Chapter 38 Minulat ko ang aking mga mata dahil narinig ko ang malakas na ring ng phone ko, tinignan ko kung sino ang tumatawag at nakitang si Lola Dorora. "Bakit po kayo napatawag?" Humikab ako. "Hija, kailangan ka ng Papa mo! Nalaman lang niya na may iba palang karelasyon si Sandy, hija, bilisan mo. Hinihintay ka ng Papa mo." Halata ang bakas ng pag-aalala sa boses ni Lola Dorora. "Apo, galit na galit ang Papa mo kay Sandy kanina." Suminghap ako. "Andyan na po ako, Lola." "Sige, apo." Biglang naputol ang linya. Tinignan ko ang orasan, it was still too early in the morning but I got up and got myself dressed up. Humikab ako habang naglalakad paalis ng unit. Looks like Sandy ain't my stepmom anymore. ~*~ "Hija, salamat at dumating ka! Ang Papa mo ay nasa salas." Bungad ni Lola Dor