Hiroki Yoshiro
"Hoy Hiroki! Ano ba naman 'yan, naturan ka pa namang team captain eh kanina ka pang nakatunganga! Sabihin mo lang kung may balak ka pang mag-training kasi nakakaabala na 'yang pagkalutang mo!" Inis na giit ni coach.
Bumalik naman ako sa huwisyo dahil sa kanyang pagsigaw, hindi ko namalayan na natulala na pala ako sa gitna ng basketball game, nakaka-distract kasi ang babae kahapon, and I'm trying to understand why my heartbeat suddenly became fast when I saw her, and why is it beating fast again when I remember her.
"Bro, ok ka lang ba?" Tanong sa akin ni Mark, siya ang pinaka-close sa akin sa lahat sa amin sa team since we're childhood bestfriends.
I turned my head to him and nodded, "yeah, ayos lang ako." Pinasa niya sa akin ang bola, agad naman akong tumakbo papuntang kabilang side ng court habang dini-dribble ang bola, may mga humaharang sa akin na kalaban pero mas mabilis ako sa kanila kaya naman nalusutan ko sila, noong wala nang bantay at libre ang paligid ko ay pinasok ko na ang bola sa ring, swak!
Biglang tumunog ang buzzer beat, sinyales na tapos na ang laro at syempre, kami ang panalo. Andito kami sa basketball court, naglalaro kaming buong team -parte ito ng training namin, mahahati sa dalawa ang team at maglalaban, ang parusa sa natalong grupo ay ang maglinis ng buong court kaya salamat na lang at nanalo kami. Masyado akong napuyatan kagabi kakaisip sa babae.
Nakipag-bro fist sa akin si Mark pati na rin ang ibang kasama ko, "whoa! We are safe from cleaning this court, guys!" He grinned, 'yong mga natalo naman ay nagreklamo, "that means makakasama ko si Steff!" Excited na hiyaw niya, Steff is his girlfriend, they officially dated last week, masaya naman ako para sa kanila.
Biglang pinalakpak ni coach ang kanyang kamay kaya naman napatingin kaming lahat sa kanya, "guys! Magpahinga kayo at huwag masyadong magpagod! All of you will have a two days rest since today is Friday, but I have reminders, first, palagi kayong magsanay sa umaga, at least five kilometers jog to level up your stamina, make sure your body is fit for the tournament next week to avoid unwanted injuries, lastly, make sure you are physically and mentally fit when we go for the regional competition! Let's win this Royalle Panthers!"
Bumuo kaming lahat ng bilog tsaka namin nilagay sa gitna ang isa sa mga kamay namin, sabay sabay kaming sumigaw, "Royalles for the win!" Sabay taas ng kamay.
"Ok, you're all now dismissed, 'yong mga natalo ay maiiwan para maglinis." Ani coach, pagkatapos no'n ay dumiretso na ako sa locker room para kunin ang gamit ko, may ibang nag-shower muna dahil amoy-pawis na sila, ako naman ay nagpalit na lang ng damit since hindi naman ako pinagpawisan sa laban kanina.
Paglabas ko sa locker room, bumungad sa akin si Steff na nakatayo sa harap ng pinto, "oi, si Mark?" Tanong niya habang nakangiti.
Tinignan ko siya sabay turo sa loob ng locker room, "nagpapalit." Tipid na sagot ko.
"Lalabs!" Mula sa likuran ko ay si Mark na tapos na palang magpalit, nakangiti siyang nakatingin sa kanya, nilagpasan niya ako at saka niya niyakap si Steff, how sweet... and they even have their unique endearment.
"Lolobs..." Pinisil ni Steff ang pisngi ni Mark, they are the cutest couple I've ever seen, feeling ko ay out of place agad ako dito so I decided na umuwi na lang at huwag nang mag-isturbo sa dalawa, medyo late na rin kasi.
As usual, naglakad na lang ako. Sayang lang sa gasolina 'yong motor ko kung gagamitin ko 'yon, magastos pa naman. Yeah, not to brag but my family's rich but I'm not a spoiled brat who doesn't value money, I know how to spend my money wisely, I'm not like those other rich kids who take everything for granted. Para sa akin, pinaghihirapan ang pera kaya huwag lang dapat sayangin sa walang kwentang bagay.
Saka isa pa, kung maglalakad ako, mae-exercise ko rin ang mga paa ko, at... madadaanan ko na naman ang playground, baka nandoon siya.
Umiling ako, hanggang ngayon ba iisipin ko pa rin 'yong babae kahapon na bigla na lang nawala? Why is her face covered in hair and tears always appearing in my mind?
