Chapter 2
Napanganga ako, "i-ikaw ang anak ng bestfriend ni Dad?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Tumaas ang isang kilay niya saka siya ngumisi, "I'm your Dad's bestfriend's son?" ulit niya, halatang naguguluhan, nagulat ako nang umiling siya, "no I'm not, I'm your Dad's newest business partner and we are currently working on a project Chaves & Javierres Resort Park."
Suminghap ako, "w-wait... asan si Dad?"
"He won't come tonight." yamot na sagot niya.
Nanlaki ang mga mata ko, "why not?"
"Because this is a dinner date." bigla siyang umupo sa upuan sa harap ko, tanging ang pabilog lang na table ang nasa pagitan namin at ang flower na display, "and there are only two chairs here. I didn't reserve one for your dad."
"D-Dinner date?" nanlaki ang mata ko. "Don't tell me you bribed me for accepting Dad's business proposal?"
He smirked, "what if I did bribe you in exchange of accepting his proposal which we are currently working on?"
Walang hiya! Na-setup ako ni Dad just for his business' sake! Damn him for lying! Sa lahat naman kasi ng taong pwede niyang gawing business partner, bakit itong lalaking ito pa?! He is hunting me in my dreams! Pati ba naman dito sa riyalidad? Wala na ba akong takas sa kanya?!
Humugot ako ng malalim na hininga at tumayo, "where do you think you're going?" seryosong tanong ni Travis sa akin.
"I'm going home."
Siningkitan niya ako ng mata, "no, you're not yet going home, not until we finish this date." seryoso ang boses niya at nakakapanlambot ng tuhod.
Lumunok ako, "you don't tell me what to do."
"Are you sure about that, Kai?" seryosong tanong niya, umiwas ako ng tingin. "Sit down, Kai." malamig na ang boses niya.
Hindi ko alam kung anong gayuma ang ginawa niya at napasunod niya ako sa utos niya basta ang alam ko lang ay pinagpapawisan ako nang malamig.
"What do you want from me?" tanong ko kay Travis.
"I want you to marry me." nagulat ako dahil straightforward siya at wala siyang pasikot-sikot na nalalaman. But me? Marry him?
"Dahil ba sa nakita ko ang tattoo mo? Look, it was just an accident. I swear I'll forget the fact that I saw your glowing tattoo, just leave me alone already so that we could live a peaceful life." I suggested.
"Peaceful life? You expect me to have one? You took it, Kai. I'm a man of my words, breaking my vow is like breaking myself."
"I took it? Look, ikaw ang kusang naghubad sa harap ko noon kaya kasalanan mo ito! Huwag mo akong idamay dyan sa pledge mo sa sarili mo ah!" inis na sagot ko.
"Are you raising your voice at me, Kaira?"
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko, nakakatakot siya kapag seryoso! Dios mio!
Matapos ang ilang sandali ay may mga waiters na naglapag ng mga pagkain sa table namin, "let's continue the discussion about our marriage later." sabi ni Travis sabay kuha ng ulam sa gitna.
"Marriage?!" I snorted. "Walang kasalan na magaganap."
"Are you sure about that, Kai?"
Hindi ko alam pero bakit ako biglang kinabahan sa tanong niya?
Habang kumakain ay hindi ko maiwasang sumulyap kay Travis, his hair was neatly sleeked back, makapal ang kilay niya, his eyes were defined by his long and thick eyelashes, what caught my attention was his chiseled jaw. He have the looks, the money, fame, reputation. Everything.
He is out of my reach. Ideal man siya ng mga babae but that doesn't change the fact that I don't want to marry him. I was the first one to see his tattoo, and it was just an accident!
This billionaire is really weird, why would he marry the first one who sees his tattoo? Paano na lang kaya kung lalake ang unang nakakita ng tattoo niya? Oh, gosh. Bigla akong kinilabutan sa iniisip ko.
"Stop staring." nagulat ako nang bigla siyang tumingin sa akin kaya naman binaling ko ang atensyon ko sa pool.
Tumikhim ako. "Bakit biglang kuminang ang tattoo mo noon?" bigla kong natanong.
"It is a UV tattoo that only becomes visible with the touch of the moonlight." he explained.
