiro..." Pinisil niya ang kamay ko, may nakatusok na dextrose sa kamay niya, ngumiti siya sa akin pero halata ang lungkot sa mukha niya.
"Sssh," I said, "don't talk." Ngumiti siya ng mapakla sa akin, her blue eyes were almost running out of life, sleepy, as if anytime it is about to close. Biglang tumulo ang mga luha ko na kanina pang nagbabantang tumulo.
"D-Don't cry..." sabi niya, pinunasan ko naman ang mga luha ko, "iyan ang... sinabi... m-mo sa akin... noon." Bigla kong naalala noong pumunta kami sa amusement park, how that night of summer became so special and meaningful to me.
"S-Sorry..." I muttered when a tear of mine fell on her hands.
"I-I... feel your tears... i-it is warm... a-and... it is c-comforting me..." Nanghihinang wika niya.
"Yessa..."
She faked a smile, "I'm g-glad... your tears fell on... m-my hand..."
"W-Why?"
"I felt it, a-a sign... n-na buhay pa... ako..." sabi niya sabay ngiti ng mapakla, "k-kakatapos lang ng l-last rites ko kanina... I-I... am... afraid..."
"You are not going to die." Pagpapakatatag ko, "miracles happen as long as you believe."
"I..." She paused, paos ang boses niya at mababa, "I... I believe... in you." She smiled, "y-you... my miracle... my... my prince... t-the... one."
"Y-Yessa..." I bit my lower lip, trying to suppress my tears.
"Sssh... let me f-finish..." sabi niya, "I... a-am afraid to d-die... now that... I know... that my h-heart is with you... I... a-am afraid to become an a-angel... when my heart is with y-you... I want t-t-o... stay..."
Nanlaki ang aking mga mata nang may naalala, her last painting! It was an angel with no heart and a man holding her heart, does that apply to the both of us? Was that painting about us?,
"My heart is with you a-as well, so don't leave... me..." Mahinang sagot ko, I gripped on her cold hands that suddenly stopped gripping on me, she unlocked the intertwine of our fingers, she let her hand rest on her side, it was like... she is letting go of me.
"M-Magiging... bitwin na rin... a-ako sa wakas..." She smiled, "m-makakasama... ko... na s-si Mommy."
"Don't say that." Suway ko sa kanya, pumiyok ang boses ko pero wala akong pake, "I won't let you go, mahal kita, mahal na mahal kita, Yessa. Magpapakasal pa tayo. Magkakapamilya pa tayo. Then we'll have kids, I'll give you as much as you want, right?"
Tinignan muna ako ng napaka-misteryosong mata ni Yessa bago niya ito dahan dahang pinikit at ngumiti, "m-mahal... rin... kita, Hi-Hiro... be... h-happy-" halos pabulong na sagot niya kasabay ng pagtulo ng isang huling luha sa kanyang pisngi, she closed her eyes while her lips curved upward into a sly smile, biglang tumunog ang makinang nasa gilid, napatingin ako doon... her heart beat became a steady thin line in the machine.
Nanlaki ang mga mata ko... suddenly, tears were streaming down to my face, humugot ako ng malalim na hininga
"YESSA! YESSA?! OPEN YOUR EYES! HUWAG MO AKONG IWAN! YESSA?! PLEASE! HUWAG MO AKONG IWAN!" I held on her hand that was as cold as an ice then I pressed my lips on hers, she didn't respond, there was no sign of breathing, she was as stiff as an ice. "YESSA?! HUWAG MO AKONG IWAN!"
Pumasok na ang mga doktor at nurse sa silid, pati na rin sina Mama at Papa at Tito Dreigon, hinigpitan ko ang hawak ko sa kanyang napakalamig na kamay, "open your eyes!" Pagmamakaawa ko, but she was not responding.
Ginawa ng lahat ng doctor para bumalik si Yessa, "clear!" Pero alam ko naman na wala na talagang pag-asa kahit na anong gawin nila, they just want to show that they did everything they could to bring her back, but more hopes lead to more disappointments, more agony, more tears. I cried. I'm still hoping, please... bumalik ka Yessa...
"Timecheck?!" Sigaw ng isang doktor, ako naman ay walang magawa kundi ang umiyak habang hawak hawak ang kamay ni Yessa, I closed my eyes and I saw Yessa there, she was smiling from ear to ear... she was glowing, like a star.
"1:43PM and 8 seconds!"
And that was the time, the moment she died, with her last words saying be happy. I love you, forever. Yessa.
***