Alas nwebe na ng umaga nang maisipan ni Pretzel na bumangon mula sa kanyang higaan. Nahihilo nanaman kasi siya kahit maaga siyang natulog kagabi at nang mga nagdaang mga araw kaya tiyak siya hindi dahil kulang siya ng tulog. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kama at nagtungo sa banyo upang maghilamos. Pagtayo niya ay natanaw niya mula sa bintana ng kanyang silid ang isang matangkad na lalaking kausap ng kanyang Nanay Caring sa maliit nitong tindahan. Pamilyar ang tindig nito. Hindi niya lang makita ng malinaw dahil sa medyo malabo pa ang kanyang paningin dahil sa pagkahilo. Halatang mamasel-masel ang katawan ng lalaki dahil sa laki ng braso at balikat nito. Nakailang kusot siya ng mata dahil baka muta lang ang nagpapalabo ng paningin niya ngunit wala, ganoon pa rin talaga. Inisip niya