Tumango ako kahit na wala akong naintindihan sa sinabi niya.
"I have a plan! Let's just pretend that nothing ever happened and that I never saw your tattoo, sounds like a good plan, right?" I offered.
He raised his eyebrow, "you have to pay for every single thing you see, Kai. I won't buy that plan." seryoso ang boses niya, palagi naman eh! Do he even know how to smile?
"I have to pay? Magkano ang bayad ng pagkakakita ko ng tattoo mo nang matigil na ang kalokohan na ito?" I snapped.
He smirked. "The payment is simple, marry me."
The guts of this jerk!
Feeling ko namumula na ang tenga ko habang kinakausap ko itong lalakeng ito, tumingin muna ako sa paligid kasi ayaw kong nakatuon ang mata ko sa ka-date ko, doon ko lang napansin na lahat ng tao sa rooftop restaurant ay nakatingin sa aming dalawa, nakangiti silang lahat at 'yong iba naman ay halatang pinagpapantasyaan itong lalakeng ito.
"Not to mention, bakit kaya kilala ako ng mga employees dito sa hotel?" wala sa sarili akong napatanong. Nagtataka lang naman ako.
"Because I own this hotel, Kai. I held an employees' meeting yesterday and announced them that Kaira Chaves is my date for tonight."
Nanlaki ang mata ko. "You made our setup dinner date go on public?!"
"Yes, it is my first step on winning you and marking you as mine." sagot niya.
"Winning me? Ano ako? Laro mo?!" inis na tugon ko. "Trophy girl?"
"No, you are my fiancée."
"Dream on, Travis. I never imagined na ang taas pala ng pangarap ng mga bilyonaryo." I retorted.
"Me? Dream? I never dreamt for anything, Kai. Because what I want, I get. Right now, I want you." Travis smirked because he thought he won, I won't let him have the last laugh!
"You only want me because I saw your tattoo." giit ko.
"Are you sure about that, Kai?"
Lumunok ako habang nakatitig sa kanyang mga mata, what is he trying to say? Umiwas ako ng tingin kasi parang nilulunod ako ng malalim niyang mata.
Hindi ko alam kung ano ba ang naglalaro sa isip ng lalakeng ito, basta ang alam ko lang ay:
Travis Javierres is a dangerous man! Don't fall for him, Kai!
Humugot ako ng malalim na hininga, "tapos na ang dinner date natin, goodbye, Tray." tumayo na ako at walang sabing umalis.
Nagulat ako nang naramdaman ko ang init ng kamay niyang nakahawak sa braso ko bago pa man ako makapasok sa elevator, lumingon ako para kumpirmahin kung si Travis nga ba ang nakahawak sa braso ko. "Ihahatid na kita." sabi niya.
"I have my own car."
He smirked. "Since I didn't take my car, ihatid mo ako." aya ni Travis sabay hila sa kamay ko, mukha tuloy akong bruha na kinaladkad papasok ng elevator!
"W-Wait, what? Mag-o-offer ka na maghatid sa akin tapos hindi mo pala dala ang sasakyan mo? No way, hindi kita ihahatid, Tray. Mag-taxi ka!" sigaw ko saktong sumara ang elevator. Mabuti na lang at walang ibang nakasakay sa elevator kundi kaming dalawa lang.
"I don't really know how to commute." namula si Travis matapos umamin.
Kumunot ang noo ko, matapos ang ilang pagkatulala sa namumula niyang pisngi ay bigla akong humagalpak sa kakatawa, "pfft! Hahahaha. Hindi ka marunong mag-commute? Hahahaha. A-Ano ka? Six years old? Hahaha."
Mas lalo siyang namula. "Dito na lang ako sa hotel matutulog." He snapped.
Tumigil ako sa pagtawa sabay punas sa mga luha kong sanhi ng sobrang pagtawa, "okay, fine, ako na ang maghahatid sa 'yo Tray, para naman quits na tayo sa pagtulong mo sa akin noong muntik na akong gahasain ni Jad. Wala na akong utang na loob sa 'yo, ah?"
Sasagot pa sana si Travis kaso biglang tumunog at bumukas ang elevator, tandang nasa basement na kami ng hotel which is the parking lot.