Chapter 7 I parked the car in front of a gate and went out, nakita kong may babaeng nakasalong na lumapit sa akin, halos manlaki ang kanyang mga mata nang nakita niya ako. "Kaira?" Masayang tawag niya sa akin at saka niya ako pinagbuksan ng gate. Ngumiti ako. "Hello po, Sister Maria." Niyakap ko si Sister. "Hija! Kay tagal mong hindi nakabisita dito, na-miss ka tuloy ng mga bata." Saad niya. "Ahh... sorry po Sister Maria kasi nagiging madalang na lang ako sa pagbisita dito sa orphanage, na-miss ko na rin ang makipaglaro sa mga bata." Ngumiti siya, "huwag mo na isipin yon hija, basta ang mahalaga andito ka na. Halika't pumasok ka! Tiyak matutuwa si Sister Lucy 'pag makita ka niya!" "Ah sige po, may kasama po ako, tulog sa loob ng sasakyan... gisingin ko lang." Sabi ko, tumalikod na ak