Chapter 34 Nagkibit balikat ako habang nakahiga sa kama at nakatitig sa mga nakadikit na glow-in-the-dark stars at moon sa kisame. Nagbuntong-hininga ako, dahil wala akong magawa ay kinuha ko ang iPad ko at binuksan ko ang f*******: account, ngayon na naman lang pala ako magbukas ng account, nagiging madalang na ako sa paggamit ng gadgets simula noong nakilala ko si Travis. Tinignan ko ang newsfeeds ko, puro mga selfies ng mga kakilala ko ang nagpapakita, marami rin akong mga friend requests which I just ignored dahil wala naman akong kakilala doon. Sa kailaliman ng friend requests ko, I saw something which made my heart... beat fast. Travis Javierres Confirm | Delete May f*******: si Travis?! Hindi ko alam pero na-guilty ako, since tambak ang friend request niya, nag-assume ako na m