Bigla akong nakaramdam ng pagkauhaw, so I decided to stop by to the nearest coffee shop, lahat sila ng kostumer ay tumingin sa akin noong pumasok ako sa loob. May mga iba pang galing sa ibang school na kung makatingin ay akala mo kandila ka na malapit nang matunaw, "do you have cold milktea?"
The cashier nodded to me with wide eyes, "o-opo, Sir Hiroki Yoshiro."
I frowned, she knows me? Ah! And that's when I realized, of course she does! With all those rumors about me on this town and me being the golden boy of Royalle Academy and with my parents being included on the top list of the most wealthy families in Asia, who would not know me?
"May I have one?" I asked.
Tumango siya, "right away, Sir." Tinignan niya muna ako bago ginawa ang order ko, habang naghihintay ako ay hindi ko maiwasang mabagot, namalayan ko ring may nagkukuha ng mga litrato ko, I prevented myself from rolling my eyes, I just shooed the annoying feelings to prevent myself from yelling to these wannabe paparrazi girls na halatang masaya dahil sa ginagawa nila. Tch.
Nang nakuha ko na ang order ko ay nagbayad na ako, mabilis sa alas kwatro akong lumabas sa coffee shop dahil hindi ako komportable sa mga titig ng mga babaeng kostumer sa akin pati na rin 'yong pagkuha ng iba ng litrato ko without my permission, hindi ko namalayan na madilim na pala, good thing may mga street lights kaya may ilaw ang sidewalk, nagsimula ulit akong maglakad.
Nang naubos ko na ang milktea ko ay naghanap ako ng pwedeng pagbasurahan sa container nito, saktong iyon ay nasa harapan ako ng playground kung saan kami nagkita... at sa loob nito ay isang trash bin.
Humugot ako ng malalim na hininga saka pumasok dito, madilim na ang playground at kakaunti lang ang mga lampposts dito tapos 'yong iba mukhang napundi ang ilaw kaya hindi ko gaano makita ang paligid, nang nabasura ko na ang container ng milktea ay napatingin ako sa puno kung saan ko siya nakita.
"As the deer panteth for the water
So my soul longeth after Thee
You alone are my heart's desire
And I long to worship Thee..."
Kumunot noo ako nang nakarinig ako ng mahihinang tinig ng isang babae, parang may kumakanta sa may likod ng puno. It was a soft voice of an angel-no, it was a voice of a girl who have a very beautiful voice, magandang pakinggan ang tinig niya at parang damang dama niya ang bawat salitang kinakanta niya.
You alone are my strength, my shield
To you alone may my spirit yield
You alone are my heart's desire
And I long to worship Thee..."
To confirm the thoughts running inside my mind and to satisfy my curiosity, naglakad ako palapit sa puno, habang palapit ng palapit ay mas lalong lumalakas ang tinig kasabay ng paglakas ng t***k ng puso ko, mas lalong nagiging malinaw ang liriko na gamit niya sa kanyang pagkanta.
"You're my friend and you are my brother
Even though you are a king
I love you more than any other
So much more than anything.
I want you more than gold or silver
Only you can satisfy
You alone are the real joy giver
And the apple of my-"
Nang medyo malapit na ako ay bigla na lang tumigil ang boses mula sa likod ng puno sa pagkanta, akala ko sa una ay napansin ng kumakanta ang presensya ko kaya siya tumigil, hindi pala. Sumilip ako sa likod ng puno at suminghap.
Bigla na lang humikbi at umiyak at babae na alam kong kumakanta kanina -kaya pala tumigil sa pagkanta ng mass song para umiyak, hindi ko maiwasang lumapit sa kanya habang maraming naglalaro sa isipan ko, bigla siyang tumingin sa akin noong napansin ako, saktong iyon ay nagtama muli ang aming mga tingin, napatulala na lang ako nang nakita ko ang pamilyar na pares ng asul na matang ang gaganda ngunit mapupula na naman dahil sa pag-iyak, tulad ng dati ay mugtong mugto na naman ang kanyang mga mata, dumapo ang tingin ko sa kanyang labi, kahit na madilim ay alam kong mapupula ito, hindi na natatakpan ng kanyang mahahabang buhok ang kanyang mukha kaya kitang kita ko ang bawat pagtulo ng kanyang mga luha sa kanyang basang pisngi, she is gorgeous even with her miserable state, may lamppost kasi sa tabi niya at bigla itong umilaw kaya kitang kita ko na siya.
Lumapit pa ako sa kanya while not breaking the eye contact as if if I close my eyes or look away she might disappear again like yesterday, I won't let her disappear again like that on me and I owe her an apology for the ball, tama! Iyon ang rason kung bakit hindi siya mawala sa isip ko, kasi kailangan kong mag-sorry...
Noong malapit na ako sa kanya ay tumigil ako. "H-Hi."
***