Chapter 16 Pabalik na kami sa resthouse nang biglang kumulog at kumidlat, tumingin ako sa itaas at nakita ang mabilis na paggalaw ng mga ulap, "I think it will rain. Bilisan natin." Sabi ko kay Travis, he held my hand and nodded. "Baka mabasa pa tayo." Binilisan namin ang maglakad, biglang umambon, "are we there yet?" "Malayo pa ang lalakarin natin." I sighed. Bakit ngayon pa kasi uulan? Ang lamig na nga eh! Nagulat ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan, I felt my body shiver as it receive the cold drops of rain, tila yelo ang bawat patak ng ulan na dumadapo sa aking kutis. Nagulat ako nang biglang hinubad ni Travis ang kanyang jacket at saka niya ito pinatong sa likod ko, hinubad din niya ang kanyang shirt at saka ito pinatong sa ulo ko, I suddenly felt warm. "Travis... baka