bc

Operation Baby on Board

book_age16+
3.4K
FOLLOW
16.9K
READ
one-night stand
family
opposites attract
pregnant
comedy
twisted
sweet
humorous
first love
friendship
like
intro-logo
Blurb

Nang dahil sa kagustuhan ng mga magulang ni Pretzel na mag-asawa na ang kanilang nag-iisang anak, gumawa sila ng plano upang mapilitan itong mag-asawa na sa lalong madaling panahon. Hahantong sa sitwasyon kung saan magpapanggap ang kaniyang ama na may malubhang sakit at malapit ng mamatay na may tanging hiling sa huling sandali ng kaniyang buhay ay ang maihatid sa altar ang anak.

Bukod sa kasinungaling iyon, sikreto rin silang makikipagtulungan sa isang baklang matchmaker na si Felicity, na siyang magpakikilala sa dalaga sa mga potential papabols. Ang masaklap nga lang, wala ni isa sa kanila ang kaniyang nagustuhan at nang oras na malaman niya na set-up lang ang lahat, may galit siyang aalis sa buo niyang angkan, maging sa matchmaker na itinuring na niyang kaibigan ay damay.

Ayos na sana, kuntento na siya sa lugar kung saan siya napapadpad, ngunit ang pasyang iyon ay biglang nagbabago matapos niyang malaman na siya'y nagdadalang-tao at ang ama ay walang iba kundi ang taong huli niyang nakasama, walang iba kundi ang matchmaker.

Paano na lang kung malaman niyang hindi ang matchmaker ang ama ng bata?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Pretzel's POV Gulat na gulat ang mga magulang ko sa biglaan kong pag-uwi. Akala nila'y matatagalan pa ako sa pag-iisip ngunit heto na ako, nasa bahay na ulit makalipas ang higit apat na buwan. Matapos ng mga nangyari. Matapos kong magalit sa mga magulang ko dahil sa ginawa nilang plano at pagsisinungaling sa akin para lang mapilitan akong maghanap ng mapapangasawa. Pagod at medyo masama ang pakiramdam ko nang dumating kaya naman hiniling ko munang magpahinga bago makipagkwentuhan sa kanila at makabawi sa mga araw na wala ako at magkakagalit kami. Balak ko pa sanang pumunta sa flowershop kahit late na ngunit nakatulog ako. Nagising na lang sa mga katok sa pinto, si Manang Sol. Medyo nahilo pa ako nang mapabalikwas ako ng bangon ngunit sandali lamang naman iyon, nawala rin agad. Pinagbuksan ko sya ng pinto at sinabihang susunod ako pagkatapos maghilamos. Umalis naman na ito't naglakad na ako papuntang banyo. Hindi ko pa tuluyang nabubuksan ang pinto nang bigla na lamang akong nakadama ng matinding pagkahilo. Mabilis kong inihakbang ang mga paa upang makaabot man lang sa pinto upang hindi matumba ngunit nawalan na ako ng balanse bago pa man ako makahawak sa anumang bagay na pwedeng makapitan. Tuluyan akong bumagsak sa sahig at damang-dama ko ang lamig ng tiles sa aking likuran. Sinubukan kong bumangon ngunit hindi ko kayang tumayo. Mas lalo akong nahihilo sa bawat pagkilos ko kaya minabuti ko na lamang manatili sa posisyon ko hanggang mawala na ang aking hilo. Hindi ko alam kung ilang minuto ngunit naroon lang ako nanatiling nakahiga sa sahig bago ko nadinig ang muling pagtawag ni Manang Sol mula sa labas. Naririnig ko siya ngunit hindi kasing linaw ng normal kong pandinig. Bukod sa pagkilos, hindi ko rin magawang imulat ang mga mata ko. Gusto ko siyang tawagin upang ipaalam kung nasaan ako ngunit hindi ko magawa dahil umiikot ang paligid ko. Nadinig ko ang pagbukas ng pinto at ang patawag ni Manang Sol kina Mama at Papa para humingi ng tulong. Bago tuluyang nandilim ang paningin ko'y naramdaman ko muna ang pag angat ng katawan ko mula sa malamig na sahig, nadinig ko rin ang pagbuhay sa makina ng sasakyan at ang mainit na halos ng malambot na kamay sa aking pisngi. Sa muli kong pagdilat ng mata ay nasa ospital na ako't mukha ng mga taong malalapit sa akin ang una kong nakita. Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mga mukha nila, mukha silang masaya na malungkot at nangangamba. Naroon si Papa, ang aking Mama, si Manang Sol, ang tiyuhin kong doktor, isang nars at ang dalawang tiyahin kong parehong nakababatang kapatid ni Papa. "Ano pong nangyari?" Una kong tanong, dama pa rin ang kaunting hilo at bahagyang pag-ikot ng paligid. Lumapit si Mama na umiiyak at hinalikan ang noo ko. "Bakit hindi mo sinabi sa'min anak?" Sagot ni Mama sa tanong ko. Nagtanong ako pero tanong din ang sagot. Kaloka. "Ang alin po?" Laking pagtataka ko naman sa tanong niyang iyon. Agad pumasok sa isip ko na baka may sakit ako kaya ako nahilo't nawalan ng malay. Baka malubha ito kaya umiiyak si Mama parang sa teleserye na malalaman na may taning ang buhay kagaya ng ginawa nilang pantitrip sa'kin pero nakakapagtaka namang hindi siya malungkot kung mamamatay na ako. Dahil mukhang hindi siya sasagot, naghanap ako ng ibang mapagtatanungan. "Pa?" Tawag ko kay Papa na nakatulala. Mistulang nagulat ito nang tawagin ko at may nasabi itong hindi ko gaano naintindihan. "Ano po!?" Tanong ko upang ulitin niya. "Sino ang ama anak?" Ulit ni Papa at halos malaglag ang panga ko sa gulat. Natatawa ako na ewan. "Ama?" Ulit ko at biglang napaisip. Nasa quizbee yata ako at kailangan kong hulaan kung sino ang ama na tinatanong ni Papa. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya ako tumawa. Isa-isa kong nilingon ang mga nasa loob ng silid at lahat sila'y sa'kin lang ang tingin. Lahat sila ay seryoso kaya sinara ko na ang bibig ko. Nahinto sa pag-iyak ang Nanay ko at napatingin sa'kin. Nabalot ng katahimikan ang loob ng silid. Naalala ko nanaman ang nangyari ng gabing iyon at halos mahilo ako ulit kagaya ng kung gaano ako nahilo matapos kong lagukin ang alak sa bote na parang tubig na hindi man lamang inisip kung ano ang magiging epekto noon sa akin. Naalala ko ang lahat. Ang lahat-lahat. Doon lang ako nahimasmasan at halos mapamura nang maisip ang sagot sa katanungang iyon. Naghihintay sila ng sagot ngunit hindi ko alam kung dapat pa ba nilang malaman. Alam kong magiging malaking gulo ito at duda ako kung maniniwala sila sa sasabihin ko. Napagpasyahan kong huwag na munang ipaalam ngunit isang walang-hiyang nilalang ang bigla na lang pumasok sa loob ng silid nang hindi man lang kumakatok sa pintuan. Lahat kami'y napalingon sa pinto at kagaya ko'y nagulat rin kung sino ang lapastangang pumasok. "Felicity?" Kunot-noong tanong ni Mama sa dumating matapos siyasatin maigi ito mula ulo hanggang paa. "Hindi po ako si Felicity." Magalang na sagot nito. Hingal na hingal ang lalaki at pawisan rin ito. Kumirot bigla ang puso ko. Naiiyak ako na parang hindi. Nakadama rin ako ng galit nang makita ang mukha niya. "E sino ka? Felicity version 2.0 o Felicity the other side?" Pilong tanong ng aking ina na tapos na sa pagdadrama niya. Kinikilabutan ako. Nakatingin lang ito sa'kin at ang mga titig na iyon ay kakaibang-kakaiba sa baklang kilala ko. Nagpakalalaki na ba ito matapos ang nangyari? Nandito ba siya para sa'kin? Kanino niya nalaman na nandito ako sa ospital? Alam na ba niya ang tungkol sa bata? Ngunit bakit may kakaiba sa kanya? Ang laki ng pinabago ng Felicity na kilala namin sa loob lamang ng apat na buwan pero sabi niya hindi siya si Felicity. Gulong-gulo ang isip ko. Naglakad ito palapit at nilagpasan ang mga magulang ko. Hindi niya rin sinagot ang tanong bagkus ay may hinugot ito mula sa loob ng kanyang bulsa at walang anu-anong lumapit sa'kin. "Let's get married." Usal nito habang hawak ang singsing na galing sa kanyang bulsa. Lasing ba siya? Alam ko hindi umiinom si Felicity. Baka nakadrugs ang bakla kaya feeling niya lalaki na siya ngayon. Pero.... Ang mga mata niya ay hindi gaya ng kay Felicity. Ang nasa harap ko'y asul ang mga mata ngunit at itsura ay parehong-pareho sa kanya. "Sino ka?" Kunot ang noong tanong ko sa lalaking nasa aking harapan. Sasagot na sana ito, ngunit ang labi niya'y naiwang nakaawang dahil sa biglaang pagpasok ng isang pang nilalang. Nanlaki ang mga mata ng lahat lalung-lalo na ako nang makita ko kung sino. Parang bomba sa aking tengang sumabog ang tanong niya sa lalaking nauna sa kanya matapos nitong lingunin ang taong kararating at nagpahinto sa kanya sa pagsagot sa tanong ko. "What are you doing here Kuya?!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
259.1K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
242.1K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
287.4K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.7K
bc

Unexpected Romance

read
38.6K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook